"So, where are we going?" Nakangiting sumulyap sa kanya si Terrence habang nagmamaneho. "Ikaw? Saan mo gusto?" humilig pa siya sa braso nito na tila naglalambing. "Narinig ko 'yung sinabi mo kanina kay Mimi.Totoo ba 'yun?" nangingislap pa ang mga matang tanong nito. "Ang alin?" Bahagya siyang nagtaas ng ulo at tumingin sa binata. "'Yung ako ang Heart mo," tila kinikilig pang sumulyap sa kanya si Terrence. "Ahhh...'yun ba? Inuuto ko lang si Mimi," patay-malisyang sagot niya. Bigla namang natahimik ang binata at hindi na nagtanong pa. Bahagyang nangiti ang dalaga nang mapansin ang seryosong mukha ni Terrence. "Uy, galit siya," natatawang kinikiliti pa niya ito sa tagiliran. Biglang kinabig ni Terrence ang manibela at ipinara sa tabi ang sasakyan. "Ano ka ba? Nagda-drive ako ang kul

