Kasalukuyang naglalakad si Hanna sa pasilyo ng ospital kung saan dinala si Mimi nang masalubong niya si Heidy."Look who's here," nakataas pa ang kilay na humarang ito sa dinaraanan niya. "Hindi ikaw ang ipinunta ko rito," walang emosyong sabi niya atsaka siya lumihis ng daan. "Iniisip mo ba talagang nagustuhan ka ni Terrence?" nakangising sabi nito na noo'y humabol sa kanya. "Bakit naman hindi?" palabang sagot niya. "My God, Hanna.Nakita mo naman kung paano maglumuhod sa akin noon si Terrence para lang hindi ko siya iwanan.At saksi ka rin kung ilang beses siyang nagtangkang magpakamatay ng dahil sa akin.Tapos ngayon, iniisip mo talagang mahal ka niya? Look at you,ano bang mayroon ka? Para ka lang naman diamond na walang kinang," nakangisi pang sabi nito. "Wow, nagsalita ang makinang."

