Isang linggo na ang lumipas mula ng isinasama si Igo sa byahe ng truck, patungo sa iba't ibang probinsya. Naging busy talaga talaga si Igo sa nakalipas na isang linggo. Aalis siya ng madaling araw at uuwi ng halos maghahating gabi na. Kaya naman tulog na si Shey pag-uuwi siya at tulog pa rin pag-aalis niya. Nag-iiwan lang siya ng note dito, para maipaalam na nakauwi siya ng gabing iyon. Kahapon ang huling sama niya sa byahe. Nagkasakit daw kasi ang dapat kasama doon kaya naman, nakiusap kay Igo kung maaaring siya muna ang pumalit dito. Hindi naman iyon pinahindian ni Igo lalo na at may extra bayad iyong pagsama niya sa byahe sa iba't ibang probinsya, kalapit ng San Lazaro. Nakangiti naman si Shey habang, nakatingin sa mukha ng nobyo. Sa isang linggo na halos hindi sila nagkikita ay miss

