Chapter 14 They came back

1999 Words
Gresilda * * Nakatitig ako sa Deer na kumakain ng Wild berries nandito ako sa ilalim ng puno sa likod lang ng bahay namin. Hindi ko alam kung gaano ako katagal dito sa Valley bumalik lang ako sa bahay ni Kuya para kunin ang mga pinamili namin ni Darcy nasipat ko pa si Ryxiel na nakatayo sa harapan ng bahay tumatawag sa pangalan ko. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Bakit ako natatakot? Kahit anong gawin ko hindi ko napipigilan ang sarili ko na mahulog ng tuloyan kay Ryxiel. Gusto ko din sana makasama siya, Mamasyal at magsaya tulad ng pangkaraniwan tao. Ngunit natatakot ako baka dumating ang araw na maging hadlang saamin ang kanyang pamilya. Alam ko naman na ayaw nila saakin Isa yon sa nakikita ko na magiging dahilan para talikuran ako ni Ryxiel. Hindi kasi namin kayang silipin ang magaganap sa hinaharap. Ang nakaraan o naganap na Ang pwede namin silipin. Ngunit wala na kaming kakayahan pakialaman ang hinaharap. Kaya ito ako puno ng takot at pangamba " Susugal ba ako baka sakaling magkaroon ako ng anak Kapalit ng paglaya namin ni Kuya sa sumpa? Handa ba akong umibig at Masaktan alang-alang sa paglaya namin sa sumpa? " Tanong ko sa aking sarili " Bakit hindi Makapasok si Darcy?" Napalingon ako sa nagsalita nagulat ako nakatayo si Kuya sa tabi ko. Naupo siya hinawakan ang kamay ko. Ngumiti ako kay Kuya " Tayong dalawa lang ang makakapasok dito. Ito mismo ang Kaharian natin. Nakikita mo ang malawak na kakahuyan na yan? Yan ang Kaharian natin nasa loob mismo ng Valley. Hindi yan mababasa sa libro tanging tayong dalawa lang ang nakakaalam. Balang araw ibabalik ko ang Kaharian natin. Itatayo ko muli sa oras na maganap ang sumpa mo saakin. Kuya sa Oras na maganap ang sumpa mo saakin maglaho ka pakiusap. Magtago ka hayaan mo silang labanan ako. Huwag kang makialam hayaan mo ako sa mga gagawin ko. " Mahabang pakiusap ko " Pangako! Hindi ako makikialam, Maglalaho ako mamumuhay bilang normal na tao. Babalik lang ako sa oras na matapos ang lahat-lahat. Hahayaan ko maganap ang sumpa ko sayo gusto ko ipaalam sakanila ang pagkakamali nila. Kaya kita sinumpa dahil nagsasawa na ako sa kakatago. Mas malakas ka kaysa saakin kaya ikaw na ang tumapos sa lahat ng problema natin. " Mahabang paliwanag ni Kuya " Salamat Kuya. Hinahanda ko lang ang sarili ko." Mahinahon na wika ko " Ramdam ko ang takot mo! Alam mo ba na pabalik-balik si Ryxiel sa bahay. Hinihingi nya ang kamay mo gusto ka niya pakasalan. " Mahinahon na wika ni Kuya " Ayaw ko pakasal kuya! Nagkamali lang ako ng sagot kaya ko siya naging Boyfriend. Alam mo naman na siya ang nakatadhana saakin kaya kahit anong Iwas ko wala akong magagawa dahil siya ang lalaking nakalaan saakin. Kahit anong iwas ko magtatagpo at magtatagpo parin kami. " Mahinahon na wika ko " Nakapasok kanaba sa ating Palasyo?" Pag-iiba ko sa usapan " Hindi pa." Tugon ni Kuya " Gusto mo bang pasukin natin ngayon?" muling tanong ko " Sige! Sya nga pala bakit biglang naglaho ang ginawa mong libro?" Tanong ni Kuya Ngumiti lang ako ang may gawa sa libro kaya ko din ito bawiin Naglaho ang libro napagtanto ko kasi na mapanganib ang ginawa ko. paano nalang kung mapunta sa iba ang libro malalaman nila ang lahat ng lihim namin ni Kuya. Inalalayan ako ni kuya tumayo, Napahinga si Kuya ng malalim " Huwag na! Ang daming kalaban sa Palasyo dahil sa sumpa mo noong bata kapa. Lahat ng may masamang tangka saatin d'yan mapupunta. Sila ang magiging libangan mo Pagdating ng pahanon na maging masama ka. Matino naman isip mo ngunit mangingibabaw ang kasamaan sayo. Galing ko diba? Ang sumpa ko sayo Tinanggal ko lang kabutihan sa puso mo. Bahala na si Ryxiel kung paano ka niya ibabalik sa dati.." Magiliw na Paliwanag ni Kuya Kinumpas ko ang kaliwang kamay ko unti-unting naglalaho ang kagubatan napalitan ito ng itim na Palasyo maririnig mo dito ang mga nakakatakot na sigaw at iyak pagmamakaawa ng mga nakabilanggo. Napangiwi ng alanganin si Kuya " Ah Ahemm! Nakakatakot ang Palasyo princess. May photoshoot pa pala ako Sige Mauna na ako. Ito pala ang ATM Cards ko no spending limit yan. " Nakangiti na wika ni Kuya Napanganga nalang ako naiwan ako mag-isa nasa kamay ko ang black Cards " Pambihira Kuya talaga parang hindi Prinsipe." Naiiling na wika ko Kinumpas kong muli ang kamay ko naglaho ang Palasyo napalitan ito ng kakahuyan. Unti-unting naging huni ng mga hayop ang kaninang nakakatakot na ingay. " Handa na ako! Simula ngayon hahayaan ko ang Tadhana ang magpasya sa kinabukasan ko. " Sambit ko Kinumpas ko ang kamay ko naglaho ang lahat ng kabayahan sa buong valley lahat ng bahay napalitan ng Malalaking puno. " Sa muling pagbabalik ko sisiguradohin ko na magkakaroon ng paraiso sa gitna ng kadiliman." Mahinahon na sambit ko naglakad ako paghakbang ko lumitaw ako sa loob ng Kwarto ko sa bahay ng Kapatid ko. Naligo ako ng maayos nagbihis ng pulang Damit na abot hanggang talampakan. Hinayaan ko nakalugay ang mahabang buhok ko. This time nakasuot ako ng maayos may panty at bra ako. May bitbit din ako na handbag na may laman wallet at suklay Bitbit ko din ang susi ng sports car ni Kuya. Gamit ang kapangyarihan ko inaalam ko kung paano maniho. Napanganga si Darcy pagbaba ko ng hagdan " Okay na ako! Hahanapin ko na ang nakatadhana saakin. Simula ngayon Darcy sasamahan mo si Kuya kahit saan magpunta. Ipangako mo saakin na hindi mo siya pababayaan at Simula ngayon hindi kana makikialam saakin. Sundin mo ang lahat ng naisin ng Kapatid ko. Mamumuhay kayo ng tahimik malayo sa mga Bampira at Lobo. Maglalaho din si Kuya sa lahat ng tao makakalimutan nila na Minsan nilang nakilala ang Kapatid ko." Mahabang wika ko Lumuhod si Darcy sa harapan ko yumuko at buong puso nagsalita " Iingatan ko ang Prinsipe, Ingatan mo din sana ang iyong sarili Ilang buwan mula ngayon maglalaho na parang bula ang Prinsipe. Mamumuhay kami ng tahimik katulad ng mga normal na tao." Seryoso na wika ni Darcy Ginulo ko ang buhok ni Darcy nasipat ko ang pagpatak ng kanyang luha " Pangako magiging okay lang ako. Sisiguradohin ko bago maganap ang sumpa ni Kuya may anak ako. Asahan nyo na balang araw magiging okay lang lahat. Ibabalik ko ang Kaharian na minsan naglaho. " Nakangiti na wika ko " Tika saan kana pupunta?" Tanong ni Darcy Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas hanggang sa nasipat ko ang sports car napangiti ako. " Susunduin ko ang boyfriend ko. Nasilip ko siya sa bahay nila sa Wolfpack nila. Sige paalam Aalis na ako." nakangiti na wika ko " Hoy natamaan na ng lintik! Gresilda Ikapapahamak mo ba ang sarili mo?" Pasigaw na tanong ni Darcy Nag dirty finger ako ngumisi ako at pinaharorot ko ang sports car. Na reincarnate na ako bilang tao at nakapag drive narin. Minsan na ako nanirahan at mamuhay bilang tao. Kaya ngayon enjoy ko ang sarili ko tapos na ako maghanda iniwan ko na sa Valley ang lahat ng takot at pangamba ko. Ngayon pagbibigyan ko ang sarili ko na maging masaya. " Ang Goal mo ngayon Princess Gresilda ang magkaroon ng Anak. Isang anak lang ang kailangan ko upang makalaya kami sa sumpa saakin ng mga ninuno namin. Kung magkakaroon ako ng Anak bago matupad ang Sumpa ni Kuya Hindi ako tuloyan magiging masama. Mababago ko ang kapalaran ko Ngayon haharapin ko ng buong-buo ang nakatadhana saakin masama man o mabuti. Bahala na nandiyan naman si Kuya hindi naman niya hahayaan na mamatay ako. " Kausap ko sa Sasarili ko Gamit ang kapangyarihan ko gumawa ako ng portal patungo sa bansa na kinaroroonan ni Ryxiel. Lumitaw ako malapit sa Mall medyo malayo pa ito sa kinaroroonan ni Ryxiel. Pumasok ano sa parking lot ng Mall kumain ako sa restaurant. Nag shopping ako ng mga damit ko this time iba't ibang kulay na ng damit ang binili ko. Ang Red dress kasi ay symbolize a range of powerful. Bravery, and a willingness to face challenges. Kaya laging pulang Damit ang suot ko. Ngayon mamumuhay muna ako bilang normal na tao. Napatigil ako nakatitig ako sa sunglasses naka display sa store napangiti ako ilang sandali lang nagmamaniho na ako habang nakasuot ng sunglasses. Nagpatugtog din ako panandalian ko isinantabi ang pagiging mahinhin ko. Gusto ko makalaya sa sumpa kaya magiging pilya at Malandi muna ako. " Bakit naman kasi sa dinami-dami ng pweding bitawan na sumpa ang pagkabuhay pa ng katawan namin kahit na wala nang kaluluwa. Ibig sabihin magiging halimaw kami. Kakainis mamatay lang ang kaluluwa namin at papamahayan ng demonyo ang katawan namin. magpapatuloy sa pagpatay kakainis talaga ang mga Witch na yon. Isang daang libo pa Ang bilang nila ng magbitaw sila ng sumpa. Kapalit ng isang anak! Galing! Nakakainis." Naiinis na kausap ko sa sarili ko habang nagmamaniho Huminto ako sa magarang bahay mansion ito black gate at may fountain sa bakuran sa magkabilang gilid fountain doon ang kalsada na daanan ng sasakyan papunta sa Garahe, Kakahuyan sa likod ng mansion at sa likuran bahagi ng mansion nandoon ang mga kabahayan na pag-aari ng wolf pack ni Ryxiel normal na bahay kung titingnan hindi mo aakalain na taong Lobo ang mga nakatira. " Sweetheart." masaya na sigaw ko Dahan-dahan nakatayo si Ryxiel nakanganga siya hindi makapaniwala sa nakikita. Nakatulala lang ang mga tao sa loob kasama dito ang ama ng binata Lumabas ako ng sports car ko mahinhin na naglakad papasok sa gate. " Siya nga! Bumalik na silang magkapatid. " Wala sa sarili na sambit ng ama ng binata nagkunwari nalang ako na walang narinig. Napatuloy ako sa paglapit kay Ryxiel pagkalapit ko dito agad ko pinulupot ang braso ko sa leeg ng binata Walang nagdadalawang isip na siniil ng halik ang binata. Naramdaman ko ang pagyakap pabalik saakin ni Ryxiel mapusok niyang tinugon ang halik ko " Oh Goddess! Ang ganda niya siya na Ang pinaka maganda na nakita ko. Ang bango niya parang Bulaklak na namukadkad. " wika ng isang Lobo Hingal na naghiwalay ang labi namin. " Saan ka galing? Sinagot mo ako tapos kinabukasan bigla kang nawala. Isang taon akong naghanap sayo. Huwag kana aalis natatakot ako baka hindi kana bumalik. " puno ng lambing na wika ni Ryxiel " Nag-aaral ako remember? Nag take kasi ako ng Exam kaya natagalan ako. " Pagsisinungaling ko " Daddy siya ang kasintahan ko, Balak ko siya pakasalan sa lalong madaling panahon." Nakangiti na pakilala ni Ryxiel sa kanyang Ama Ngumiti ako ng ubod ng Tamis bago ako nagsalita inilahad ako ang kamay ko " Gresilda Vesper po ang pangalan ko. Kinagagalak kitang makilala Saahir Anderson. " nakangiti na wika ko Kitang-kita ko ang pamumutla ng ama ni Ryxiel. Anderson ang surnames ng Royal wolf at Vesper naman ang Royal blood ng Dark Witches. " Kinagagalak din kitang makilala iha. Maiwan ko muna kayo may pupuntahan pa kasi ako. " Kinakabahan na tugon nito hindi tinanggap ang kamay ko nagmamadali na naglakad papasok sa mansion " Pasensya kana sa Daddy ko. Tara sa loob nagpapahanda ako ng pagkain. " Nakangiti na wika ni Ryxiel Hinawakan niya ang kamay ko " Nakakatuwa ang future father in-law ko. Parang nakakita ng multo kamukha ko kasi ang Nanay ko Ang Reyna ng Witches. Kumpara saakin mas matapang at mapangahas ang aking ina. Kaya takot sila paano ko ba sasabihin sakanila hindi naman ako masama." " So Final na yan ha! Wala nang bawian girlfriend na kita. Date tayo mamayang gabi. Saan hotel kaba naka check-in?" Nakangiti na tanong ni Ryxiel " Eh kasi wala pa e." Napapakamot sa ulo na tugon ko " Gumamit lang kasi ako ng portal." Piping sambit ko " Tara ako ang magdrive sa bahay nalang tayo Medyo malayo dito. May bakanting kwarto doon. " Aya ni Ryxiel hinila niya ako palabas ng mansion. " Nakabalik na kami." Sambit ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD