Isang third year nursing student si Emma sa isang kolehiyo sa bayan nila. Ngunit ang pinapasukan nila ay medyo may kalayuan sa kanilang bahay kaya’t minabuti niya na umupa na lamang sa isang boarding house. Dahil marami-rami na ring estudyante ang umuupa ng boarding house, nahirapan siyang makahanap. Ngunit nang may mairekomenda ang kanyang kaibigan ay agad naman niya itong kinuha. Ang boarding house na kanyang nilipatan ay medyo tago kumpara sa iba, dahil dadaan ka pa sa ilang eskinita bago marating ang nasabing boarding house. Ngunit hindi ito ininda ni Emma, and mahalaga ay may matutuluyan na siya. Sa unang gabi niya sa kanyang silid sa boarding house, nagliligpit siya ng kanyang mga gamit sa school nang namatay and ilaw. Napabuntong hininga na lamang sya dahil uso sa lugar nila ang brownout. Binuksan niya ang rechargeable lamp niya saka pinagpatuloy ang pagliligpit. Nang siya ay nakahiga na sa kama ay saka siya nakadama ng ginaw. Hindi na niya iyon pinansin at saka natulog. Kinabukasan ay nalaman niya sa mga kasamahan niya sa boarding house na hindi naman pala nagbrownout kaya’t ganun na lamang ang kanyang pagtataka kung bakit namatayan siya ng ilaw. Nagdaan ang mga araw at naging abala si Emma sa pagre-review para sa kanilang RABE. Isang gabi pagkatapos mag-review ay agad nahiga sa kama si Emma. Nang biglang namatay ang ilaw at lumamig ang kanyang silid ay nagtalukbong siya ng kumot gaya nang kanyang nakasanayan. Ngunit nang akala niya ay makakakuha na siya ng tulog ay biglang may tila humila sa kanyang kumot kaya’t napabalikwas ng bangon sa kama si Emma. Dahil madilim ang silid ay kinapa niya ang cellphone nya na nakalagay sa ibabaw ng side table niya. Malapit na sana niyang makuha ang cellphone niya nang may naramdaman siyang humawak sa kamay niya, kaya’t nahulog ang cellphone niya sa sahig nang bigla niyang binawi ang kamay niya. Biglang binalot ng kaba at takot si Emma. Nang silipin niya ang cellphone na nasa sahig, nagliwanag ito dahil nakatanggap ng text message. Dali dali niyang dinampot and cellphone. Ia-unlock n asana niya ang cellphone niya ngunit naptigil siya nang may napansin siyang tila refection ng isang mukha sa cellphone nya ay agad nya itong nabitawan at napaatras siya sa headboard ng kama. Kasunod nito ay may narining siya na halinghing ng isang babae at tila uha ng sanggol. Halinghing na tila ba ito ay humihikbi kasabay ng uha. Unti unti nang nagtataasan ang balahibo sa katawan ni Emma, ramdam na niya ang kilabot maging ang malakas at mabilis na t***k ng kanyang puso. Nang unti unting lumakas ang naririnig niyang pagtangis ay dahan dahan niyang inabot ang cellphone. Ngunti may kung anong pwersa ang humila sa kanya at bigla niyang naramdaman ang malamig na bagay na tila nakadikit sa kaniyang balikat.“Nasaan si Franco?!” Biglang narinig ni Emma ang nakakapangilabot na boses sa tabi ng kanyang tenga. Tila ba lumundag ang kanyang puso nang marinig ito at agad napabalikwas sa kama. Dahil dito ay nahulog siya sa kama at nawalan nang malay. Kinabukasan nagising si Emma dahil sa tunog nang kanyang alarm clock. Agad siyang napabalikwas para mag ayos para sa pagpasok sa school. Habang siya ay nasa klase hindi mapakali si Emma, hindi siya makapag-concentrate sa lessons at iniisip niya kung panaginip ba ang lahat o totoong nangyari. Kahit na nag-lunch break ay tulala pa rin siya.“Kanina ka pa tulala.” Napapitlag si Emma nang marinig niya ang kaibigang si Nep.“Problema mo? Kanina ka pa parang lutang?”tanong ni Nep sa kaibigang si Emma. Tiningnang mabuti ni Emma ang kaibigan saka niya ikwinento ang mga naranasan nang nakaraang gabi.“Ginu-good time mo naman ako eh.”sabi ni Nep.“Hindi kita ginu-good time! Totoo ang sinasabi ko Nep. Ayoko na dun sa boarding house na yun.”reklamo ni Emma. Napabuntong hininga naman si Nep.“Emmang, wala ka pang malilipatan. Okay lang ba sayo na bumyahe araw araw mula sa bahay niyo papunta sa school?”tanong ni Nep.“Nakakatakot kasi talga Nep.”ani ni Emma. Pinaningkitan naman nang mata ni Nep ang kaibigan.“Nagda-drugs ka ba?”tanong nito.“Sira! Hindi ako durogista! Talagang may multo sa kwarto ko!”pasinghal na sabi ni Emma.“Fine, sige na. Multo na kung multo. Mag-stay ka muna dun kahit ngayong gabi lang. Bukas tutal Sabado, lumipat ka na sa boarding house ko. Share na lang tayo ng kwarto, pero sa sahig ka.”sabi ni Nep. Ikinatuwa naman ito ni Emma na halos mayakap niya ang kaibigan. Kinagabihan pagkauwi ni Emma sa boarding house ay agad siyang pumasok sa silid niya. Ngunit sa pagpasok niya ng silid ay tila amoy kandila. Pinagwalang bahala na lamang ito ni Emma at saka nagtanggal ng uniporme. Saglit siyang nagpahinga bago siya naligo. Pagkatapos maligo ay agad siyang nagpalit ng damit pantulog. Nagpatuyo siya ng buhok saka isinampay ang tuwalya sa likod ng pinto. Isinaksak niya muna and cellphone sa charger bago siya lumapit sa kama at inalis ang kumot. Ngunit ganoon na lamang ang kanyang gulat at takot nang makita niyang puno ng dugo ang kanyang kama. Napaatras siya ngunit nadulas siya kaya’t napaupo siya. Nang makita niya ang sahig ay napaiyak siya dahil puro dugo rin ito. Nang marinig niya muli ang nakakakilabot na pagtangis ng isang babae at uha ng sanggol ay pilit siyang tumayo pero nadudulas pa rin siya. At nang mapatingin siya sa ilallim ng kama, siya namang lakas ng kabog ng dibdib niya nang may makita siyang kamay. Nang unti unting lumabas ang isang babaeng duguan sa ilalim ng kanyang kama ay hindi na napigilan ni Emma na sumigaw.“Aaaaahhhh!!!” Dahan dahang gumagapang ang babae palapit sa kanya, kaya’t nagkukumahog naman siyang lumayo mula rito. Nang magawa niyang tumayo ay agad niyang tinungo ang pinto. Pilit man niyang buksan ang door knob ngunit tila ba naka-lock ito mula sa labas. Nagawa na sana niyang mabuksan ang pinto ngunit may tila humila buhok niya. Napasandal siya sa pinto at tumabad sa kanya ang duguan at naagnas na mukha ng isang babae.“Nasaan si Franco?!” sigaw ng babae sa kanya. Mariing ipinikit ni Emma ang kanyang mga mata saka nagsimulang magdasal. Patuloy pa rin niyang naririnig ang iyak ng babae na nararamdamn niyang nakatayo pa rin sa harap niya. Nagdasal siya ng Ama Namin at Aba Ginoong Maria ng ilang ulit hanggang sa gumaan ang pakiramdam niya. Nang pagmulat niya ay wala na ang babae, maging ang dugo sa kama niya at sahig. Kaya’t dali dali niyang kinuha ang cellphone at lumabas ng silid niya. Agad namang nagsilapitan sa kanya ang ibang boarders.“Anong nangyari?”“Bakit ka nagsisisigaw?”“Okay ka lang ba?” Ang ilan sa mga tanong ng mga ito habang niyaya si Emma sa kusina. Binigyan nila ng tubig si Emma at agad niya itong ininom.“Ano ba ang nangyari sayo?”Tanong ng isang boarder. Huminga nang malalim si Emma saka ikwinento ang mga naranasan niya sa loob ng kanyang silid. Nang matapos niyang isalaysay ang nangyari ay napansin niyang nagkatinginan ang ilang boarders.“Bakit?”tanong ni Emma sa mga board mates nya.“Ang totoo kasi Emma, may dating nangungupahan sa silid na inuokopa mo. Si Linda, tulad mo ay nursing student din at may boyfriend siya, si Franco. Nang mabuntis siya ay ayaw akuin ni Franco ang bata at sabi ay ipalaglag ito.”“Lagi naming silang naririnig na nagtatalo tungkol sa bagay na iyon. Nung mag sembreak naiwang magisa si Linda dito sa boarding house. Nang magbalikan kami para sa second sem, naamoy na lang namin ang mabahong amoy na nanggagaling sa silid nya.”“Nang buksan ng landlady yung kwarto, nakita ang bangkay ni Linda na naliligo sa tuyong dugo sa sahig. At nasa may paanan niya ang fetus na pinalaglag niya.” Agad na nakaramdam ng kilabot at awa si Emma sa kanyang narinig. At dahil sa mga nalaman niya ay ayaw na niyang pumasok muli sa kwarto niya. Nagmagandang loob naman ang ibang boardmate niya na patuluyin siya sa kanilang kwarto ng isang gabi. Kinabukasan agad nag alsa balutan si Emma at lumipat sa boarding house ng kaibigang si Nep. Ngunit bago umalis ay ipinagdasal niya ang kaluluwa ni Linda na sana ay manahimik na siya.
***Wakas***