Nakaupo si Shey habang katabi si Igo, nasa kabilang side si Jose at hinihintay ang pagdating ni Cy na siyang nag-order ng pagkain nila ng sumulpot bigla si Chellay na may malawak na ngisi sa labi. "Hi! Igo." Bati ni Chellay at nagpacute pa ito. Naupo naman si Chellay sa tapat ni Igo. "Kala mo naman cute." Ani Shey sa kanyang isipan at inirapan pa si Chellay, ng hindi nito napapansin. "Hello! Jose, Cy." Sabay kaway ni Chellay sa papalapit na si Cy. "Order mo din ako Cy. Tapsilog lang." "Kaya mo na iyon Chellay. Isa pa, apat lang kami kanina. Bakit ka ba nandito?" "Order mo na ako, at orange juice. Tapos may sasabihin ako." Nakangising wika ni Chellay at wala na ngang nagawa si Cy kundi sabihin sa pinakacounter ang order ni Chellay. Nakatingin lang naman si Igo kay Shey, habang sa ila

