Chapter 17 Pagtanggap

1995 Words
GRESILDA * * " Napasipol-sipol si kuya habang naglalakad palapit sa Banyo " Kuyaaaaaaaaaa! Siraulo ka makakaganti din ako sayo. " Galit na sigaw ko " Hahaha! Ihanda mo ang iyong sarili sapagkat magagalit ang Boyfriend mo pagising niya. Ginamitan mo siya ng kapangyarihan kaya may mamagitan sainyo. " Pang-aasar ni Kuya " Kuya may nararamdaman akong panganib! Mag-ingat ka." Mahinahon na wika ko tumigil sa pagpasok sa banyo si kuya " Nalalapit na ang pagsubok mo! Nababahala ako baka maganap ang pagsubok mo habang nagdadalang tao. Ngunit isa iyon sa haharapin mong pagsubok. Kayanin mo Princess Gresilda huwag kang mangamba dahil sasamahan kita." Seryoso na Sabi ni Kuya " Kuya! Sa sumpa mo saakin lahat ng may buhay mamatay. Ibig sabihin lahat ng lalapit saakin babawian ng buhay?" Tanong ko " Lahat ng may buhay na lalapit sayo babawian ng buhay. Ngunit kung nagdadalawang tao ka tapos maganap ng sumpa maaari magbago ang pagsubok. Magiging pagsubok ito upang matanggal ang sumpa ng walang kamatayan. Nararamdaman ko nalalapit na ang pagsubok. Naganap na ang pagpupulong ng Kaharian ng Bampira at Lobo. " Paliwanag ni Kuya " Kuya ibig sabihin kasama kita sa pagsubok. Dahil Nanalaytay saatin dalawa ang sumpa ng isang daang libong Witches." Tugon ko " Tama ka! Kaya nga nakabantay ako sayo, Kailangan mo magsilang ng sanggol na magpapatuloy sa ating lahi, Yon ang makakaputol sa sumpa Kailangan manggagaling sa sinapupunan ng purong Witch. Wala akong matris kaya wala akong choice kundi ang umasa sayo. " Nakangiti na wika ni Kuya " Makakaalis kana." Tugon ko nahiga ako " Araw-arawin mo para makabuo ka agad." Pilyo na sabi ni kuya bago naglaho Napabuntong hininga ako napatingin sa binata masarap ang tulog niya may ngiti siya sa labi. Inilapat ko ang kanang hintuturo ko sa noo ni Ryxiel. " Lahat ng alaala natin uukit sa iyong puso at isipan. " Sambit ko nagliwanag ang daliri ko pumasok sa noo ni Ryxiel ang liwanag na nagmumula sa daliri ko. " Kung magkasala kaman saakin pagsisihan mo ito at itatama mo ang pagkakamaling nagawa mo. Sa ganon paraan may pagkakataon pa tayong mag umpisa, May pagkakataon din akong makalaya sa sumpa. " Nakangiti na sambit ko Umungol ng mahina si Ryxiel napangiti nalang ako. Hindi ko Akalain na naghihintay si kuya na may mamagitan saamin. " Malapit na ang pagsubok, Ngunit may punla na ni Ryxiel sa sinapupunan ko. Binigyan ni Kuya ng protiksyon ang batang mabubuo sa sinapupunan ko. " Piping sambit ko Hindi ko namalayan na nakatulog ako nagising ako tanghali na. Dahan-dahan ako nagmulat ng mga mata Bumungad saakin ang galit na anyo ni Ryxiel " Ginamitan mo ako ng kapangyarihan para may mamagitan saatin? Sabi ko naman sayo gusto ko kasal muna bago lovemaking. " Mariing wika niya Napatulala ako sa aking narinig para bang sinaksak nito ang puso ko. " Pinagsisihan mo na may mamagitan saatin?" Hindi makapaniwala na tanong ko " May dahilan ako. Kung bakit ayaw kong may mamagitan saatin. Kung bakit mahalaga saakin ang Kasal." Galit na Bulyaw niya Hindi na ako nakasagot unti-unting sumisikip ang dibdib ko. " Nagagalit ka dahil sa may mamagitan saatin?" Hindi makapaniwala na tanong ko " Hindi sa ganon! Dapat hinintay mo na Makasal tayo." Mahinahon na tugon niya " Mahalaga saakin ang magkaroon ng anak. Kung nagsisisi ka okay lang Hindi mo kailangan panagutan ang nangyari, Maghanap ka nalang ng Birhin na babae." Malungkot na sambit ko Bumaba ako sa kama kinumpas ko ang kamay ko dahilan para hindi makakilos at makapag salita si Ryxiel. Pagtayo ko napaupo ako naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko at pananakit ng Pempem ko. Pumikit ako pinagaling ko ang sarili ko dalawang minuto din ako nakapikit hanggang sa tuloyan nang gumaan ang pakiramdam ko. Panay ang ungol ni Ryxiel hindi siya makakilos. Inilapat ko ang dalawang kamay ko sa dibdib ng binata. Unti-unting nagbago ang damit ko naging pula abot talampakan ang haba unti-unting lumitaw ang Korona sa Ulo ko. Nanlalaki ang mga mata ni Ryxiel " Ako Si Griselda Vesper Crown princess Of Kingdom of Darkness. Ikaw Ryxiel Anderson tinutubos kita sa Sumpa na Nanalaytay sa iyong dugo. " Walang Emosyon wika ko Pumikit ako nakikita ko ang itim na dugo sa kanyang puso gamit ang isipan ko Tinanggal ko ang itim na dugo na iyon. Sa pamamagitan ng isipan ko nilinis ko ang kanyang dugo. Dumilat ako Pagdilat ko saka naman unti-unting bumalik ang anyo ko sa dati nawala ang Korona na Ulo ko bumalik sa nightdress ang kaninang pulang damit. Nakakilos narin si Ryxiel nakaramdam ako ng panghihina kaya nakaupo ako sa gilid ng Kama " Malaya kana sa sumpa. Ngunit ikaw lamang ang nakalaya sa sumpa hindi kabilang dito ang ibang Royal blood. Maghanap ka ng ibang babae bumuo ka ng masayang pamilya. Kalimutan mo ako Ryxiel! Salamat sa pagmamahal na binigay mo saakin." Nakangiti na sambit ko Bago pa siya makapag salita naglaho na ako sa kanyang harapan. Lumitaw ako sa Malaking puno sa Valley.. Kinumpas ko ang kamay ko lumitaw sa paningin ko ang bahay namin ni Kuya. Naupo ako sa ilalim ng puno lumitaw si Kuya sa tabi ko. " Naramdaman ko ang paggamit mo ng malakas na kapangyarihan. " Wika ni Kuya " Nagalit saakin si Ryxiel! Sabi niya mahalaga sakanya ang kasal bago lovemaking. Kuya alam ko mali ang ginagawa ko. Ngunit wala na akong Oras nararamdaman ko ang pagdami ng nakabilanggo sa Palasyo. Nababahala ako na baka mapunta sa Palasyo ang mga lobo at Bampira na nagtatangka sa buhay natin. Ngayon plano palang nila kaya malaya pa sila. " Paliwanag ko " Huwag mo takasan ang galit ni Ryxiel. Alam mo naman na magagalit siya, Gusto niya ng marangyang kasalanan, Kasal na nararapat sa prinsesa na katulad mo. Plano niyang ikasal kayo at gaganapin iyon sa Palasyo mismo ng mga lobo. Gusto niya ipaalam sa lahat na Ikaw Ang mate niya. At sa magaganap na kasal ipapahayag niya ang pagkakaisa ng Witches kingdom at Lobo. " Paliwanag ni Kuya " Hindi mangyayari yon! Bago pa maganap ang kasal namin magkakaisa na ang mga Bampira at Lobo." Tugon ko " Tara na uuwi na tayo, Sigurado nag-aalala sayo si Ryxiel." Aya ni Kuya Bago pa ako makatanggi lumitaw na kami sa loob ng Kwarto ko sa bahay ni Kuya " Maligo ka at lumabas. Kakain tayo ng lunch." Utos ni Kuya Sinunod ko ang utos ni kuya napailing si Kuya hinawakan niya ang itim sa buhok ko " Huwag mo hinayaan na maging kulay itim ang buhok mo. Ibig sabihin nasaktan ka kaya nagkaganyan ang buhok mo. Huwag mo hayaan na Masaktan ka iyong sakit na tatagos sa puso mo. " Mahinahon na wika ni Kuya Huminga ako ng malalim hindi ko naman sinasadya na Masaktan sa sinabi ni Ryxiel, Nagalit siya sa namagitan saakin ang labas non saakin nagsisisi siya sa namagitan saamin. Tumayo ako naglakad patungo sa banyo. Nagbabad ako sa warm water sa bathtub. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng banyo " Grizel may bisita ka isang oras kana d'yan sa banyo." sigaw ni Kuya sa labas Nilinis ko muna ang bathtub bago ako naligo. Nagbihis ako ng Red Dress na lagpas tuhod. Hinayaan ko nakalugay ang buhok ko Paglabas ko ng Kwarto narinig ko Agad ang boses ni Ryxiel kausap niya si Kuya " Bakit hindi ka muna umuwi sainyo Ryxiel? Nagpulong na ang Bampira at Lobo nagtatangka silang patayin kami. Pinapaalam ko lang sayo Anyone who tries to take our lives will disappear and be imprisoned in the Palace. The problem is that the palace is disappearing because it is also under a curse. We are under a curse Ryxiel. " Seryoso sabi ni Kuya " A-Ano sumpa ang bumabalot sainyo?" Tanong ni Ryxiel bahagya pa siya nautal " Magiging masama kami sa oras na mabigo kami. Kaya kailangan mo ingatan ang Kapatid ko. Hanggat maaari huwag kang gagawa ng ikasasama ng kanyang loob. Nabubuhay kami dahil sa sumpa Kaya hanggat maaaga pa pag-isipan mo mabuti. Nakakabahala man pero kung Mahal mo ang Kapatid ko dapat handa kang tanggapin siya ng buong-buo. Kung talagang naiipit kana sa sitwasyon Pwede mo naman Kalimutan nalang ang Kapatid ko. Sa Oras kasi na piliin mo ang Kapatid ko makakalaban mo ang sarili mong Ama. " Mahabang paliwanag ni Kuya " Pag-iisipan ko! Sa ngayon gusto ko lang makakusap ang Kapatid mo. Hindi ko sinasadya na makapag salita ng masama sakanya kanina. " Mahinahon na tugon ni Ryxiel Bumaba ako sa hagdan napatingin saakin si Ryxiel Nakakunot noo siya " Anong nangyari sa buhok mo? Bakit may itim sa buhok mo?." Nagtatangka na tanong niya " Tandaan mo! Pag kulay itim na ang buhok ng Kapatid ko kusa na siya maglalaho. Magiging masama na siya at mabibilanggo siya sa isang Lugar na Tanging kadiliman lang ang makikita." Seryoso na Paliwanag ni Kuya " Kuya tama na yan! Tinatakot mo na si Ryxiel." Sabat ko " Nandito na ang sasakyan mo at ibang gamit mo. Ahemm! Nagluto ako ng sinabawan Isda for lunch Anyayahan sana kita Kumain." Nahihiya na wika ni Ryxiel " Kuya sasama ako kay Ryxiel. Pasensya kana kung hindi kita masasabayan kumain." Paalam ko kay Kuya Ginulo ni Kuya Ang buhok ko at ngumiti. Pagkalipas ng ilang sandali nasa hapagkainan na kami ni Ryxiel tahimik kami na kumakain. Walang imikan " Gusto mo bang bumalik sa nakaraan bago maganap ang pag-iisa ng ating katawan?" tanong ko " Hindi! Pasensya kana kung nagalit ako. Ang totoo kaya ayaw ko na may mamagitan saatin dahil natatakot ako. Lason ang Libido namin kaya kamatayan ang kahihinatnan ng babaeng katalik namin. Ayaw kong mawala ka saakin kaya hanggat maaari ayaw kong may mamagitan saatin. Gusto kita pakasalan mamuhay tayo ng Semple at masaya malayo sa lahat ng kamag-anakan ko. Lumayo tayo mamuhay tayo ng masaya." Mahabang wika ni Ryxiel Hindi ako umimik tahimik ko pinagpatuloy ang Pagkain. Si Ryxiel ang naghugas ng Pinagkainan namin. Inaanyayahan niya ako maupo sa Balcony kung saan tanaw ang dagat. " Sasama kaba saakin? Lumayo tayo manirahan tayo sa tahimik na lugar. Gusto ko magkaroon ng sariling pamilya. " Mahinahon na Sabi niya Hawak niya ang magkabilang kamay ko. puno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata. Tumango ako habang nakangiti Niyakap niya ako ng mahigpit. " Griselda pakasal na tayo. " Pabulong na wika niya " Iharap mo ako sa Angkan ng Lobo at Bampira. Haharapin ko sila at ipapahayag na hindi kami banta ni Kuya." Seryoso na pakiusap ko " Hindi sila makikinig sayo, Ilang beses na ako Nagpaliwanag sakanila. Hindi kayo masama katulad lang naman namin kayo. Ngunit gusto padin ni Daddy naglaho kayo ng tuloyan." Malungkot na paliwanag ni Ryxiel " Dito nalang tayo manirahan o kaya sa bundok kung saan ako nanirahan dati. Gusto ko malayo sa mga tao mamuhay tayo ng tahimik. Hayaan mo silang gawin ang gusto nila, Hayaan mong maganap ang nakatadhana saakin. " Nakangiti na Sabi ko " Kahit saan mo gusto okay lang! Sa bundok may bahay naman doon. Kung saan nakatirik ang bahay na tinirhan mo dati. Basta kasama kita Okay lang Kahit na maging kalaban ko ang lahat. " Malambing na Tugon ng binata Bigla niya kinabig ang batok ko mapusok niyang inangkin ang labi ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa loob ng Dress ko naglilikot ang kanyang kamay " Gawa tayo ng baby. Ngayon alam ko nang ikaw talaga ang mate ko hindi na ako matatakot baka mamatay ka dahil lang sa libido ko.." namamaos na bulong niya habang hinahalikan ang puno ng tainga ko Nasabik ako sa sinabi niya sa wakas matutubos na kami sa sumpa ng Angkan namin. " Talaga? Wala nang bawian yan ah. Kailangan ko magsilang ng princess o kaya Prince na magpapatuloy sa aming lahi." Masaya na tugon ko " Ang lahat ng bata na mabubuo sa sinapupunan mo ay anak ko. At ang Wolf pack ko ay magiging bahagi ng iyong Kaharian. " Nakangiti na wika ni Ryxiel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD