PAALALA: Ang mga sumusunod na kaganapan ay nagtataglay ng mga maseselang salita at eksena na hindi angkop sa mga batang mambabasa at sa mga taong hindi sanay sa e*****a. Kung hindi po kayo sanay sa ganitong mga tagpo ay maari na lamang kayong magpatuloy sa susunod na kabanata.
"Love does not fade. It remains in your heart regardless of time. Love does not fail. It is bitter at times, but its fruit is sweet."
Habang binabaybay namin ang kahabaan ng National Highway, hindi maunas ang ngiti sa aking labi. Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse ni Denisse pabalik sa apartment namin sa Vista City subalit ang pakiramdam ko ay nasa ulap ako sa saya. Nakatitig ako sa bintana dahil ayaw kong masilayan ni Phil ay palihim kong pagngiti sa tuwing naaalala ko si Nat. Hindi ko alam kung paano ko siya tititigan na ang nakikita ko ay ang mga pamatay na tingin sa akin ni Nat. Hindi ko alam kung paano ko siya hahawakan habang naiisip ko ang lambot ng mga kamay ni Nat nang hawakan niya ako kanina habang nasa tuktok kami ng burol.
Saglit akong tumingin sa harapan kung saan nakaupo sa driver's seat sina Denisse at Phil. Nagtatawan sila at tila ganun din sila kasaya sa kung ano man ang pinagkwe-kwentuhan nila. Hindi katulad nang naramdaman ko noong una, bigla na lamang nawala ang pangamba o insecurity ko pagdating kina Phil at Denisse. Hindi katulad noon na ayaw ko silang magkita, ngayon ay hindi na ako naiinis kapag masaya silang dalawa. Marahil, ito ay dahil masaya rin naman ako.
Nagpatuloy kami sa pagbyahe at hindi ko namalayang naka-idlip na pala ako. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa Vista City na kami. Tahimik na rin ang dalawang nasa harapan.
"Denisse, salamat sa ride ha," niyakap ni Phil si Denisse bilang pagpapasalamat sa pagsakay sa amin.
Tumingin ako sa labas ng sasakyan at nakita kong nandito na kami sa tapat ng apartment namin ni Phil. Pasado alas 2 na ng hapon at tirik na tirik ang araw. Dali- dali akong bumaba at dumiretso sa kabilang side ng sasakyan, sakto sa bintaba ni Denisse. Binuksan ni Phil ang gate at pumasok na ito sa apartment.
"Denisse, thank youuu! I appreciate your effort," I smiled at her as I thanked her.
"Don't mention it. Na- enjoy naman natin sa Sangay. I mean, ako na- enjoy ko naman yung family reunion namin and I know na nag- enjoy ka rin," she smirked as if she knows something. Hindi ako kaagad sumagot dahil gusto kong i- process kung ano ang gusto niyang sabihin.
"Ah, oo naman. Syempre nakita ko ulit sina mama," bagamat alam kong hindi ito ang punto niya, hindi ko na lang pinahalata. I waved at her and then finally went inside our apartment.
Iniisip ko. Posible ngang alam ni Denisse na nagkita na kami ni Nat kaninang umaga. Pero paano niya nalaman? That last time I remembered asking her about Nat was yesterday night when I asked if Nat is indeed present in Sangay.
"Love, okay ka lang?" tanong ni Phil habang nag- aayos ng gamit niya sa cabinet.
"Ah, of course, love," mabilis kong sagot nang mahimasmasan ako mula sa pag- iisip ng iba't ibang mga bagay.
Lumapit ako kay Phil at tinulungan siya sa pag- aayos ng gamit niya. Si Phil iyong lalaki na sobrang ayos sa mga gamit. Parang ngayon, hindi naman magulo ang mga damit niya pero inaayos pa rin niya. Palaisipan sa akin kung bakit at paano ayusin ang isang bagay na hindi naman magulo in the first place. Pero dahil mahal ko si Phil ay tinulungan ko na lang siyang mag- ayos ng gamit niya. Pagkatapos nito ay inilabas ko na rin ang aking uniform para bukas dahil ayaw ni Phil nagagahol kami sa oras. Well, dahil nasa iisang bubong na lamang kami ni Phil ay live in partners na nga rin kaming dalawa. Ang feeling ko tuloy ay halos mag- asawa na rin kami.
Kaya iyon na nga, pagkatapos naming mag- ayos ng gamit ay inilabas ko na ang mga susuutin namin bukas sa school.
"Ngayon na ba ako magpla- plantsa, love? Ala- una naman ang first class niyo bukas ah samantalang alas- dos naman sa amin," dahil may pagkatamad ako, tinanong ko si Phil na kasalukuyang naglalaro ng mobile games na baka pwedeng ipagpaliban na lang ang pagpla- plantsa.
"Ah sige basta i- move ko rin ang time ng pagluluto ko ng pagkain mamaya. Tingnan natin," panloloko ni Phil.
Tuwing weekends, ang nagluluto talaga ng ulam ay si Phil. Ako naman sa kanin. Oh, diba! Sa umaga, kapag school days, maaga siyanv gumigising para magluto ng noodles o ano mang pwedeng lutuin para sa almusal. Tuwing lunch naman, syempre, sa campus or sa labas kami kumakain. At sa dinner, si Phil pa rin ang nagluluto. Phil is a good cook. Masarap siyang magluto. Legit! Ang ayaw na ayaw lang niyang gawin ay ang maghugas ng plato na syempre, ako na ang gumagawa. Hindi naman namin problema ang paglalaba dahil nagpapa- laba na lang kami sa laundry shop para hindi kami maloka sabi ng dad ni Phil. Bilang babae sa aming dalawa, chos! Ako na ang nagpla- plantsa sa mga damit namin.
Kaya naman kinuha ko na ang kabayo at nagsimula na akong namlantasa ng mga uniform namin bukas.
Pagkatapos nito ay nagpahinga muna ako saglit sa kwarto at hindi ko na naman namalayan ang oras. Pagkagising ko, dumiretso na ako sa banyo upang maligo. Napatingin ako sa orasan at nagulat na alas-7 na na pala ng gabi. Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ay isang masarap na amoy ang sumalubong sa akin.
"Sir, nakaluto na po ako. Kain na po tayo mamaya," nakita kong nakatayo si Phil sa harapan ng gas stove habang nagsasalin ng niluto niyang chicken bistek. Ito ang specialty ni Phil at niluluto lamang niya ito kung mayroong okasyon. Lumapit ako sa kanya at ikinulong siya sa aking mga braso.
"Bakit tinatawag mo akong sir kung pwede namang love?" ngumiti sa akin si Phil at tiyak kong ito ang ngiting bumihag sa aking puso.
Mabilis ko ring tinanggal ang aking mga kamay mula sa pagkakayakap kay Phil para maligo na. Pagkatapos kong maligo ay nakaayos na ang mga pagkain sa mesa. Handang- handa na ang hapagkainan at may pa- wine pa! Hinanap ng aking paningin si Phil ngunit hindi ko siya nahagilap sa kusina. Pumasok ako sa kwarto ngunit wala pa rin siya. Nagpalit na ako ng aking damit para hanapin kung saan siya pumunta.
Habang nagpapalit ako ng aking damit ay narinig kong tumunog ang pintuan, may pumasok.
"Love?" naka- ilang ulit din ako ng pagtawag kay Phil ngunit wala akong nakuhang sagot kaya naman lumabas na lamang ako.
Nang buksan ko ang pintuan ng kwarto namin, isang napaka- gwapong Phil ang tumambad sa aking paningin. Naka- polo, pantalon, sapatos, naka- ayos ang buhok at sobrang bango. Kakulay ng kanyang mapupulang labi ang suot niyang damit. Nakatayo siya sa harapan ko at hawak- hawak ang isang boquet ng mga bulaklak na kulay dilaw na siyang paborito kong kulay. Napakunot ang aking noo dahil nalilito ako kung ano ang nangyayari. Inisip ko kung birthday ko ba o birthday ba ni Phil. Pero hindi! Binuksan ko ang aking cellphone tinignan ang date. Ngayon ay August 20.
Wait.
20?
Monthsarry namin ni Phil ngayon at hindi ko man lang naalala!
Tumingin ako kay Phil na nakatayo pa rin sa aking harap. Pinaghandaan niya ang araw na ito na makikita sa pormahan niya samantalang ako, ito naka shorts ng maiksi at naka- sando pa! Nahiya ako sa itsura ko.
Naglakad ako patungo kay Phil at walang ano- ano ay niyakap ko siya. Hindi ko agad tinanggal ang yakap ko sa kanya dahil gusto kong marinig ang pintig ng puso niyang pangalan ko ang isinisigaw.
"Love, happy 4th monthsarry. I love you," ito ang matamis na linyang sinambit sa akin ni Phil habang yakap- yakap ko siya.
"Thank you, love. Happy 4th month of love. I love you too," nang banggitin ko ito ay muli akong nahiya sa aking sarili dahil nakalimutan ko pa ang monthsarry namin ni Phil.
Iniabot niya sa akin ang bulaklak at syempre, nagpicture rin kaming dalawa.
"I- my day ko nga," natutuwa kong sambit habang chine- check ang mga kuha naming litrato. Hinawakan ni Phil ang kamay ko. Biglang nalungkot ang mukha niya at sinabing...
"Love... baka pwedeng sa ating dalawa na lang muna iyang pictures natin, diba nga..." bago pa man ito banggitin ni Phil ay pinigilan ko na siya.
"Syempre biro lang. Naiintindihan ko namang hindi ko pwedeng ipost online eh. Relax ka lang, love. I know na darating din tayo d'yan. Sa tamang panahon..." nakangiti kong sabi kay Phil upang pagaanin ang loob niya.
Sobrang sweet ni Phil and I can never complain about that. The only thing that we are both concerned about is that our parents are not yet aware of our relationship. Nevertheless, we are still happy with what we have even if our relationship is private as of the moment.
Nasa kwarto na kami ni Phil. Nakahiga na kami sa kama at matutulog na rin. Pinatay ko na ang ilaw at napansin kong tila problemado pa rin siya. Hindi pa rin ito umiimik.
"Love, it is okay. I understand. Do not think about it," I held his hand and I put it on my chest.
"I am happy and contented with what we have. I enjoy our private relationship," dugtong ko.
Tumagilid ng higa si Phil at hinarap niya ako. Halos magkadikit na ang aming mga mukha at naamoy ko ang mabango niyang hininga.
"No one knows about us, and no one can destroy..." pagkatapos niyang bitiwan ang mga salitang ito ay sinunggaban niya ako kaagad ng isang mainit at punong- puno ng pagmamahal na halik.
It was a passionate kiss. In four months, that was our first kiss.
Noong dumampi ang malambot niyang labi sa aking mga labi ay napapikit na lamang ako. Hindi ko alam kung paano mag- re react dahil iyon ang aking first kiss. Ngunit lumaban ako sa halik niya sa akin na katulad sa mga napapanood kong BL stories. Sa pagpikit ko ay tanging mga labi namin ang siyang nag- uusap. May kung anong sensasyong dumaloy sa aking katawan sa paghalik sa akin ni Phil. Madamdamin ang pag- angkin niya sa aking mga labi ngunit banayad. Inaalalayan niya ako at tinuturuang humalik. Nabigla ako ng naramdaman ko ang kanyang dila sa aking bibig na sobrang galing dahil paikot- ikot pa ito. Ginaya ko ang ginawang ito ni Phil at nilaro- laro ko rin ang aking dila sa loob ng kanyang bibig hanggang sa magtagpo ang aming mga dila at tuluyang naglaban. Lunod na lunod ako sa halikan namin ni Phil. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang hagod ng kanyang kamay sa aking katawan. May kung anong kuryente ang dumaloy sa aking katawan. Nakikiliti ako ngunit hindi ko maikakailang nasasarapan sa mainit na hagod ng kamay ni Phil.
"Love, hubad ka na," narinig kong sabi niya sa akin.
Sa isang madilim na gabi, naging isa ang aming katawan dahil sa tawag ng laman.