SHATTERED

1722 Words
"When you love someone, you trust him. What happens when this trust is shattered? Will your love be shattered too?" It is official! Nagbalik na ngang muli si Nat sa buhay ko. Only that this time, may girlfriend na siya, walang iba kundi si Thalia. Grabe pala talagang maglaro ang tadhana. Bagamat masaya ako na nakita kong muli si Nat, nalungkot naman akong pareho na kaming nakatali sa aming sari- sariling mga jowa. Mataas na ang sikat ng araw nang nagising ako kinabukasan. Mabuti na lamang at hindi masyadong masakit ang ulo ko dahil iisang brand lang naman ng beer ang ininom namin kagabi sa Elite club. Napasarap ako ng tulog. Ganun talaga kapag nakainom ako, tuloy- tuloy ang nagiging tulog ko at halos wala na akong paki- alam sa paligid. Bago ko iminulat ang aking mga mata ay inunat ko muna ang aking kamay upang yakapin si Phil ngunit bumagsak lamang ang aking kamay sa malambot naming higaan. Nasaan si Phil? Ito ang naging tanong ko. Tumingin ako sa orasan at nasilayang alas 8 na ng umaga. Kinuha ko ang aking cellphone upang i- text si Phil kung nasaan ito. Nang binuksan ko ang aking cellphone, agad na bumungad sa akin ang dalawang missed calls mula kay Thalia kaninang madaling araw. Siguro gusto lang niyang i- check kung nakauwi na kami ni Phil. Lumabas ako ng kwarto upang tingnan kung nasa labas lang si Phil pero wala. Nag- painit ako ng tubig at nagkape habang hinihintay ang reply niya. Nakataas ang aking isang paa sa upuan habang nagkakape. Nakatingin ako sa pinto na umaasang bigla na lang may magbubukas at may papasok na si Phil. Sa kasamaang palad, wala. Baka pumunta siya sa dad niya? Pero bakit hindi man lang siya nagsabi? Palagi naman siyang nagpapaalam sa akin eh. Baka nag- jogging? Eh alas- otso na. Baka... Wala na akong maisip na rason. Habang naghihintay pa rin kay Phil, tumawag ako kay Thalia upang tanungin kung ano nga ba ang gusto niyang sabihin kagabi at bakit napatawag siya ng ganung oras. "Hello, Kob. Good morning," malalim na boses ng isang lalaki ang aking narinig sa kabilang linya. Boses ni Nat. "Ahh, Nat, pwede ba kay Thalia?" tanong ko pagkatapos magulat dahil hawak niya ang cellphone ni Thalia. "Tulog pa siya. Ako yung tumatawag sa'yo kagabi," bunyag niya. Saglit akong napatahimik sa sinabing ito ni Nat. "Huh? Bakit?" nagtatakang tanong ko. "Gusto ko lang tanungin kung nakauwi na ba si Denisse," sabi niya. "Ha? Aba malay ko. Di ba d'yan sa natulog?" tanong ko. "Dito siya dapat matutulog sa apartment pero dumating yung sakay niyo kaninang madaling araw dito. Akala namin eh sinundo niyo siya," bigkas ni Nat. "Hindi siya natulog dito pero mukhang alam ko kung sino ang kasama niya," sabi ko bago ko tuluyang pinatay ang tawag. Kumunot ang aking noo at lalo akong nagtaka dahil bakit nga ba susunduin siya ng sasakyan ni Phil nang madaling araw? Ano ang ginawa nila at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Phil?! Unti- unting umiinit ang ulo ko dahil sa galit. Ginagago ba ako ng dalawang ito?! Kinuha ko ang aking kape at pumunta sa bintana upang tingnan ang labas. Gusto kong makita agad kapag dadating na si Phil. Nanginginig ang hawak ko sa baso at hindi ako makapag- isip nang maayos. Hindi ko alam kung bakit wala akong ibang maisip sa mga pagkakataon na iyon kundi ang mga salitang "tang ina!" Ilang sandali pa ay may pumaradang sasakyan sa garahe ng apartment namin. Si Phil na nga ang dumating. Muli akong umupo sa harapan ng mesa at uminom ng tubig upang pakalmahin ang aking sarili. Nakaharap ako sa pintuan at naghihintay na buksan ito ni Phil. Mas lalong tumataas ang dugo ko habang mas tumatagal si Phil sa labas. At nang binuksan niya ang pintuan, nakita niya akong galit galit na nakaupo sa harapan ng mesa habang nagkakape. Siya naman, may hawak na pagkain at nakapagpalit na rin ng damit. Tumayo ako at nag- cross arm sa harap niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Love?" mahinahong wika niya sa akin. "SAAN KA GALING?! ANONG ORAS KA UMALIS?! SINO ANG KASAMA MO?! BAKIT HINDI KA NAG- REREPLY?!!!" Nagulat si Phil sa mga katanungan ko. Halos hindi maipinta ang kanyang mukha. "Ahh ehh, love, nagpasundo si Denisse sa apartment nina Thalia kasi... gusto raw niyang umuwi kaya sinundo at hinatid ko sa bahay nila," halatang kinakabahan niyang bigkas. Umiling- iling ako sa sinabing ito ni Phil. "Ilang beses kitang ginising, love, pero tulog ka kaya pinuntahan ko na lang siyang mag- isa," dugtong niya. "Anong nagyari sa'yo?! Sino ka?!! Hindi na kita nakikilala!!! Ang Phil na kilala ko, hindi sinungaling!!! Sino ka?!" tanong ko kay Phil. "Wha- what do you mean?" tanong niya pabalik sa akin. "Gusto kong sa'yo mismo manggaling na niloloko mo ako," sabi ko kay Phil na tila nabuhusan na ng yelo sa kinatatayuan niya. Bigla siyang nanlumo at unti- unting sumungit ang kanyang mukha. "ANO! SUMAGOT KA! KAILAN PA! KAILAN NIYO PA AKO NILOLOKO?!!!" "Is that what you think of me?! I am a man of my word, Kob! Sinundo at hinatid ko lang si Denisse! Stop making an issue out of this!" "Ah talaga ba, Phil?! Tang ina mo!!!" sigaw ko sa kanya bago ako pumasok sa loob ng kwarto. Ibinalibag ko ang pinto at nagkulong sa loob. Tila gumuho ang mundo ko nang narinig kong umamin si Phil. Pakiramdam ko ay nalinlang ako sa matatamis niyang mga salita at gawa. Halos bumaha ng luha ang aming kwarto dahil sa sakit na aking nadarama. Sa lahat ng mga taong malapit sa akin, kay Phil lamang ako pinakanagtiwala. Noong araw na nagdesisyon akong mahalin siya, nagdesisyon din akong ibigay sa kanya ang aking buong tiwala dahil mahal ko siya. Habang nasa kwarto, iniisip ko kung paano at bakit ito ginawa sa akin ni Phil. Oo. Marahil ay iniisip niyang mahal ko pa rin si Nat kaya niya nagawa ito. Hindi ko na kasalanan iyon. Hindi ko ma- kontrol ang puso ko. Pero alam ni Phil na hindi ko hinayaang diktahan ako ng puso ko kaya noong tinanong ako kung past o present ay siya pa rin ang pinili ko. Pero niloko nila ako ni Denisse. Matagal ko nang pinapalampas ang mga kawalanghiyaan ni Denisse. And malakas ang kutob kong kahit noong Night of Lights, noong biglang nawala si Phil, baka magkasama sila. Noong nakita raw ni Phil si Denisse sa isang mall kaya sinabay na siya papunta sa apartment, baka date talaga nila iyon. Ang kakapal ng mga mukha nila!!! Ura- urada ay inimpake ko na lahat ng mga gamit ko dahil maghahanap na ako ng malilipatan tutal sem break naman. Agad kong tinawagan si mama upang ipagpaalam ang desisyon ko. "Ma," "Oh anak, kumusta ka na?" malambing na boses ni mama ang aking narinig. "Ma, lilipat ako ng apartment next sem, siguro pwede ako sa dorm sa Mapua," sabi ko kay mama. "Ha? Eh si Phil? Bakit? Ano bang nangyari?" tanong niya. "Mahabang kwento, ma," maikling sagot ko. Bitbit ang isang backpack, lumabas ako ng kwarto upang umuwi muna sa probinsiya. Nasa sala pa rin si Phil na nakaupo sa sofa at halatang kakatapos umiyak. Tumingin lang ako sa kanya at diretso nang naglakad patungo sa aming pinto. Nang bubuksan ko na sana ang pinto, bigla niyang hinila ang aking braso kaya napaharap ako sa kanya. "H'wag kang umalis, Kob. Pleasee, Kob. I did not do anything, lovee..." pagmamakaawa niya. But I am not a saint to give mercy. Inalis ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa aking braso at tuluyang lumabas sa kwarto. Habang naglalakad ako, naririnig ko ang mga basag at pira- pirasong bahagi ng puso kong nahuhulog. Lumabas akong mabigat ang dibdib. Ngunit desidido na akong umalis sa apartment namin ni Phil dahil hindi ko kayang tumira kasama ang isang taong sinungaling. Habang naglalakad ako paalis ng apartment namin, narinig ko ang mga yabag ng paa na sumusunod sa akin. Nakikita ko sa aking peripheral vision na sinusundan ako ni Phil hanggang sa nakarating na ako sa kalsada. Bago pa man ako naglakad papunta sa parkingan ng mga jeep, tumigil ako lumingon sa aking likuran. Nasilayan ko si Phil na nasa likuran ko pa rin ang matiyagayang sinusundan ako. Nang nakita niya akong tumigil at lumingon sa kanya ay napatigil din siya. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot ngunit nangingibabaw naman sa akin ang galit. "H'wag mo na akong sundan!" pasigaw kong sabi sa kanya. "Kob, wala akong kasalanan. Di ko magagawang lokohin at saktan ka," wika niya. Napansin kong may mga nabubuong luha sa kanyang mga mata habang binibigkas niya ang mga katagang ito. Pero hindi ko hinayaang baguhin ng mga luha sa kanyang mga mata ang aking desisyon. Isa pa, hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa parkingan ng jeep paungo sa aming bayan. Aakyat na sana ako sa sasakyan nang biglang may humawak sa aking kamay- si Phil. Tumingin ako sa kanya nang matalim at tinanggal ang kanyang kamay sa aking braso. "Kob, h'wag ka nang umalis. Huwag mo akong iwan, please," pagsusumamo ni Phil. Malakas ang pagkakasabi niya rito at nagtinginan ang mga kasamahan ko sa loob ng jeep. Uminit ang aking pakiramdam at namula ako sa sobrang hiya. Nakatayo pa rin si Phil sa pintuan ng jeep at tumitingin sa akin. Bumaba na lamang ako upang kausapin siya bago pa siya tuluyang mag- eskandalo dito sa parkingan. Hinila ko ang kamay niya at dinala siya sa gilid ng parkingan sa ilalim ng puno ng mangga. "Phil, ano'ng ginagawa mo. Di ka na nahihiya?" tanong ko sa kanya na nanggagalaiti. "Huwag mo akong iwan, please Kob," sagot niya. "Hindi kita kayang pagbigyan ngayon, Phil. Hindi ko alam kung paano tumira sa isang apartment na kasama ka. Hindi ko alam kung kaya kitang makita kada umaga. Phil, hayaan mo muna ako. Hayaan mo munang humilom ang sugat na ginawa mo sa puso ko, " sambit ko sa kanya sabay lakad papalayo sa kanya. Sumakay ako sa jeep at saktong umandar ito at tuluyang umalis. Kahit na paalis na ang sakay kong jeep ay nandoon pa rin sa may gilid ng parkingan si Phil at tinitingnan akong lumalayo sa kanya. Masakit pero kailangan kong gawin ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD