Chapter 7

1725 Words
I didn't bother to wrap myself with towel after my bath. Naroon na rin sa aking silid ang uniform na hindi ko nadala kanina. Kumuha ako ng underwear sa cabinet at nagmamadaling isinuot iyon. Ibinalunbon ko sa aking buhok ang twalya na kanina ginamit kong pangtuyo sa aking basang katawan. "Just by seeing you naked arouses me so much," Natigil ako sa pagsusuot ng skirt ng makita kong nakaupo sa sahig si Light at nakatitig sa aking katawan. Agad kong kinuha ang unan at ibinato sa kanya. "Pervert! You should knock before letting yourself in!" inis na sabi ko sa kanya at nagmamadaling isuot ang polo shirt sabay butones na rin. "Why? Are you scared?" inosenteng tanong niya sa akin sabay tayo at lapit sa akin habang sinusuklay ko ang aking mahabang buhok sa harapan ng salamin. "Don't you dare. We may be married but it's only for my blood. Put that through your thick skull," I spat at him. Hindi ito umimik. He just inhaled my scent and ran his fingers through my shoulder blades. Hindi ako nakaimik. Yes he is also my husband pero for heaven sake I don't know what he is thinking right now. "Maybe but you will never know," sabi niya akin. "Please don't," kinakabanhang sabi ko. Tila wala itong narinig bagkus ay iniyakap sa aking likod ang kanyang mga kamay sabay amoy ng aking buhok. Mas matangkad ito sa akin kaya bahagya itong nakayuko habang ginagawa iyon. "Let's make love under the moon," bulong niya sa akin na nagpatindig sa aking balahibo. Agad akong kumawala sa kanyang pagkakayakap at nagtatakbo palapit sa pintuan. "I don't have any plan on making love of any of you! I am still seventeen! Show some respect!" sigaw ko sa kanya sabay labas ng pintuan at bumaba na sa hagdanan. "We're set. Let's go," sabi ni Seven ng makita akong pababa na sa hagdanan habang si Light parang wala lang na nakasunod sa akin at habang nakapamulsa. Sa loob ng limousine ay wala kaming imik. Katabi ko si Cross at Sky habang nasa harapan ko si Seven na nakadekwatro at si Zero na nakapikit lamang. Nasa left side naman ng limousine si Light at sa right side naman si Silver. "Listen Green. You will attend normal high school. Since you were begging me to at least let you go to school, here it is. But don't you ever make any mistakes or you will face the consequences," istriktong sabi ni Seven bago ako pinag buksan ng pintuan ng limousine. Bago pa ako makababa ay naramdaman ko ang mga kamay ni Cross sa aking braso. "Huh? What do you want?" tanong ko sa kanya. "Thirsty," sagot nito. Nagkibit balikat lang ako at saka iniwan sila. Ravendale Etiquette High. Ito ang nakasulat sa gate ng school. Ayon kay Seven, maraming prey ang nag-aaral dito. Basically this school was built for preys but then it started to accept normal students now. Nasa b****a na ako ng building ng salubungin ako ng isang babae. kasama ang dalawa pang babae na hindi ko kilala. "Hello, my name is Yuu amd these two are Sofia and Merrily. We are the student council and it's our duty to let you show you around,"sabi niya sa akin pagkatapos huminto sila sa aking harapan. "T-thank you," nakangiting sagot ko sa kanila. "This way please," sabi ni Merrily. Maraming mga rooms at features ng school.ang ipinakita sa akin ng tatlo bago tuluyan akong inihatid sa aking classroom. "Good evening students, we have a new student joining us tonight. Please welcome her. Her name is Green Marie Robrinso," sabi ng class adviser ng section na iyon. Marami ang nag-welcome sa akin. Lahat ng mga bago kong classmate ay naging mabait sa akin. Though kahit na hindi pa ako masyadong nasasanay sa kanila ay pinilit ko silang pakitunguhan ng maganda. "Hi, my name is Jar and welcome to our school Green," sabi sa akin ng babaeng nasa tabi ko. "Thank you. Why are you attending night school?" curious kong tanong. "Oh that? Kase isa akong actress. Sa umaga kase busy ang schedules ko kaya nag-enrol ako ng panggabing klase. Eh ikaw?" tanong niya. "Uhm busy rin dahil freelance model ako," pagsisinungaling ko. "Ay sigurado akong magkakasundo tayo," sabi sa akin ni Jar. To be honest, I only got few friends back then. Dahil sa masyado akong busy sa pag-aaral, unti-unti rin silang nawala sa akin. Nasa canteen kami kumakain ng snack ng biglang may pumasok sa loob. Pamilyar ang kanyang mukha at sure akong maaring nakita ko na siya somewhere. "Katharina. Ugh I hate her guts," sabi sa akin ni Jar habang nakatingin sa kinaroroonan ng babae. Oh naalala ko na. Siya iyong vampire princess na nakita ko sa gathering ng mga nobles noon. Dito rin pala siya nag-aaral? "May ginawa ba siyang mali sa iyo or something," tanong ko sa kanya. "Yeah once. Sabihan ba naman niya akong poor performance raw ang pag-arte ko sa mga movies," sabi niya. "Huwag mo na lang pansinin." Paano ko ba sasabihin sa kanya na prinsesa ng bampira ang babaeng iyon at Jar's nothing compare to her? Bumuntong-hininga ito. "Umiiwas na nga ako. Ako na iyomg nag-adjust. Mukha kasing what she wants what she get ang babaeng iyan. Naku Green baka mamaya niyan pag-initan ka rin." Hindi ako umimik bagkus ay kumain na lamang ako. After ng class, nakita kong nakaparada sa labas ng gate ang limou ng magkakapatid. Agad akong pumunta doon pagkatapos makapag-paalam kay Jar. "How's school?" tanong ni Seven. "It's fine. I met a new friend." "That's good now get in," sabi niya. Agad akong naupo sa loob at habang nasa byahe ay hindi ko mapigilan ang makatulog. Parang.. Luscious and greeny grass ang sumalubong sa akin the moment na sinakop ng antok ang aking kamalayan. Tahimik at para bang ginawa para lang sa akin ang parang na ito. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga damong halos pantay-pantay ang pagkakagupit. I wonder if those grasses were being taken good care of. Habang naaliw ako sa pagtingin sa mga damo, something caught my eyes. Pinakatitigan ko ito at saka ko lamang nakita na isa pala itong ahas na palapit sa akin. Ang bilis gumapang ng ahas at halatang papunta ito sa akin. Natakot ako at agad naghagilap ng pwedeng gamitin against the snake. Isang patpat ang nakita ko at iniamba ito a paparating na ahas kung sakaling magkamali itong ako ay tuklawin. And ahas ay kulay itim. As in itim na itim ito mula ulo hanggang sa buntot at kasing laki ito ng aking braso at mga six feet ang haba. I never saw all black snake na mas maitim sa Black mamba. Malaki din ang ulo nito which is not proportion sa kanyang katawan. "Don't come near me. May pamalo ako," warning ko dito. Hindi ko alam kung anong klase ito at kung gaano ito kakamandag. Iilang dipa na lamang ang layo nito sa akin nang itinayo nito ang kalahati ng kanyang katawan, spreading its hood. Oh damn. Cobra! Hinintay kong tuklawin ako nito but instead, I saw something in its eyes. The emotion I'm seeing is longing. Wait what? Do snakes display emotion too? Impossible! "Green," narinig kong sabi nito. Sasagot na sana ako ng biglang bumuka ang lupa na kinaroroonan ko. Naramdaman kong nahulog ako sa butas na nilikha ng pagkakabuka niyon ngunit maagap kong naihawak ang aking kamay sa gilid ng lupa. "Hold on Green. Don't let go!" narinig kong sabi ng ahas habang nakadungaw sa akin. Ngunit narinig kong magkakaibang ungol sa ilalim ng butas. Something that made my whole body shivers. Yung klase ng ungol na nagmula ilalim ng lupa which can only be produced by ghost or something. Sinubukan kong iakyat ang aking sarili sa itaas. And I almost made it ngunit naramdaman kong may humila sa aking paa at hinila ko pabalik sa butas. Dumausdos ako pababa and I scream! Naramdaman kong nahulog ako sa tubig at kahit madilim ay alam kong tubig iyon dahil basa ang aking damit. Tumayo ako at sinubukang maglakad. Nangangapa ako habang naglalakad upang makahanap ng pwede kong paghawakan. Walang anu-ano ay bigla na lamang nagliwanag ang buong paligid. At nakita ko ang lugar na aking kinaroroonan. Blood. Ito iyong unang tumambad sa akin. The whole place is pool of blood. Weird dahil hindi amoy malansa ang dugo bagkus ay parang buhay pa nga ito dahil mainit-init pa. Bigla akong nandiri lalo na noong makitang basang-basa ako ng dugo. Dali-dali akong umahon sa pampang at sumalampak ng upo sa may batuhan. Bakit biglang may dugo rito? Ano bang klaseng lugar ito? Pinagmasdan ko ang pool of blood. Nakita kong may bahagyang bubbles ang lumabas sa pinaka gitna noon. Kumunot ang aking noo lalo na't may nakita akong lumitaw ng bahagya doon. Bigla akong kinabahan. Unti-unti ay umangat ng bahagya ang kung ano mang bagay na iyon mula sa lawa ng dugo. Unti-unti itong umangat hanggang sa nakita ko pulang-pulang mga mata na nakatitig sa akin. Hindi ito gumagalaw bagkus ay nakatingin lang sa akin. Hindi ko namalayan na tumayo ako at muling humakbang pabalik sa lawa ng dugo. "Green don't!" narinig kong mag nagsalita sa kabilang bahagi ng pampang. Nakita ko roon ang ahas kanina ngunit muli kong ibinalik ng aking paningin sa nakalitaw na ulo at mga mata sa lawa. "That's it Green. Come closer," narinig kong sabi nito. Naramdaman ko na lamang ang biglaang paglapit ng ulong iyon sa akin at naramdaman kong may humihigop sa akin sa loob na bigla kong ikinasigaw. Sampal. Naramdaman kong may sumampal sa akin. "Masakit iyon ha," sabi ko sa mga nakatunghay sa akin bago hinawakan ang nakasaktamg bahagi ng aking pisngi. "Kanina ka pa ginigising. Niyugyog ka na pero patuloy ka pa ring nagsasalita ng lenguahe na hindi namin maintindihan. One moment you laugh like maniac and then the other you were angry. Ano pa napanaginipan mo?" tanong ni Zero sa akin. Sinubukan kong alalahanin ang aking panaginip ngunit hindi ko na iyon naaalala. "I don't know. I can't remember it," sagot ko kahit anong pilit kong alalaa roon. Tinitigan ako ng magkakapatid as if curious din sila kung ano ang napanaginipan ko. "Get up. We're here," sabi ni Seven na siyang unang bumaba sa limou. Weird. Alam kong may napanaginipan ako ngunit kahit anong gawin kong ala-ala ay hindi ko talaga ito maalala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD