ISA sa mga kinaiinisan kong bagay ay ang ma-istorbo sa masarap kong pagtulog sa kalagitnaan ng gabi dahil sa biglang pagtunog ng aking cellphone.
Groaning, I reached for the noisy little gadget under my bed and pressed the answer button. "Anak naman ng tinapa, Liam! Magpatulog ka naman, please!"
"Ate, help us!" tugon ng nasa kabilang linya na bahagyang nanginginig ang boses. "We're trapped in the forest!"
Tila binuhusan ng tubig na bigla akong napabalikwas ng bangon. "What! Where?" Gumapang ang matinding pag-aalala sa aking dibdib. "Damn it, kid! Anong ginagawa mo sa gubat? Alam mo ba kung anong oras na!"
I heard my little sister sobbed. "I'm sorry ate. Lumabas ako kanina kasama ng mga kaibigan ko," anito. "We're... we're inside the Riviera Forest. Ate, bilisan mo, please. Dumadami na sila! I don't think-----"
I cursed under my breath as the line suddenly went dead.
'That kid! Ano na naman kayang kinasangkutang gulo nito?'
Agad akong kumilos at patalong bumaba sa kama. Dumiretso ako sa built -in-cabinet, binuksan ang pinto niyon at may pagmamadaling inilabas ang aking baril na nasa holster nito. Kumuha rin ako ng mga bala at inilagay sa bulsa ng aking pajama.
Bilang isa sa mga alagad ng batas sa maliit na bayan ng Riviera, natural lang na magkaroon ako ng armas na tulad niyon.
Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ko kinuha ang aking jacket at agad iyong isinuot.
Base sa narinig kong takot at panic sa boses ng nag-iisa kong kapatid, mukhang nasa panganib ito.
Heck!
What's with those rebelious teenagers? Ano bang iniisip ng mga ito?
Kailangan bang sa dis-oras ng gabi maglakwatsa ang mga ito at sa loob pa ng gubat tumambay?
Napa-iling ako sabay hakbang patungo sa pinto ng silid at pihit sa knob niyon.
Dumiretso akong lumabas ng bahay para lamang mapatalon sa gulat nang makarinig ng pagsabog sa kabilang bakuran kasunod ng matinding sigawan ng mga mamamayan ng Riviera Valley.
"Oh my God! Like oh my freaking God!" bulalas ko nang makita ang grupo ng mga nilalang na sanhi ng kaguluhang iyon.
Mapagkakamalang normal na tao ang mga ito, but, as they attacked, bit and ate one of my neighborhood's son, I realized, they were far from being normal.
I winced and grabbed my stomach.
"Gross!"
One male from that gruesome group saw me and like in a cliché horror movie, he ran towards me. With his dry wide mouth and sharp teeth, he tried to bite me.
Ngunit mas mabilis ang naging pagkilos ko nang magawa ko itong pigilan sa noo. Hinagilap ko ang aking baril sa aking tagiliran sabay tutok ng dulo niyon sa naka-awang at nakadidiri nitong bibig.
I pulled the trigger and it created a loud bang. The bullet blew half of his head and his blood splattered on the ground.
Bumagsak ang katawan nito sa lupa na ikinangiwi kong muli.
"I'm sorry, dude! It was a self-defense," napalunok na wika ko. "You attacked me kaya binaril kita. I'm so---" my words were cut when a black pick-up car suddenly stopped in front of me.
I shrieked feeling mortified. "Oh my God! Sinagasaan mo sya!" kumpronta ko sa driver ng pick up.
Agad kong nakilala ito dahil sa nakabukas na bintana ng sasakyan. Ito ay ang aroganteng may-ari ng nag-iisang bar sa Riviera na si Gavin Wilson.
"Arestuhin mo na lang ako mamaya," anito bago binuksan ang pinto ng passenger seat. "Get inside now kung ayaw mong maging isa sa mga halimaw na 'yan!"
Napansin ko na tumatakbo na palapit sa aming direksyon ang kasama ng kaawa-awang lalake na nasa ilalim ng sasakyan nito.
Kaya labag man sa aking loob ay agad kong ibinalik sa holster ang aking baril. Sumakay ako sa unahan ng pick up ni Gavin Wilson at mabilis nito iyong pinasibad palayo pagkatapos.
"Okay, puwedeng malaman kung ano ba ang mga nilalang na iyon?" matapos pakalmahin ang aking sarili ay tanong ko sa lalakeng nasa manibela.
"Man-eater, infected, walking dead, zombies. Pumili ka na lang kung ano sapalagay mo ang tamang dapat itawag sa kanila."
I chuckled. "You're kidding me right?"
"Nope."
Napahilamos ako sabay ungol. "Damn it! My sister is inside the Riviera forest at this moment. Kailangan ko s'yang puntahan."
Gavin heaved a deep sighed. "I know dahil kasama ng kapatid mo ang kapatid ko."
Napa- "Oh." ako.
Ibig sabihin ba nito, makakasama ko ang aroganteng binata sa gitna ng zombie invasion ng Riviera Valley?
_______
HALF an hour later, inside the forest, Liam Green whimpered as she saw two of those creepy creatures that killed and ate their friends earlier walking towards their spots.
Sa kan'yang likuran ay naroon si Nate Wilson na maingat na naka-alalay sa kan'ya pa-akyat ng puno.
Nate covered her mouth. Saglit silang huminto at 'di kumilos. Halos pigilan na rin nila ang paghinga huwag lamang makalikha ng kahit na konting ingay.
They knew those creatures are sensitive to noises.
Isang kaluskos lang, tiyak malalaman ng mga ito ang kanilang presensya.
Liam closed her eyes and silently prayed. Ayaw ng dalaga na matulad s'ya sa mga kaibigan nilang ginawang midnight snacks ng mga ito.
Those man-eater bastards ripped their poor friends stomachs, pulled out their intestines and ate them.
She sobbed in fear.
"Ssshh. It's alright, baby. Wala na sila," bulong ni Nate sa kan'yang tenga.
Automatikong nagmulat si Liam.
Pumihit s'ya paharap sa kasintahan at mahigpit na yumakap dito. "Babe! Kapag naging zombie ka, huwag mong kakainin ang bituka ko, ha!"
Nate grinned and cracked a joke. "Babe, bakit ganon? Hindi pa nga ako zombie pero parang gusto na kitang papakin?"
"Eh kung bala ng baril ko ang ipapapak ko sa'yo bata!"
Gulat na naglayo ang dalawang teenager dahil sa pagsingit ng galit na boses na iyon.
Sabay na tumingin ang mga ito sa ibaba ng puno at nakita roon ang nakapameawang na si Police Officer Levi Green kasama ang umiiling na si Gavin Wilson.
"Ate Levi!" bulalas sa tuwa ni Liam.
"Ate Levi!" her sister mimicked and then growled. "Baba at magpaliwanag ka sa akin ngayon din kung bakit nakikipag-date ka sa kamoteng 'yan, Liam Green!"
Ngunit hindi na nagawa pang makatugon ang dalagita dahil sa gulat nang biglang lumitaw mula sa kung saan ang mga halimaw ng kagubatang iyon.
______
(Levi's POV)
'f**k!' Agad kong hinagilap ang aking baril nang buhat sa makakapal na d**o ay lumabas ang nasa limang zombies at sabay-sabay na sumugod.
Ngunit bago ko pa man makalabit ang gatilyo ng aking .45caliber ay malakas na umalingawngaw sa ere ang limang putok ng---
Napakunot-noo ako.
Teka, saan iyon nanggaling?
Kasabay nang pagbagsak sa lupa ng mga zombies ay ang pagbaling ko sa bumaril sa mga ito.
I hissed as I realized it was Gavin Wilson.
"Nathan! Move your ass down, kid! We have to get out of here, now!" utos nito sa kapatid.
"Dude, you have a gun," sita ko dito.
"Yes, so?"
"May lisensya ba 'yan?" I asked him.
"Wala," he answered in monotone voice.
I growled at him. "That's a crime! Illegal possession of---"
Naputol ang aking pagsasalita nang may lumitaw na zombie sa likuran nito.
I automatically shot it.
"What the hell, woman!" Gavin barked at me as the bullet almost hit him. "Papatayin mo ba ako!"
I rolled my eyes. "You're still in one piece! Kalma lang, dude."
He glared at me and I pouted.
Ano bang ipinaglalaban ng kumag na ito?
He should be thankful I saved his arrogant ass a minute ago, right?
Liam and Nate climbed down the tree.
Gavin gave me one of his sharpest glare bago nito hinarap ang kapatid. "Hold this, mutt." Ibinigay nito ang baril sa kapatid. "Nasa bahay pa si Angelica. Kailangan nating bumalik."
My brows lifted.
'Who is Angelica?'
_______
KANAILANGAN naming bumalik sa bahay ng mga Wilson dahil kay Angelica bagamat napa-iisip pa rin ako kung sino ito.
Napa-iisip din ako kung ano bang paki-alam ko kung sino si Angelica sa buhay ni Gavin Wilson.
I must be going nuts cause that arrogant bastard is my mortal enemy.
Mula pa noong highschool na binu-bully ako nito at magpahanggang sa mga sandaling iyon.
It's impossible that I'm being curious about him and the people around him.
Mamamatay muna ako bago mangyari ang nakakikilabot na bagay na iyon.
Gavin Wilson is a bad news.
Alam kong sangkot ito sa mga illegal na gawain kahit wala akong ebidensya, maliban sa baril nitong walang lisensya.
Nahinto ako sa malalim na pag-iisip nang makarating kami sa sentrong bayan ng Riviera.
"My God," bulalas ko.
I heard Liam gasped from the backseat while Nate and Gavin cursed.
What the hell happened to this place?
Nagkalat ang iba't ibang mga parte ng katawan ng tao at bumabaha ng dugo ang mga kalsada.
Maraming gusali ang nasira at ang iba ay tinutupok ng naglalagablab na mga apoy.
Maririnig ang mga sigawan sa bawat sulok ng s'yudad habang kan'ya-kan'yang takbo ang mga mamamayan ng Riviera upang iligtas ang mga sarili nila sa mga humahabol na zombies.
"Paano nangyari ang mga ito? Saan ito nagsimula?" sunod-sunod kong tanong. "Is it a virus or what?"
"Fungal networks," naka-tiim bagang na tugon ni Gavin.
Bumaling ako dito. "Fungal what?"
He irritatedly growled. "Are you deaf? I said it was fungal networks also known as mychorrhizal networks that exists in the forest."
Naguyumos ang aking mukha. "Hindi ako bingi, you jerk!" singhal ko. "Malay ko ba naman sa mga fungal networks na 'yan! You arrogant ass!"
"Did you just called me arrogant ass, you brainless woman!" he snapped back at me.
Sasagot pa sana ako nang bigla itong magpreno.
Buti na lang naka-seatbelt ako kundi, diretso ang aking kagandahan sa dashboard ng sasakyan.
"Where here," Gavin said. He opened the door on his side and hopped down the car.
Bumaling ako kay Liam at Nate. "Kami na ang kukuha kay Angelica. Just wait here and for freaking sake, no kissing in front of me, kamote!"
Agad na inihiwalay ng ungas na kapatid ni Mr.Arogante ang nguso nito sa kapatid ko.
Nate grinned. "Sorry ate."
I groaned and decided to follow Gavin before I shoot the little mongrel.
Humakbang ako papasok sa loob ng madilim na Victorian house ng mga Wilson.
Nasa loob na si Gavin at naabutan ko itong marahang umaakyat sa second floor.
"Sshh.. there is someone else in the house," bulong sa akin nito.
I breathed deeply to calm my nerves.
Dahan dahan kong hinugot sa lalagyan ang aking baril. Nakita ko nang ilabas din ni Gavin ang isang dagger mula sa likuran nito. May pag-iingat kaming umakyat sa second floor nang biglang magliwanag ang paligid.
"Drop your weapons Gavin, Police Officer Green, or I'll shoot her head!"
Nanlaki ang aking mga mata nang makita sa gitna ng pasilyo ng ikalawang palapag si Dr. Hilton.
Ang researcher/ scientist naming kapit-bahay. Hawak nito ang isang maputi at mabalahibong nilalang habang nakatutok ang baril ni Mr.Hilton dito.
I hissed under my breath as I realized who Angelica was.
Asar na nasapak ko si Gavin.
"What the hell, woman!" sikmat nito sa akin.
I barked at him. "Bumalik tayo dito para lang iligtas ang aso mo!"
"Angelica is not a dog! She's my angel!" tugon nito sabay baling kay Dr.Hilton. "Give her to me, you crazy old man!"
Dr. Hilton smirked. "Binalaan na kita, Gavin. Kung sinuportahan mo lang sana ang proyekto ko, hindi sana ay dalawa tayong nakikinabang ngayon. Those networks, puwede nating ibenta sa U.S, sa Russia o sa China. They are more effective than nuclear weapons!"
I gasped in disbelief. "So it was you, Dr.Hilton? Ikaw ang responsable sa mga nangyayari ngayon sa Riviera!"
He laughed like a madman. "Ako at wala ng iba, Police Officer Green! Dahil walang naniniwala sa aking kakayahan ay gumawa ako ng isang kakaibang pananaliksik. Halos kalahati na ng mamamayan ng Riviera ang nadapuan ng fungal infection. Ilang oras pa at makararating na iyon sa kasunod na bayan."
Gavin clenched his teeth. "You retard!" Losing his control, he attacked Dr.Hilton but the researcher immediately pointed the gun at him and pulled the trigger.
Two gunshots filled in the air.
Isa ay galing kay Dr.Hilton at ang isa ay galing sa akin.
Gavin groaned and fell down on the floor and grabbed his arm while the scientist fell down with his eyes wide open, dead on the spot.
"Oh my god!" I exclaimed. "I'm sorry! I'm so sorry, Dr.Hilton! You tried to kill my archenemy kaya binaril kita. Dapat ako lang ang aaway sa kan'ya. I'm so---" naputol ang aking paghingi ng tawad sa napatay kong scientist nang makarinig ng tili sa labas.
My eyes widened.
Kapatid ko 'yon!
Agad na bumangon si Gavin. "Let's go, Angelica!" Diretso itong bumaba ng hagdan habang sapo ang dumurugong braso.
Napangusong sumunod ako dito.
Seriously, wala man lang thank you?
________
AS we stepped outside the house, we found groups of infected people knocking on the close windows of the pick up car where my sister and the cassava dude were.
I aimed and shot three of those zombies.
While Gavin pulled out another gun from his side and fired.
Magkakasunod na bumagsak sa lupa ang mga halimaw.
Namamangha namang napa-iling ako.
Ilan kaya ang nakatagong armas sa katawan ng lalakeng iyon? Hindi na ako magugulat kung sa susunod at maglabas naman ito ng machine-gun.
I sighed and smirked.
'But in fairness, he's a sharp shooter, huh!'
"Angelica, hop in, girl!" binuksan nito ang pinto ng pick-up at agad namang tumalon papasok ang anghel daw nito.
I grimaced. "Buti pa ang aso, naalala, samantalang ako---"
"Levi, baby. Hurry up."
I gasped and my jaw almost dropped on the ground in utter shock.
'Levi?
Baby?
Ohmergash!
Tinawag ba ako nitong Levi baby?'
"Coming, sweetheart!"
At doon nagsimula ang pagkahulog ng panty ko errr... ng loob ko kay Gavin 'the arrogant ass'.
_____
AN hour later...
Natagpuan na lang namin na nasa boarder na kami ng Riviera at ng kasunod na bayan kasama ang iba pang nakaligtas sa pag-atake ng mga infected.
The only problem was, the bridge that's connecting the two cities was ruined.
"Inabandona nila tayo! Those soldiers, pinabagsak nila ang tulay para pigilan ang pagkalat ng infection pero paano naman tayo!" pahayag ng isang ginoo habang yakap ang asawa at mga anak nito.
Tila pinanghinaan ako ng loob dahil sa aking narinig.
Ang tulay lang ang nag-iisang daan upang makalabas ng Riviera dahil ang kabilang panig ng bayang iyon ay dagat na.
Ngunit ngayong pinabagsak na pala ito ng mga sundalo, paano na ang mga survivors at hindi pa na-iinfect na mga sibilyan?
"Ate." Yumakap sa akin si Liam.
She was shaking in fear.
"It's okay kid. Maka-aalis tayo sa lugar na ito," I consoled my baby sister and hugged her back.
Humingha ako ng malalim at tinatagan ang aking sarili para dito.
Gavin approached us. "Wala tayong pagpipilian kundi ang dumaan sa tubig."
I gave him questioning look.
"Meron akong motorboat. Kung hindi tayo maka-dadaan dito, iikot tayo para makarating sa kasunod na bayan."
I nodded and immidiately moved.
Ilang minuto pa, nasa pantalan na kami ng Riviera.
Ngunit gaya ng inaasahan, agad kaming sinugod ng malaking grupo ng mga zombies pagbaba pa lang ng pick up.
May kinuha si Gavin sa likuran ng sasakyan nito.
He gave his brother Nate an Uzi. My sister a katana and me a freaking fully loaded shotgun.
"Nasa dulo ang motor boat. Now, move!" Ini-angat ni Gavin ang dalawang baby armalite at nag-lsimula itong magpaputok.
Growls, whimpers and gunshots filled the whole port.
Sa mga oras na iyon ang makarating sa kinaroroonan ng de-motor na bangka ang pinaka-priority namin at limang minuto pa ang lumipas...
"Nathan, buhayin mo ang makina." Ibinigay ni Gavin ang susi sa kapatid.
Nate jumped inside the motor boat and turned the engine on. Agad na umangil ang makina. Sumakay si Liam sa bangka habang tuloy lang kami ni Gavin sa pamamaril sa mga uma-atakeng infecteds hanggang sa bumagsak ang pinakahuli sa mga ito.
Napaluhod ako sa lupa dahil sa pagod.
'Oh hell! Akala ko ay wala ng katapusan ang mga ito!'
"You okay, baby?" Hinihingal na tinulungan akong makatayo ni Gavin.
Agad akong tumango at ngumisi dito.
"I'm okay, sweetheart."
He grinned back and hugged me.
"Hanggang ngayon, pinahahanga mo pa rin ako and after this craziness are all over, I'm gonna marry you, brave woman."
Napanguso ako at pabiro itong sinuntok sa tagiliran. "Wala man lang ligaw, ganern?"
He chuckled and kissed the side of my head. "Kailangan pa ba? Matagal ko ng alam na crush mo ako, Police Officer Levi Green."
Natawa na rin ako. "Oo na, Mr.Cocky. Now get inside the boat at help your brother on the wheel bago pa may dumating ulit na mga zombies."
I gently pushed him at agad namang itong sumunod. Humakbang ako sa pinagtatalian ng lubid ng motorboat at kinalas iyon.
"Ate, talon ka na." Liam reached out her hand to help me but I just stared at her and smiled widely.
"Mag-aral kang mabuti, kid, okay? And you kamote, take care of my baby sister kung ayaw mong upakan kita." Sinipa ko ang tagiliran ng motor boat at binitiwan ang lubid.
"What the hell, Levi. Anong ginagawa mo?" ani Gavin na binitiwan ang manibela ng motorboat.
Aktong tatalon ito pa-akyat muli sa aking kinaroroonan, but I immediately stopped him by showing them one of my arms.
It was bleeding and yes, I was bitten.
"No." Liam shook her head as tears swelled from her eyes.
Hindi ko na hinintay pa ang pagbulalas ng iyak nito. Agad akong tumalikod sabay hagilap sa aking shotgun.
"Umalis na kayo!" I shouted at them. Itinutok ko ang aking baril sa mga paparating na bagong grupo ng mga infected.
I heard Gavin cursed and then the motorboat's engine roared to life once again.
Kasabay nang paglayo ng mga mahal ko sa buhay ay siyang paglapit naman ng mga halimaw sa akin.
I smirked widely and then aimed for my first kill.
"Come to mama, bastards!"
BAM!