Tahimik lang si Shey habang iniisip kung sino ang lalaking nakita niya. Pero hindi naman niya maalala kung talagang nakita na ba niya ang lalaking iyon, o baka naman nagagandahan lang ito sa kanya. Kung tutuusin naman kasi, hindi naman pangpalengke ang ganda niya. Pero mas gugustuhin pa niya ang palengke kay sa mapunta sa maling tao. Tanghali na at halos matatapos na rin sina Igo sa kanilang ginagawa. Ang lalaking nakita niya kanina ay hindi na muli niya nakita mula ng matapos itong makipag-usap sa cellphone nito, base na rin sa pagtitig nito sa kanya at sa ikinikilos ng lalaki kanina, ay umalis na ito at nagtungo sa kabilang bahagi ng truck kung saan walang init. Mataas na rin kasi ang sikat ng araw kanina. "Baka naman talagang nahook lang sa beauty ko. Tama nagandahan lang siguro sa ak

