Gresilda
*
*
" Napangisi ako nakaisip ako ng kalokohan. Bumangon ako sa pagkakahiga sa damohan napapangiti ako habang naglalakad
Today is may Birthday! Tatlong taon ako nagkulong dito sa Shadow Valley, 18 na ang Katawan ko. Bumalik na ang dating hubog ng katawan ko maliit na bewang malaking boobies matambok na pwet mahabang buhok, Obsessed ako sa hubog ng katawan ko kaya maingat ako sa pagkain. Pati sa paliligo maingat ako weekly nagbabayad ako sa purong gatas.
" Ano na naman ang nasa isipan mo Grizel?" Nagdududang tanong ni Darcy pagpasok ko sa bahay
" Ano ang wangis ng Witch? Ano ang nasa isipan ng mga bampira at lobo na wangis ko?" Nakangiti na tanong ko
" Pinagtimpla ko kayo ng Tea. " Wika ni Lola Deborah
Kaming tatlo nalang ang natira sa Valley. Tagumpay ko na ilipat sa iba't ibang bahagi ng kabundukan ang mga matatanda. Kaya nawalan kami ng alalahanin
" Ang narinig ko na usapan ng mga Matatandang Lobo. Matanda at Gwapo ang Witches pero panlilinlang lamang daw iyon. Dahil ang totoong wangis ng Witches ay matanda na kuba, Mahabang ang ilong pangit ang mukha na nangungulobot na. Matinis ang boses sa tuwing tumatawa. Gumagalaw ng Ritual sa pamamagitan ng Malaking kawali. Dahil ang kapangyarihan daw ng Witch ay nagmumula sa demonyo. Mga sinumpang nilalang sila. Mapaglinlang ang kanilang lahi." Mahabang paliwanag ni Darcy
" Hahaha! Narinig ko din yan! Tinanong lang kita para makasiguro ako sa gagawin ko." Natatawa na wika ko
" Hindi naman kami gumagamit ng malaking kawali at wala kaming alagang itim na pusa. Hindi rin ako pangit Natural ang ganda ko. Ang kapangyarihan namin ay nagmumula sa kalikasan. Halimbawa gusto ko magpalit ng damit iisipin ko ang magandang damit kailangan mabuo siya sa isipan ko at iisipin ko na nakasuot ako ng ganon damit. Haha! Nakakatuwa talaga ang Lobo at Bampira. Makikipag Laro ako sakanilang lahat." Masaya na Paliwanag ko
" Natamaan na ng lintik hindi ko gusto yang nasa isipan mo pero exciting din yan. Sama ako." Nakangiti na Wika ni Darcy
" Arayyyy!." magkasabay na daing namin ni Darcy sabay kaming binatukan ni Lola Deborah
" Huwag kayo gagawa ng kahulogan! Alalahanin nyo kaunti lang tayo. Pag nagkaroon ng pangalawang digmaan kakaharapin nyo ang Kaharian ng Mga Lobo at Bampira. " Pagalit na wika ni Lola Deborah
" Hehe! Lola Deb! Hahanapin ko muna ang Nawawalang Kaharian natin tapos papatayin ko ang lahat ng nakabilanggo doon. Tapos ipapaalam ko sa lahat ang pagbabalik ng Kingdom of Darkness." Nakangiti na Wika ko
" Umpisahan nyo na ang paglalakbay." Mataray na wika ni Lola Deb
" Tara Darcy Uuwi muna tayo sa bahay ni Kuya. Nasa tamang edad na ako kaya pwede na ako makipag landian. Dalhin mo yang Makapal na libro na ginawa ko. Tatlong taon kong pinaghirapan yan. " Nakangiti na wika ko
" Ano ba ang laman ng libro nato?" Tanong ni Darcy dinampot ang libro
" Kwento ng buhay namin ni Kuya, Binalikan ko ang pangyayari ng Tatlong taon gulang ako. Lahat ng ganap saamin ni Kuya nakasulat d'yan. Mahiwaga ang libro na yan kailangan mo sambitin ang pangalan ko kusang magbubukas ang libro at lahat ng magaganap sa buhay namin ni Kuya kusang maitatala d'yan. Ibibigay ko yan kay Kuya bilang regalo." Nakangiti na Paliwanag ko
" Iha pwede ba bigyan mo din ako ng ganyan?" Tanong ni Lola Deborah
Pumikit ako gamit ang kapangyarihan ko ginawa kong tatlo ang Mystery Book na hawak ni Darcy
Pagdilat ko napakunot noo ako nakanganga kasi si Darcy at Lola Deborah
" O ano ang nangyayari sainyo?" Nagtataka na tanong ko
" Ngayon ko nalang ulit nasilayan ang itim na korona. Kakaiba ang korona mo Princess Gresilda gawa sa purong crystal na kulay itim Naglalabas din ito ng itim na usok. " Wala sa sarili na wika ni Lola Deborah
" Hahaha! Lola nakakatuwa ka naman! Mahiwagang Libro ang ginawa ko kaya kailangan ko gumamit ng malakas na kapangyarihan. Mahiwaga din ang Korona namin ni Kuya Kusang lumalabas sa tuwing gagamit kami ng malakas na kapangyarihan. Ang black crown namin ni Kuya ay simbolo ng aming purong dugo bilang Witches Royal blood. Walang Korona ang Bampira at Lobo kahit na ang Puting Witch. Dahil mas malakas kami sakanila. Nasa dugo namin ang Kapangyarihan ng Kalikasan at Kapangyarihan ng kadiliman. " mahabang paliwanag ko
Napatulala ako sa ginawa ni Lola Deborah at Darcy sa ulo ko inaalog nila ang Ulo ko dahilan para mahilo ako
" Kamangha mangha. Saan napunta ang Korona nandito lang iyon kanina." Magkasabay na tanong ng dalawa
" Kusang naglalaho ang aming Korona. Kaya nga Mysterious Crown Diba! Ano ba nahihilo na ako sa ginawa nyo. Gagawin ko kayong Pusa." Galit na Wika ko
Agad na lumayo saakin ang dalawa namutla sila
" Hehe paumanhin. " magkasabay na wika ng dalawa
" Paano kayo magkakaroon ng ganyan? Nahahawakan nyo ba ang Korona nyo? pinapasa sa mga tagapagmana?" Nakangiti na Tanong ni Darcy
" Lihim ng aming pamilya ang tungkol sa Korona namin. " Tugon ko
" Saan ka pupunta?" Tanong ni Darcy
" Ibigay mo kay Lola Deb ang isang Libro. Aalis na tayo mag shopping tayo gusto ko bumili ng Dress.'" Tugon ko
" Salamat sa Libro Iha." Pasigaw na wika ni Lola Deb
Paglabas namin ng pinto nasa likod bahay na ng bahay ni Kuya Nagulat ako sa ingay sa harapan ng bahay namin kaya nagmamadali ako sa paglalakad papunta sa pinagmulan ng ingay
Nagulat ako ng masilayan ko si Kuya nakikipag Inuman kay Ryxiel at sa ibang pang mga kalalakihan na hindi ko kilala
Natigilan sa pag-uusap napatingin silang lahat saatin. Nanlaki ang mga mata ni Ryxiel agad na napangiti.
'' Kuya! Bakit Nagdala ka ng mga tao dito? Paalisin mo sila ayaw ko ng may ibang tao sa bahay natin. " Walang Emosyon wika
" Grizel wala ka naman suot na panloob? Ang nipis ng damit mo. Magbihis ka don! Aalis din sila Maya-maya mga business partner ko sila. " Mahinahon na wika ni Kuya
" Tsk! Ayuko na may pumapasok na pangit dito sa bahay. Pagbalik namin ni Darcy dapat wala na sila." Yamot na wika ko
" Darcy! Ikuha mo nga ako ng panty at Bra dalhin mo narin ang Susi ng sasakyan at Cards ni Kuya. Mag shopping tayo bilisan mo." Pasigaw na wika ko
Napaubo ang mga kainuman ni Kuya Nagulat sila sa sinabi ko
Naiinis na naglakad ako palapit kay Kuya naupo ako sa Lap nito nakasimangot ako. Hinubad ni Kuya ang jacket na suot niya sinuot saakin
"Naiinis ako Bakit kailangan ko pa magsuot ng panty may shorts naman ako. Kakainis ayaw ko nagsusuot ng bra hindi ako makahinga. " Naiinis na wika ko
" Hayst! Ano kaba? Dapat nagsusuot ka lagi ng bra at panty. Hindi kana bata. " Mahinahon na wika ni Kuya hinaplos niya ang buhok ko
" Mga Dude's Kapatid ko pala. Siya ang nag-iisang kayamanan ko. Nag-aaral kasi siya abroad kaya madalas wala dito. " Wika ni kuya
Napatingin ako kay Ryxiel nakatitig saakin. Magpakilala ang mga kasamahan ni Kuya pero irap lang ang tugon ko
" Kuya 18 na ako." Wika ko
" Happy birthday." Nakangiti na tugon ni Kuya
" Kuya 18 na ako! Pwede na ako makipag S3X? Mabubuntis kaya ako Agad?" Inosente na tanong ko
" Oo naman! Legal age kana! Depende kung Minsan isang beses mo lang gawin mabubuntis ka agad. Kaya kung gusto mo mabuntis pagtapos ng Buwanang dalaw mo araw-arawin mo ang pakikipag talik." Paliwanag ni Kuya
Sabay-sabay na napaubo ang mga kasamahan ni Kuya.
" Ikaw sumunod ka saakin." Mataray na utos ko kay Ryxiel
" Ako?" Tanong ni Ryxiel
" Ikaw nga! Gusto mo ba panoorin nila tayo habang nagtatalik? " Mataray na tanong ko
" Arayyyy." Magkasabay na daing namin ni Kuya
Namumula sa galit si Darcy namumula naman ang mukha ni Ryxiel Hindi ko alam kung bakit
" Kayong magkapatid! Hindi laro ang pakikipag talik at hindi nyo dapat pinag-uusapan ang bagay nayon! Nakakahiya. " Pagalit na wika ni Darcy
" Anong nakakahiya don? S3X ang pinakamasarap gawin. " Nagtataka na tanong ni Kuya
" Bakit ako ang naging butler nyo? Napaka inosente nyo sa maraming bagay." Naiinis na tanong ni Darcy
" Grizel! Bago ka makipag talik maligo ka muna. Gapangin mo ng halik ang katawan ng lalaki. Tapos Subo mo an---
Hindi na natapos si Kuya ang sinabihin. Sinubo ni Darcy sa bibig ni kuya ang isang hita ng Manok na inihaw
" Tarantado ka talaga! Sabi na huwag pag-usapan ang bagay na yan." Galit na bulyaw na wika ni Darcy
" Ano kaba? Saan naman ako magtatanong about sa pakikipagtalik? Si Kuya lang ang pamilya ko. OA mo Darcy magpapalit na ako ng Butler nakakainis ka. " Pagalit na wika ko
" Dibali Bunso. Manood ka nalang ng Adult video's para matuto ka. Bigyan mo agad ako ng Pamangkin." Nakangiti na wika ni Kuya
Tumingin ako kay Ryxiel, Namumula ang mukha pasemple din na tinutukso ng mga kaibigan nila si Ryxiel
" Darcy tara na! Baka magsara ang Mall. " Aya ko Tumayo ako ngumiti ako ng nakakaloko tumingin ako kay Ryxiel
Inabot saakin ni Darcy ang panty at bra ko inilapag ko yon sa harapan ni Ryxiel ang Panty ko
" Umayos ka! Hindi ganyan ang dalaga Gresilda. " Mariing wika ni Ryxiel
" Pilya lang yan pero iisang lalaki lang ang gusto niya. Si Ryxiel ang lalaking yon, No boyfriend since birth ang Kapatid ko, No kiss inalagaan ko ng husto ang Kapatid ko. Pinapaligo ko pa yan sa gatas, Mahalaga saakin ang magkaroon ng Pamangkin. " Nakangiti na tugon ni Kuya
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha ni Ryxiel hinila ko ang batok ni Ryxiel siniil ko siya ng halik sa labi. Saglit lang iyon ngunit sapat na para maramdaman ko ang tamis ng kanyang labi. Namumula ang mukha ng binata ng pakawalan ko ang kanyang labi
" Sarap ang Tamis ng labi mo pero sana naman sa susunod gumanti ka naman sa paghalik. " Nakangisi na wika ko
Wala sa sarili na napahawak sa kanyang labi si Ryxiel bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat
" Hahaha." Malakas na tawanan
Lumapit ako kay Kuya bumulong ako
" May Regalo ako sayo, Magugustohan mo yon tatlong taon ko yon ginawa. Aalis na kami mag shopping kami ni Darcy maglalakbay kami na dalawa kaya kailangan namin ng mga gamit." Bulong ko dito
" Mag stay ka muna dito kahit two years lang. Gustong-gusto makilala ng mga tagahanga ko ang nag-iisang Kapatid ko. At isa pa bigyan mo muna ako ng Pamangkin bago ka maglakbay. Hindi ko alam kung Ilan taon ka mawawala. " Mahinahon na pakiusap ni Kuya hinaplos niya ang pisngi ko
" Ayeeeh! Sige-sige basta ikaw mag-aalaga ng Anak ko." Excited na wika ko
" Hahaha! Sige ba Basta siguradohin mo lang. " Natatawa na wika ni Kuya humalik ako sa pisngi ni Kuya naglakad ako palapit kay Darcy binuksan ni Darcy ang pinto sa Back seat
" Anong nangyari sa mate ko? Hindi siya ang babaeng nakilala ko. Bakit parang liberated na siya?" Pabulong na sambit ni Ryxiel
Kahit malayo na ako malinaw na narinig ko ang sinabi niya
" Bakit bigla ka naging Wild?" Tanong ni Darcy
" Para ma turn off siya saakin. Siya ang lalaking nakatadhana saakin. Gusto ko lang anak ayaw ko makipag relasyon. Dahil ayaw ko mabigo sa pag-ibig, Nakakatakot ang sumpa saakin ni Kuya. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang malagpasan. Pero may tiwala naman ako kay Kuya alam ko may plano siya. Kaya siguro pinapahanap niya ang Nawawalang Kaharian namin. " Paliwanag ko
Nagmaniho si Darcy palabas ng bakuran ng Bahay
" Hindi mo napipigilan ang puso mo. Iibigin mo siya sa ayaw at gusto mo Kayo ang nakahatadhana sa isat-isa nararamdaman iyon ni Alpha kaya tanggapin mo nalang ng buong puso ang Tadhana mo. " tugon ni Darcy
" Natatakot ako. Hindi pa ako handa." Tugon ko