Day 1 after Green’s Death
Elizabeth's point of View
As my guards approached the gate of my future castle, naghihintay na roon ang hukbo ng mga armies ng haring si Quentin to prevent me from entering.
“Hold it right there, we cannot allow you to enter inside”, sabi ng isang lalaking maaring general ng hukbo ng mga ito.
Bumaba sa limousine si Beatrix na kinalululanan namin at humarap sa mga ito.
“Her majesty wishes to take her throne. Please don’t hinder her”, narinig kong magalang na sabi ni Beatrix.
“Don’t be stupid wolf. The throne only belongs to the Eve. It shall only succeeded by her. There’s no way for your fake Queen to have her way to the throne!”,
Matigas talaga ang ulo ng mga tauhan ng Hari. Walang ibang paraan para makapasok sa loob kundi ipakita kung sino ako.
Bumaba ako sa limousine at naglakad palapit sa gate kung nasaan si Beatrix. Tinanggal ko ang shades na suot ko at humarap ako sa harapan ng lahat vampire armies.
I saw the shock on their face when they saw my eyes violet eyes glows.
“I who bearer the bloodline of Eve, commanding you to step back and never deny my words. You shall bow to me and hear my power”,
Right after my words, lumuhod ang lahat at pinagbigyan ako ng daanan papasok sa palasyo. Ang lahat ng mga kawal roon ay nakayuko sa akin hanggang sa makarating ako sa pinakapuso ng palasyo kung nasaan ang trono ni Eve at ang kanyang korona na nakalagay sa salamin.
Naroon din si Quentin at halatang nanginginig ng maramdaman niya ang presensiya ng isang Eve.
No vampire can resist the power of Eve.
“Thank you for taking care of my throne Quentin. Now, I shall claim it by all legal means”, sabi ko sa kanya habang ang aking mga mata ay nakatingin dito.
Yumuko ito sa akin bago nagsalita.
“We shall arrange the ceremony your Majesty as soon as posible”, sagot niya habang pinagpapawisan.
“Good. Perhaps can you do it by tomorrow?”,
“A-as you w-wish your Majesty”,
“I shall retire to my room now. Please take good of everything necessary before the ceremony.”, sabi ko sa kanya habang naglalakad patungo sa silid ng Eve. I know that her room will only open when it feels the presence of Eve.
Sensing me, bumukas ito unti-unti hanggang sa lumantad sa akin ang silid na inilaan para lamang sa isang Eve. Ang mga bagay doon ay yari sa ginto at mga mamahaling bato. Ang kama ay yari sa pinakamalambot na material na kapag hinigaan mo ay lulubog ka. Ang mga kurtina at mga bedsheet ay magkakakulay lahat.
Narinig kong ang mga iyon ay hindi nadudumihan at hindi na kailangang palitan. Ang mga pabango roon ay galing pa sa purong ingredients na sinadyang ginawa para lamang sa Eve. Anu pa’t lahat ng mga bagay sa loob ay gawa lamang sa mga magagandang material para lamang sa isang reyna.
Binuksan ko ang tokador at lumantad sa aking mga mata ang mga damit ng Eve. Isa iyon sa mga bagay na gustong kong isuot noon pa man. Noong pangarap ko lamang ang maangkin ang trono. Ngayon ay ako na ang ganap na Eve. Ang lahat ng ito ay akin na. Akin na lahat.!
Tumawa ako ng malakas. Malakas na malakas!
Kinuha ko ang isang kulay dark pink na yukata. This is Eve’s traditional dress. I saw this one when Victoria wore it during the annual meeting with the head of every vampire clan.
Seriously sa lahat ng bansang pwedeng pagtayuan ng kastilo ay sa maliit na bansa pa ng Asia ang kanyang napili.
Maraming bansang mas malaki kesa rito but then the first Eve build her castle here.
Narinig kong may kumatok sa labas ng pintuan. Nilapitan ko ito at binuksan.
“Your Majesty sorry for interrupting but would you like something before going to sleep?”, tanong ni Beatrix.
Ngumiti ako sa kanya.
“No nothing at all Beatrix. Just please prepare my dress for tomorrow’s event”, sagot ko sa kanya.
“As you wish my Queen”,
Isinarado ko ang pintuan at nilapitan ang jewellery box ng tokador. Binuksan ko iyon at nanlaki ang aking mga mata sa mga rare gems na naroon.
Sure thing that Eve had the finest of everything while me before just living to her shadow. Still I can’t believe I have everything now.
"Should I wear this set?”, tanong ko sa aking sarili ng makita ang isang set ng jewellery na yari sa purong Black diamond.
Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin.
Perfect! Bagay sa akin!
Nagahip ng aking mga mata ang isang singsing na nakalagay sa isang crystal case na nakapatong lamang sa tabi ng jewellery box.
Ah! The ring of Eve.
Nasabi sa akin noon ni Adam na tanging ang Eve lamang ang nakakasuot ng singsing na iyon. Tanging si Eve lamang ang pinagsisilbihan ng singsing na gawa sa purong bato ng blue at black na diamond. It was the precious stone itself moulded into a ring.
Tinanggal ko ito sa kanyang case at sinubukang kunin. Ngunit hindi pa lumalapat ang aking mga daliri sa singsing ay napaso na ako.
“Damn! I am now the new Eve so you must obey me”, galit kong sabi sa singsing ngunit hindi pa rin ito nagpatinag sa akin as if the ring itself knew I am not the real Eve. I am now the real Eve so serve me!
Sinubukan ko uling kunin ang singsing sa case ngunit nanatili itong hindi nagpapatinag at ayaw gumalaw.
Sa huli ay uminit lamang ang aking ulo kaya ako ay tumayo at nahiga na lamang sa kamang naghihintay sa akin.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagrelax sa bath tub habang hinihintay ang aking coronation bilang bagong Eve at Reyna ng mga bampira.
Who could imagine, after centuries of aiming that position and finally I got it. Thanks for this heart. Hinimas ko ang aking dibdib kung saan naroon ang puso ng huling Eve.
“Your majesty, it’s time to change. Everyone is waiting for you”, sabi ni Beatrix habang inihahanda ang towel at bath robe na aking gagamitin.
Tumayo ako at hinayaang punasan ni Beatrix ang aking basang katawan bago niya pinasuot sa akin ang isang black gown na isinuot na rin ng Eve noon.
Ito ang traditional na kasuotan ng mga Eve sa araw ng kanilang Coronation.
At bilang pagsunod sa tradisyon na iyon, ito rin ang aking isusuot.
Sa totoo lamang ay nasusuka ako sa damit na iyon.
Bukod sa ilang daang taon na rin mula ng ipagawa ito ni Hawwah bilang kasuotan sa pagtatanggap ng Corona, ilang Eve na rin ang nagsuot niyon.
“I can’t believe I’m wearing this kind of gown”,sabi ko.
“You’re going to wear this for a few minutes your Majesty. It’s the traditional dress for Crowing Eve.”, sagot sa akin ni Beatrix habang naglalagay ng light make up sa aking mukha.
“I’m going to change everything about this castle when I’m done with this. Everything about here disgusts me. I rather live in Hungary than here”,
Hindi na umimik si Beatrix ng matapos na ako sa paghahanda. Binuksan nito ang pintuan ng aking silid at lumabas na ako.
“Would you rather stay here Beatrix than go back to your Queen’s Castle?”, tanong ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa pinakagitna ng kastilyo.
“I will stay as long as you need me your Majesty”, tipid niyang sagot sa akin.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Binuksan niya ang pintuan ng bulwagan kung saan gaganapin ang Coronation. Nakita kong naroon na ang lahat. Bawat mga bampirang mahalaga sa vampire sociality. Ang lahat at lumuhod sa aking harapan.
“As the power given to me by the first Eve Hawwah to proclaim a new heiress of the throne, I Vladimir Nitus shall proclaim Countess Elizabeth Braganza of Hungary as the new Queen of all vampire and rightfully the New Eve.”,
Magpalakpakan ang lahat ng ako ay nagsimulang maglakad patungo sa tronong naghihintay sa akin at kung saan naroon ang unang Elder na si Vladimir habang hawak ang koronang ipapatong sa aking ulo. Naupo ako sa aking bagong trono habang ipinapatong sa akin ang koronang matagal ko ng inaasam.
“All hail the Queen Elizabeth!”,
Everything I have planned turn to be success. Everything. No one can defy me now for I have all the power!