KABANATA 12 (ANG PAGBABALIK)

1050 Words
*TRESHIA POINT'S OF VIEW* "akala ko dahil naka asawa kalang ng bilyonaryo ay hindi kana dito mag tatrabahu ulit at tuluyan mona nga akong iwan dito na mag isa no?" Wika ni ailyn na ani moy nagtatampo ang boses na bahagya pang nakanguso. nandito kami sa mall na pinag tatrabahuan ko, bumalik na ako sa aking trabahu dahil baka tuluyan na akong masisante, wala pa naman akong pera at shimpre kahit may asawa na ako ay kailangan ko paring supurtahan ang aking mga magulang. "hindi yon mangyayare no? tsaka, wala rin naman akong gagawin at nalulungkot lang akong mag isa sa condo kaya mas maganda kong magtrabahu ako, tsaka kilangan ko ring tulungan sa mga gastusin sina Mama at Papa no? hindi porke't may asawa na ako ay pababayaan ko nalang sila." Mahabang sabi ko na nasa malungkot na boses. "Aysus! para san pa at nag kaasawa ka ng bilyonaryo kong hindi ka naman matutulungan sa financial need's mo?" Bahagya akong natigilan sa kaniyang sinabi na mas lalo lang nakapag palungkot sa akin dahil naalala ko nanaman ang bwesit na lalaking iyon. kung alam lang niya ang sitwasyon ko ngayon sigurado akong mawiwindang lang siya kapag nalaman niya kaya minabuti na hindi ko nalang sabihin at sarilinin ko nalang itong problema ko. "Oy Treshia? finally you come back!" muntikan na akong mapatalon ng bigla nalang akong sugurin ng mahigpit na yakap ni Rex, nakabalik na pala siya galing sa family trep nila. "rex, ffggggttthh" Reklamo ko at hindi ko na maibigkas ng mabuti ang aking sasabihin dahil para na akong nasasakal at di makahinga sa sobrang higpit ng kaniyang pagkakayakap. "sir rex, hindi na ata makahinga si treshia." Rinig ko namang alanganing sabi ni ailyn kay rex habang nakatingin saakin na nag aagaw buhay na. mabilis niya naman akong binitawan sa pagkakayakap at masayang naka ngiti saakin na ani moy miss na miss talaga ako ng sobra, napasapo nalang ako sa aking dibdib at lumalanghap ng hangin dahil pakiramdam ko maso-sufocate na ako. "I'm sorry I just-I just missed you so much!" Masayang masaya niya talagang sabi sa akin na halos mapunit na ang kaniyang bibig sa sobrang lawak ng kaniyang pag kakangiti. masaya din naman ako na bumalik na siya kaya ngumiti din ako ng pagka tamis-tamis sa kaniya. "na miss rin naman kita eh, kailan ka nga pala dumating?"-masaya kong tanong sa kaniya. "kahapon lang, balak ko nga sana kayong eh-surprise kaya lang si ailyn lang naabutan ko dito dahil absent ka pala." masaya niya paring sabi, bahagya naman akong natigilan at pasimpleng napatingin kay ailyn na ngayon ay nagkukunwaring busy sa ginagawa niyang pag aayos ng mga gamit. "Oo eh, siya nga pala nasan na ang pasalubong ko sayo?" Kunwari kong nalang tanong para hindi na mapunta pa kung saan ang usapan, dahil mukha namang hindi niya pa alam na kinasal na ako, mukhang hindi sinabi sa kaniya ni ailyn kaya minabuti ko nalang na wag ng pag usapan. wala naman akong balak na ilihim sa kaniya dahil kaibigan ko siya at karapatan niyang malaman. Kaya lang wala pa akong gana mag kwento ngayon dahil masaya pa akong nakikipag usap sa kaniya. baka masira lang ang araw ko kapag maalala ang mga nangyare. "don't worry ibibigay ko sayo mamaya, ikaw pa? makakalimutan ba naman kita. Let's go kumain na muna tayo na miss kitang kasama eh!"-masaya niyang sabi at inakbayan pa ako. "ano kaba naman sir rex, baka mamaya may makakita sa atin at kung ano nalang ang isipin." Nguso ko sa kaniya at akmang aalis sa pagkaka-akbay niya ng mas lalo niya pa akong ilapit sa kaniya na halos magkadikit na ang aming mga katawan. "edi isipin nila kung ano ang gusto nilang isipin, I don't care them, i just want to be with you, so don't mind them!" nakaramdam ako ng pang iinit sa aking mukha sa sinabi niya, sobra akong na-touch kaya ngumiti nalang ako at hinayaan ko nalang siya. "Ay grabi hah? nakaka sakit ka naman ng damdamin sir, hindi mo ba ako na miss? at si treshia lang ang inaalok mong kumain?" bigla kaming natigilan sa sinabi ni ailyn na ngayon ay nakanguso at ani moy batang nag tatampo. bahagya naman kaming natawa sa sinabi niya. "I'm sorry ailyn, na miss din naman kita, kaya lang mas na mis Ko kasi 'tong girl friend ko. sabay ka nalang sa amin kumain, tara!"-natigilan naman kami sa sinabi niya. "girl firend??" sabay pa kami ni ailyn dahil sa pagkabigla at gulat sa sinabi niya natawa naman siya sa reaksyon namin. "yes girl friend, ano bang meaning ng girl friend para sa inyo."-hindi naman iyon patanong. "Kayo? kayong dalawa na?" Bulalas ni ailyn na nagpalipat-lipat pa ng tingin sa amin ni rex, habang ako ay nagtataka lang na tila hindi pa sumi-check-in sa aking utak ang sinabi niya. "Hoy Treshia? Totoo ba? Boyfriend mo na si sir rex?" Napakurap ako ng aking mata dahil sa malakas niyang bulalas na tanong sa akin. mag sasalita na sana ako ng bigla niya akong mas lalo pang idinikit sa kaniya habang naka akbay parin siya saakin. "ano bang klasing reaksyon yan, bakit? may magagalit ba kung may boyfriend siyang katulad ko na napaka gwapo." bahagya pa itong ngumisi habang naka titig sa akin na malamlam ang mga mata. 'hala! Bakit ba bigla nalang itong naging clinggy.' sa isip-isip ko. "k-kasi-" Mag sasalita na sana ako ng bigla siyang umalis sa pag kaka-akbay sa akin at humagalpak ng tawa na napapa sapo pa sa kaniyang noo at ani moy pinipigilan ang kaniyang malakas na tawa. "Hoy Rex? Pinag te-trepan mo ba ako?" Asar na bulyaw ko sa kaniya, nakakainis naman kasi pagkatapos akong pakiligin nito ay bigla nalang siyang humagalpak ng tawa. Hyys! "I'm sorry, ang O.A niyo naman kasi mag react eh! girl friend, it's look like babaeng kaibigan ganon yung ibig kong sabihin, hahaha sorry kong iba pala ang iniisip niyo" Natatawang sabi nito, nagkatinginan naman kami ni ailyn na may pagtataka. "hay nakuh! ikaw sir ha? Hindi ko alam na palabiro ka din pala kala ko naman totoo na, buti nalang hindi, at single kapa." Ani moy kinikilig na sabi ni ailyn at bahagya pang pabulong ang huli niyang sinabi na rinig na rinig naman namin. nagka tinginan nalang kami ni rex at sabay na napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD