Griselda
*
*
" Good morning." Nakangiti na bati ko
" Sweetheart ang aga mo nagising. Nagkape kanaba?" Inaantok na bati ni Ryxiel lumapit siya saakin hinalikan ako sa labi inilapag ko sa table ang Panset na enorder ko. Nagtimpla ako ng dalawang tasa ng kape.
Nandito kami sa Hotel sa isang beach resort. Maganda ang beach ang daming activities na pweding gawin talagang nag enjoy kaming mag-asawa.
Nagkwentohan kami habang mag-aagahan. Sabay din kami naligo at lumabas ng hotel room ngayon araw kasi plano namin bisitahin ang Kuweba kailangan sumakay sa bangka bago kami makapasok sa loob.
Maghapon kami namasyal sa mga magagandang lugar na pinagmamaki ng naturang Isla. Walang naman masamang nangyari basta nag-eenjoy lang kami para bang ayaw ko na matapos ang kasiyahan tinatamasa ko.
Kinagabihan nagpasya kami bumalik sa yacht naglayag ulit kami.
Habang nakaupo ako sa lap ni Ryxiel may napagtanto ako kaming dalawa lang ang tao sa yacht sino ang nagmamaniho
" Sweetheart! Sino ang nagmamaniho ng Yacht?" Tanong ko
" May Auto pilot ang yacht pero ngayon ang Siraulo mong Kapatid. " Baliwala na tugon ni Ryxiel
" Pasensya kana! Kahit saan ako magpunta masusundan parin niya ako. Siya ang nakatalaga na nakapag bantay ko. Pasaway pero mabait naman si Kuya." Nakangiti na wika ko
" WAAAAAAH! Bayaw ang daming Bampira." sigaw ng Kapatid ko
Tumatakbo siya papunta saakin bigla siya naging Usok pumasok sa anino ko. Napanganga si Ryxiel sa nasaksihan kay Kuya.
" Ano ano pa ang kaya nyong gawin bukod sa Nakita ko?" Wala sa sarili na tanong ni Ryxiel
" Bukod sa lumipad malamang Witch kami e. Pumatay, Magbago ng anyo hanggat kaya namin isipin, Bumalik sa nakaraan, Gumawa ng mga bagay na aakalain ng tao himala. " Tugon ko habang nakatingala sa malaking paniki na nagliliparan sa ibabaw namin
Biglang naging tao ang isang paniki
" Ikaw ba ang Dark princess? Ibalik mo saakin ang aming Principe." Matapang na utos ng may Edad na lalaki
" Sandali lang! Anong prince? Hindi ko Kilala ang Vampire prince. At Wala akong kinalaman sa pagkawala niya." Nababahala na tugon ko
" Hawak namin ang Kapatid mo, Papatayin namin sya sa oras na hindi mo ibalik ang Aming prince." Pagalit na wika ng Lalaki nagpalit anyo ito bilang paniki lumipad palayo
" Si Darcy ang hawak nila. May kapangyarihan si Kuya na baguhin ang wangis ng isang nilalang. Madalas ipalit ni kuya si Darcy bilang kamukha nya. Para makatakas sa mga gawain o tungkulin. Tamad ang Kapatid ko at matatakotin. Kahit na prince siya para lang siyang batang paslit. Pilyo at maloko." Napapailing na Paliwanag ko
" Kaya naman gumawa ng portal ni Darcy kaya huwag kang mag-alala." Tugon ni kuya lumitaw sa harapan namin.
" Kuya magtago ka sa animo ni Ryxiel pupuntahan natin ang Kaharian ng Bampira para makipag usap. Ipapakita ko sakanila ang nangyari bago mawala ang munting Principe. " Utos ko Agad naman sumunod si Kuya Gumawa ng portal si Ryxiel lumabas ang dalawang lobo.
" Alpha ano ang ipag-uutos mo?" Tanong ng isang Lobo kalalabas lang sa portal na ginawa ni Ryxiel
" Iuwi mo ang Yacht ko. Pakisabi narin kay Daddy na Pupunta kami sa Kaharian ng Bampira. Nawawala ang Principe ng Bampira at Ang Asawa ko ang pinagbibintangan nila." Mahinahon na Paliwanag ni Ryxiel
Humarap saakin si Ryxiel hinawakan niya ang kamay ko muling gumawa ng portal hinila niya ako papasok sa pinto na ginawa nila. Lumitaw kami sa harapan ng bulwagan ng Palasyo nakaupo sa harapan ang Hari ng Bampira
" Nandito kami para linisin ang pangalan ng Asawa ko. Nasa honeymoon kami at walang ginagawang masama ang Asawa ko. " Walang Emosyon wika ni Ryxiel
" Likas sa Asawa mo ang kasamaan. Paano kami Naniniwala?" Balik tanong ng Hari
Kinumpas ko ang kamay ko lumitaw sa pader ang imahe ng prince..
Patalon-talon ito sa ibabaw ng puno may uminum pa ito ng Dugo na nakalagay sa isang bote.
Napatigil ang Vampire prince sa isang bukal. Napangiti bumaba at naghubad ng lahat ng saplot inilubog ang kalahati ng katawan sa tubig. Napapaungol pa ito habang iniinum ang dugo na nasa bote. Isang Oras ang tinagal ng prince sa bukal bago naisipan umuwi. Nakipag kwentohan pa ito sa ama pinatikim ang Dugo na nasa bote bago pumasok sa sarili silid habang natutulog may pumasok na nakatalukbong may pinaamoy sa prince at binuhat palabas ng Palasyo sa kilos ng nilalang na tumangay sa prince halatang alam ang pasikot-sikot sa Palasyo.
" Lalaki ang kumuha sapagkat malaking bulas ito. " Sambit ko
Tumitig ako kay Ryxiel nakangiti na nagsalita.
" Patibong ang pagpunta natin dito, Huwag kang mag-aalala hayaan mong maganap ang nakatadhana saakin. Pagmasdan mo sila! Sila ang totoong halimaw. Sila ang totoong masama. Nagkaisa sila kasama ang Hari ng Lobo at ama mo. Kasama dito ang ibang matatanda sa ng Lobo at Bampira. Gusto nila patayin ako pero nagkamali sila ng pasya. Sapagkat mas lalo lang nila pinahamak ang kanilang sarili. Patawarin mo ako Mahal ko kung tuloyan akong maging masama at mawala ng tuloyan sa aking sarili. Hindi ko kagustohan ang magaganap sila." Malungkot na pahayag ko
Nanlilisik ang mga mata ni Ryxiel tumingin siya sakanyang ama at iba pang nandoon
" Sinabi ko na sainyo, Walang kasalanan sainyo ang Asawa ko, Sa ginagawa nyo Ikapahamak ninyong lahat. Ano ang kinababahala ninyong lahat? Namumuhay kami ng tahimik, Wala silang ginagawang masama sainyo. " Puno ng galit na tanong ni Ryxiel
" Nawawala ang aking mga Wolf warrior. at iba pang matatanda Ang Asawa mo ang may gawa. " Pagalit na tugon ni King Ezekiel
" Ako? Bakit ako? Ilang taon akong nagtago sa Valley, Ilang taon akong naghanap saaming nawawala kaharain. Tatlong taon gulang lang kasi ako noon ng magbitaw ako ng sumpa. Dahilan para maglaho ang aming Palasyo. Sa Valley na tinutukoy ko walang ibang nakakapasok kami lang ni Kuya. Paano nyo nasisiguro na ako ang may gawa?." Pagalit na tanong ko
Kinumpas ko ang kamang Kamay ko natigilan sila sa pagsasalita napatingin sa pader.
" Kilan nawala ang pinakaunang Lobo?" Tanong ko
" Tatlong taon na ang nakaraan at Kagabi lang ang pinakahuli." Tugon ng isang lobo
Gamit ang kapangyarihan ko pinakita ko sakanila ang nangyari.
Napakunot noo ako Grupo ng Wolf hunter ang may kagagawan. Kasabwat nito ang naiwan tauhan ng nakaraang kalaban nila.
" Sweetheart! " Sigaw ni Ryxiel
Napalingon ako sa Asawa ko yakap niya ako sumuka siya ng dugo. Gulat at hindi ko maintindihan ang nangyayari
" Patawarin mo ako! Nagulat ako kaya hinarang ko nalang ang katawan ko. " Pabulong na paliwanag niya
Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa lalaking nasa likod ni Ryxiel
" Bakit? Bakit mo sinaksak ang sarili mong anak?" Galit na tanong ko
" Hindi! Ikaw ang dapat mamatay. Dapat kayong maubos, Dapat matagal na kayo namatay. Hindi kami matatahimik hanggat hindi kayo nawawala ng tuloyan." Pagalit na sigaw ng Ama ni Ryxiel
" Sweetheart! Alagaan mo ang sarili mo, Patawarin mo ang aking Ama, Hanggang ngayon hindi niya alam kung sino ang pumatay sa aking Ina. May haka-haka na lahi nyo ang pumatay. Mahal na Mahal kita." Mahina at halos hindi narinig ang boses ni Ryxiel
" Papagalingin kita! Huwag kang mag-aalala. Pinapatawad ko ang iyong Ama. Panoorin mo yan! Ipapakita ko sayo ang nangyari sa iyong Ina." Nakangiti ngunit umiiyak na sambit ko
Nagbago ang paligid ang bawat pader sa Palasyo ng mga Bampira napalitan ng mga masasayang tawanan. Makikita nila ang buhay ng ina ni Ryxiel. Dahan-dahan napaluhod ang Ama ni Ryxiel sumisigaw ito habang umiiyak at paulit-ulit na nanghihingi ng tawad.
Lumitaw si Kuya sa tabi ko inilapat ang kamay sa dibdib ni Ryxiel napatingin siya saakin napailing
" Wala na! Wala nang t***k ang puso ng Asawa mo. Silver knife na binabad sa kamandag ng ahas ang ginamit kaya agaran siya binawian ng buhay. " Paliwanag ni Kuya
Napangiti ako bumalik sa alaala ko ang mga kaganapan simula ng magkakilala kami.
" Hey! Sweetheart naalala mo ba? Nang na reincarnate ako bilang tao? Naiinis ka noon dahil sexy ako at hindi kagandahan. Kaya nang makabalik ako sa sarili kung katawan galit na galit ako sayo. Sinabihan kitang pangit! Sabi mo bibigyan mo ako ng Masayang pamilya. Tahimik at masayang buhay, Salamat! Salamat dahil tinupad mo ang pangako mo. Nagawa mo akong protiktahan laban sa iyong Ama. Palagi mo tinatanong kung bakit kahit magdamag tayo nagtatalik hindi ako napapagod? Ginagamot ko kasi ang sarili ko para magkasabay sayo. Ngayon alam mo na ang Sekreto ko. Kaya dumilat kana." Nakangiti na kausap ko sa walang buhay na si Ryxiel
" Anak ko! Patawarin mo ako anak ko. Nagkamali ako. " Umiiyak na wika ng ama ni Ryxiel
Tumingala ako sumigaw ako ng malakas kasabay ng pagsigaw ko ang paghangin ng malakas.
" Lumayo kayong lahat! Napanganib ang kalagayan ng Kapatid ko. Lumabas na tayo sa Palasyo Iwanan nyo ang bangkay ni Ryxiel. Magmadali kayong lahat. " Sigaw ng nababahala na Kapatid ko
" Ano ang nangyayari?" Halos magkakasabay na Tanong nila
" Ano ang ginawa nyo sa Prinsesa? Binuhay nyo ang sumpa sakanya. Tika bakit tila wala nang buhay si Ryxiel." Sigaw ni Darcy
" Princess Griselda! Huminahon! Pwede mo naman ibalik ang buhay ng Asawa mo. Princess! Kumalma ka." Sigaw ni Kuya
Naririnig ko ang mga usapan nila ngunit natalo na ako ng galit at poot. Yakap ko ang walang buhay na katawan ng Asawa ko.
Unti-unting nagbago ang Kulay ng damit ko naging pula ito lumitaw ang Korona sa Ulo ko. Na labis na kinababahala ng Kapatid ko
" Princess! Ibalik mo ang buhay ng mahal mo. Alam ko naririnig mo ako Huwag kang mag-aalala sasamahan kita umuwi sa ating Palasyo. Uwi nalang tayo sasamahan kita sa lahat ng pagsubok mo. " Mahinahon na wika ni Kuya
Patuloy lang ako sa pagsigaw
" Hayaan mong maganap ang pagsubok, Ako na ang bahala sakanila. Sisiguradohin kong pagsisihan nila ang lahat ng kanilang ginawa." Walang Emosyon wika ni Kuya
" Ryxiel! Mahal ko! Bakit mo ako Iniwan? papatayin ko silang lahat! AAAAAAAAHhh! Mahal ko! Bumalik ka! Hindi ko kaya! Ngayon lang ako umibig bakit Iniwan mo ako? AAAAAAAAHhh! Bumalik ka mahal ko." Galit na galit na sigaw ko
Unti-unting naging itim ang buhok ko. Pati damit ko naging purong itim huminto ang malakas na Hangin huminto din ako sa pagsigaw. Tumigil ako sa pag-iyak.
Walang Emosyon tumitig sa mukha ng Asawa ko. Hinaplos ko ang pisngi niya pababa sa kanyang dibdib. Nagliwanag ang kamay ko naging berde ang kulay ng liwanag na nagmumula sa kamay ko pumapasok iyon sa dibdib ni Ryxiel unti-unting naghilom ang sugat sa kanyang dibdib. Unti-unting bumalik ang dugong nawala sa binata hanggang sa tuloyan siyang huminga ng malalim
Agad ako tumayo! Nilapitan ako ni Kuya hinawakan ako sa kamay
Nagsalita ako
" Pinapatawad ko kayo sa lahat ng kasalanan nagawa nyo. Simula ngayon hindi nyo na kami makikita. Ikaw ama ni Ryxiel! Hindi patay ang Asawa mo nagpalayo-layo ang Asawa mo nasa isla siya Napapaligiran ng Tubig. " Mahinahon na wika ko
" Hindi ka tuloyan naging masama. May gintong buhok pa sa dulo ng buhok mo. " Masaya na wika ni Kuya
Napatingin ako kay Kuya nagsalita ako
" Kuya! Unti-unting nawawala ang alaala ko! Kuya ayaw ko maging masama. Uwi na tayo! Uwi na tayo! Kuya unti-unting nawawala ang kapangyarihan nila kasabay ng pagkawala ng alaala ko. Kuya huwag mo ako pababayaan. Kuya natatakot ako." Umiiyak na pakiusap ko
" Sweetheart! Sweetheart! Saan ka pupunta?" Tanong no Ryxiel
Napalingon ako kay Ryxiel ngunit unti-unting nanlalabo ang paningin ko. Pilit kong nilalaban ang bumabalot na Kasamaan sa pagkatao ko. Ngunit para bang unti-unti akong binabalot ng maitim na usok
May kasamang itong malakas na hangin.
" Wala na! Tuloyan nang naganap ang sumpa sa kapatid ko. Princess nakalimutan ko paano ako Makakalapit sayo. Takot ako sa pangit na nilalang. Ayaw ko pang mamatay. " Huling wika ni Kuya bago ako tuloyan lamunin ng malakas na usok na kulay itim