Kinabukasan habang bumabaybay sa highway si Hanna sakay ng owner-type jeep, may bigla nalang tumigil na sa sasakyan at humarang sa kanya.Nabigla ang dalaga na noo'y hindi nakakilos sa kinauupuan.Nagbabaan ang mga lalaking nakaitim na bownet na nakatakip ang mga mukha.At sapilitan siyang hinila at isinakay sa itim na Van. "Sino kayo? Anong gagawin niyo sa'kin?" aniya na pilit kumakawala sa pagkakahawak ng mga lalaki.Pero mabilis na kumilos ang mga lalaki at agad siyang natalian sa kamay kasunod noon ay piniringan ng isang lalaki ang mga mata niya. "Ma'am, sumunod na lang po kayo para hindi na po kayo masaktan," narinig niyang sabi nito.Pamilyar ang boses na 'yon sa kanya.Para kasing narinig na niya 'yon kung saan. "Baka naman nagkakamali lang kayo, mga Kuya.Pakawalan niyo na po ako," sab
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


