"There are two types of past. The one that we love to revisit and the one that we hate to remember. Either of the two, our "today" is always affected by our "yesterday"."
"Abraham?" nagtatakang tanong ko.
"Um, may iba ka pa bang narinig? Abraham nga diba?" nakakainis na sagot ni Thalia.
"Sino 'yun?" dagdag ko.
"Well, siya ang barkada ni Nat na galing sa US. Anak siya ng University President natin. Last year pa siya nandito. Nagho- home schooling dati kaso nabagot siguro. Matalino na, gwapo pa," she explained.
Lalo akong nagugulumihan nang nalaman kong Abraham ang pangalan ng barkada ni Nat. Tapos ayon kay Thalia, studious daw. Hindi kaya siya yung lalaking nakatabi ko kanina sa gym. Yung lalaking may sugat na maliit sa mukha. Yung humalik sa akin noong Night of Lights? Hmm...
"Ang saya ng bakasyon namin sa Payak, Kob. Marami na namang akong nakita na kamag- anak namin. So, sa whole duration ng stay ko dun, nag- enjoy kaming 3. Ako, si Nat, tsaka si Abraham. Nag- picnic kami sa dagat malapit sa bahay ng lola ko. Ang saya talaga sa province", pagkukwento ni Clarisse.
"Pero nakaka- asar lang kasi inaway pa talaga ako ni Nat doon. Dahil daw marami akong bf," pahabol niya.
"Bf?", tanong ko.
"Boy- friend! Lalaking kaibigan! Tanga lang?!" paglilinaw niya.
In fairness kay Thalia, napaka- friendly niya sa lahat. Babae man 'yan o lalaki. Hindi mo rin aakalahin na may boyfriend na pala siya dahil kikay na kikay siya. Siya yung kikay na maganda kahit na hindi siya masyadong matalino.
Nagpatuloy pa ito sa pagkukwento habang naglalakad kami patungo sa klase namin.
"Can you tell me more about that Abraham?" pahayag ko kay Thalia.
"Hoy, ikaw ah. Ilang buwan pa lang kayong hiwalay ni Phil pero lalandi ka na naman," panloloko niya sa akin.
"Well, mabait siya besty. Kung sa itsura naman... He's gwapo talaga. Maputi ang kulay, mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, kissable lips, may abs pa. Yieee! Bagay kayo. Makinis siya pero may sugat siya sa mukha dahil na- disgrasya siya sa US kaya bilang parusa, dinala siya rito. Buti nga at meron si Nat na barkada niya", paglalarawan ni Thalia sa lalaking anaka ng university president at nakasama niya sa probinsiya.
Medyo masakit na itong tenga ko sa hinaba- haba ng kwento ni Thalia tungkol sa kanilang bakasyon. Jusme! Di naman po sa nagrereklamo ako, no? Ibang klase talaga tong si Thalia! Nandito na nga kami sa harap ng classroom pero panay parin ang kwento niya.
"Alam mo, bagay kayo ni Abraham, Kob," saad niya.
"Hindi mo deserve si Phil. Bakit mo pipiliin ang taong nagsinungaling sa'yo just to f**k her friend!" Thalia said.
"I am moving on, Thalia. One rule that i set is never mention his name. I don't want to hear his name anymore," sabi ko sa kanya.
"Alam mo, g*g* siya at g*g* rin yung babae niya. Yung magkakaibigan na kayo pero hindi man lang niya inisip yon?!" galit na sabi niya.
Hindi na nga ako nagulat sa linya ito ng besty ko. It's a normal thing for her. Since she grew up in the city, Thalia is liberated based on her thoughts and her words. Her language towards such issue is insensitive and careless. Pero what would I do? She's really like that, yet, I accept her because she's my friend.
"Well, alam mo ba noong unang beses pa lang kaming nagkita tapos noong pinakilala mo siya, alam kong manloloko na siya," dagdag niya.
Hindi na lamang ako umimik dahil wala rin naman akong sasabihin dahil naiyak ko na lahat. Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin tungkol sa kanya. And gusto ko lang magsimula ulit. Yun lang.
"Umayos na kayo at tayo'y mag- uumpisa na," wika ni ma'am Rosario, our Filipino teacher as she entered our classroom. Tumigil na rin sa pag- kwe kwento si Thalia at umupo na nang maayos na tila bang serious type siya.
"Maligayang pagbabalik sa ekswela. Nawa'y naging masaya ang inyong bakasyon. At sana ngayong araw ay handa na kayo para sa mga gawain sa ating klase. Batid kong marami kayong kwento tungkol sa mga pangyayari sa inyong pasko at bagong taon at dahil unang araw ng bagong semestre ngayon, hindi muna tayo tatalakay ng ating aralin. Bagkus, magsusulat muna kayo ng kwento tungkol sa inyong karanasan noong nakaraang pasko at bagong taon. Gagamitin natin ang inyong kwento sa pagtalakay natin sa ating aralin sa Gramatika. Mag- umpisa na kayong magsulat ng inyong mga kwento," paliwanag ng aming guro.
Inilabas ko ang aking papel at ballpen at nagsimulang magsulat. Hindi ko alam kung paano ko ikwe- kwento ang mga pangyayari noong pasko at bagong taon. Napakaraming nangyari. Isa pa, nalulungkot ako dahil gumawa ako ng desisyon na sana ay hindi ko pagsisisihan. Ito ay ang makipaghiwalay na kay Phil upang hanapi muna ang aking sarili. Hinayaan kong puso ko ang mag- kwento sa mga kaganapan noon.
Akala ko ay unang araw ito ng pag- mu move on ko. Hindi ko naman inakalang kukulitin ako ng tadhana na habang nililimot ko si Phil, pinipilit naman niyang pinapaala ang mga masasaya at malulungkot na nangyari noong Chirstmas Party namin.
Nakatutok pa rin sa papel ang ballpen na hawak ko ngunit wala akong maisip na kahit ano.
Ano ba ang isusulat ko rito?
Paano ako mag- sisimulang?
Paano ako magsisimulang muli?