Kabanata 1- Artista

2322 Words
"...and cut—!" napatayo sa tuwa'ng reaksyon ni derik ng makontento sa scene na kinunan niya. "Wow, you did great Cara Laureen.Just rest for a while and we will finish our last shoot!" aniya sabay palakpak sa harapan ko. We were on taping para sa last shooting movie kung saan ako ang bida. Ang pagiging artista ay isang uri ng trabaho na napaka challenging, pero kung mahal mo ang ginagawa mo walang hindi kakayanin. "Salamat derik."nakangiting sinabi ko dito at dumeretso na sa table para magpahinga. Lalo akong nangiti ng abutan ako ni Rina ng malamig na tubig sa isang mineral. My personal assistant na sobrang sweet at maalaga. "Salamat Rina." I said and smile at her. "Walang anuman Miss Cara.."she replied politely at pinunasan ang aking mukha na may marka na ng pawis. She's working for me for almost six years.Hindi na rin iba ang turingan namin sa isa't isa.I found a friend in her. Kaibigan na alam ko'ng nariyan sa lahat ng oras. I was an actress and at the same time modelo rin. Hindi ko masasabing sikat na ako ngunit kahit papano ay matunog na rin sa bansa ang pangalan ko. Isa ako ngayon sa mga artistang namamayagpag sa larangan sa mundo ng showbizness.Nakakataba ng puso dahil hindi ko akalain na isa ako sa mga artistang pinipilahan ang movies sa sinehan. "Ay,s'yanga pala Miss C, tumawag nga pala ang Tami, niyo. Pinapasabi na pagkatapos daw po ng shooting,deretso daw po kayo sa bahay niya.May importanteng sasabihin daw po." she told me habang inaayos ang hairdo ko. Beinte sais na ako at siya naman ay beinte tres.She's like a little sister to me.Siya ang tipo ng tao na masayang kasama at positibo ang pananaw sa buhay. "Oh.. that lady, ang hilig talagang mag-utos.Pwede naman siyang mag-iwan ng mensahe sa phone ko ah.." Napapailing ko'ng sagot sa kanya.Dumukwang ako sa foldable plastic table na nasa aking harapan at kinuha ang isang sandwich na may palamang peanut butter.Hindi pa kase ako nag-aagahan ng dumiretso kami dito ni Rina,sa shooting site kaninang mga alas singko. Mag aalas-nueve na ng umaga at ramdam ko na ang gutom. "Kumain ka na?"I asked her ng hindi ko pa nabubuksan ang kinuha ko'ng sandwich. "Oo miss habang nagta-taping po kayo lumapang na po ako.Dami ko nga nakain eh. "maluwag ang ngiting sagot niya at napahawak pa sa kaniyang tiyan. Tinanguan ko ito at nagsimula na ring kumain. "Si Tami talaga," sabi ko ng muling maalala ang tungkol sa pagtawag ni Tami sa kaniya. By the way.Tami, is my tita at siya ang nasa likod ng lahat ng aking tinatamasang tagumpay ngayon.Siya ang tumulong sa akin noong mga panahong lugmok ako at walang masandalan sa mga nangyari sa aking buhay. "Hayaan niyo na po Miss, alam niyo naman si Tami, masyado po kayong mahal at ayaw niyang hindi kayo nakikita kahit na isang araw lang.Napaka swerte niyo nga po at siya ang naging tita niyo. Dahil pinaparamdam niya sa inyo na mahal niya kayo kahit hindi kayo nanggaling sa kanya." Ramdam ko ang lambong sa boses niya.Sa anim na taon naming magkasama ni Rina,napag-alaman ko na wala siyang magulang dahil baby pa lamang siya noon ng ay inabandona siya ng mga ito.Kwento niya ay isang taong gulang pa lamang siya ng iniwan siya sa kanyang mga magulang sa kanilang kapitbahay na mayroong malasakit sa kaniya.Ngunit sa kasamaang palad ay pumanaw na ang mga taong kinagisnan niyang pamilya. Why are some people are so heartless and self centered? Kahit pa sarili nilang dugo ay nakaya nilang iwan. May kanya- kanya tayong nararanasang pagsubok sa buhay at iba-iba tayo ng dahilan para labanan ito.Minsan bumabangon tayo para ipakita sa mga taong nanakit sa atin na kaya nating tumayo ng wala sila.Minsan din bumabangon tayo para ipaghiganti ang mga masasakit na alaalang dinanas natin mula sa kanila. Kanya-kanya tayo ng dahilan kung bakit tayo nabubuhay at lumalaban sa hamon ng mundo. Si Rina, kahit na iniwan siya ng kanyang totoong pamilya ay lumaki siyang malakas at matatag para sa sarili niya sa tulong ng mga taong may puso at nagmamalasakit sa kaniya. Ako naman bumangon mula sa mapait na karanasan mula sa lipunan na walang ginawa kundi ang saktan ang tulad kong kakaiba sa paningin nila.Bumangon ako dahil gusto kong patunayan sa kanila na hindi na nila ulit ako mahuhusgahan.. na kaya ko na silang labanan sa lahat ng sakit na aking naranasan. Binalot ng poot at galit ang aking puso para sa mga taong mapagpanakit ng damdamin. Mga taong tinuring akong halimaw.Mga taong sinaktan ako hindi lang sa damdamin kundi pati na rin sa pisikal.Hindi madaling mamumuhay ng normal kong ang tingin sayo ng marami ay hindi normal. "Miss Cara, Miss Cara,magsisimula na po ang last shoot niyo.Ayos lang po ba kayo?" napakurap ako ng maraming beses ng makitang winawagayway ni Rina,ang kanyang kamay sa aking harapan. Malalim na pala ang aking iniisip. "A-ah,I'm sorry.." mabilis akong tumayo at muling nilapag sa table ang hindi ko pa nabubuksang sandwich para pumunta na sa kinatatayuan ni derik at iba ko pang mga ka esksena sa pelikula.Mukhang napalalim nga ang isip ko dahil halos lahat ng mga atensyon nila ay sa akin. Binalewala ko iyon. "Miss, kaya niyo po yan galingan niyo.Alam ko na magiging patok naman ito sa mga manonood,keri niyo yan." Rina cheered me. Kaya nginitian ko ito. Biglang nawala ang mga isiping bumabagabag sa isip ko. Handa na ulit ako'ng umarte at saglot na kalimutan ang mga alaala'ng palaging bumabalik. I told Rina, about my past.Tungkol sa lahat ng nangyari sa buhay ko at kung bakit ako nasa ibang anyo na ngayon. "Thank you Rina. " I said with sencerity. Simula ng takasan ko ang bangungot ng aking nakaraan ay niyakap ko na ang bagong anyo na aking naging sandata na harapin ang mga bagay na hindi ko dati nagawa.I was ugly before at sabi nga nila isa akong halimaw at kung ano pang masasakit na salita ang aking naririnig mula sa mapanghusgang lipunan. But with the help of Tami,nagkaroon ako ng kompiyansa sa aking sarili.Naging matapang ako sa tulong niya.Tinulungan niya ako. She is a Plastic Surgeon in Japan at siya ang gumawa ng mukha ko kung saan malayo sa dating ako. Pinatay ko na ang dating Bella na kilala ng mga tao bilang isang halimaw at binuhay ko naman ang isang Cara na ngayon ay hinahangaan nila. Malayo ako sa dating ako,tawagin na natin na total make over ang nangyari sa akin. May kanya-kanya tayong dahilan kung bakit natin ginagawa ang isang bagay.Pero as long as wala kang ina-agrabyadong kapwa,gawin mo kung ano ang nais at gusto mo para sa sarili mo.Kase sa huli,sarili mo pa rin ang tutulong sayo hindi ibang tao. Masaya ako sa pagbabago ng anyo ko. Alam mo yung pakiramadam na malaya kang gawin lahat ng nais mo ng walang nanlalait, humuhusga at nananakit sayo?para akong isang ibon na naging malaya mula sa pagkakulong sa loob ng mahabang panahon sa isang maliit na hawla kasama ang mga mababangis na hayop na walang ginawa kundi saktan ako't durugin, at iba ay tinutuka pa ako ng pino. Masarap sa pakiramdam na alam mo sa sarili mo na kaya mo ng makipagsabayan sa mga taong dati ay sinasaktan ka lang. Walong taon na ang nakalipas simula ng takasan ko ang mga taong nanakit at dumurog sa akin. Wala na rin akong balita sa kanila lalo na sa kanya. Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung kumusta na kaya siya? Masaya na ba siya sa buhay niya ngayon kasama ang totoong mahal niya? Pagkatapos ko'ng magpa surgery sa Japan,ay bumalik ako ng Pilipinas,makalipas ang isang taon at pinasok ko ang mundo ng showbiz.Hndi ko masasabi na sikat na ako sa propisyon ko ngayon. Basta ang alam ko lang ay marami na akong nagagawang movies at teleserye at lahat ng iyon ay pumatok naman sa puso ng mga tao. Isa iyon sa pinaka malaki at pinaka nakaka proud na achievements para sa akin. Yes! proud ako sa sarili ko, sino pa ba ang mag-aangat sa atin kundi tayo lang din hindi ba?Walang success sa mundo na nagsisimula sa ibang tao dahil lahat ng success natin ay sa sarili natin unang nagsisimula. After my last taping ay bumyahe na agad kami ni Rina, sa bahay ni Tami. Tami is short for Tita mommy.Nilisan ni Tami,ang Japan at dito na rin siya nagtayo ng kanyang clinic sa Pilipinas, saan marami parin s'yang mga kleyente na karamihan ay kapwa ko artista. Ang iba ay mga kilalang tao sa lipunan. Tami is a good Plastic Surgeon and I can proved that, marami rin ang humahanga sa kanya. After an hour of driving ay narating na namin ang kanyang bahay dito sa Quezon City, she lives in a subdivision kung saan puro mayayaman ang mga nakatira. Tami is a successful woman,kahit hindi siya magtrabaho ay marami na siyang pera at may mga naipundar nari'ng mga negosyo.Nag- iisa lamang siya sa buhay dahil wala itong asawa at anak. She is an old maid. Iwan ko ba,maganda naman siya, marami ri'ng manliligaw pero walang pumasa.Ang laging sinasabi ay kuntento na daw siya sa buhay niya. She has a big house. Sa labas palang ng kanyang bahay ay tanaw mo na ang kabuuan nito, lalo na ang loob.Her house is made of glass window design.Sa intrada naman ay napakaraming mga naggagandahang mga orkidyas na galing pa yatang Singapore,hilig n'ya kase ang mag-alaga ng mga bulaklak,kaya siguro hindi na nag asawa.Sabi daw kase ng mga matatanda ,kapag mahilig raw ang isang baabe sa bulaklak at ito ay dalaga pa ay hindi na daw ito magkaka asawa. Nakakatawa man ang kasabihang iyon pero mukhang nag e-exist siya. At isa si Tami,sa matibay na ebidensiya. "Tami ,I'm here, where are you?" I screamed ng nakapasok na kami ni Rina, sa kaniyang sala na halos mapuno naman ng maraming nakadisplay na mga litrato. Halos sa laha tng sulok ng bahay niya ay may mga malalaking frame at karamhian sa mga naka pluster sa mga frame na iyon ay ang aking mukha. Tami made my face perfect and beautiful. Sobra akong nagpapasalamat sa kanya. "Barbie girl,ikaw na ba yan? "I heard her voice frpm behind. Lumingon ako at nakita ko itong palabas ng library niya. Oh, she's so pretty talaga. Isa siyang Surgeon pero natural at wala siyang binago sa kanyang etsura.Nakakainggit isipin na orihinal ang lahat kay Tita, samantalang ako hindi totoo ang mukha. Kasalanan man sa itaas ang aking ginawa ngunit alam ko naman na mauunawaan din ako ng poon kung bakit ko iyon ginawa. "Yes Tami, we're here. " I smiled and answered. Lumapit ito sa amin.Nauna naman itong sinalubong ni Rina. "Hello tita Loisa,the beautiful PA here." bumeso ito sa kaniya. "Hello hija. "aniya at sinuklian ang halik Rina sa kaniya. "Barbie.. "Bumaling ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. It's seemed na may dinadala ito. I know her.Kumalas ako sa aming yakap. "What is the important thing you want us to talk? " hindi na ako nagpaliguy- ligoy pa. Nagpakawala ito ng malalim at mabigat na buntong hininga bago nagsimulang mag-kwento. "I have a new client.She want's to enhance her boobs and boot at ginawa ko. After two months her fianceè,came to my clinic and complain na.. kung hindi daw dahil sa akin ay hindi namatay ang kaniyang mapapangasawa. Maganda ang gawa ko sa kanya Cara. Kaya nagtaka ako ng malaman ko'ng namatay siya. Matagal na ako sa trabaho ko'ng ito at kahit kailan hindi pa ako nagkakamali.She's in good condition ng isailalim ko siya sa operasyon.Kaya nagtataka ako kung bakit ganun ang nangyari. Pagku-kwento nito. I know that she's a good surgeon dahil sa loob ng mahabang panahon niya sa kanyang propisyon ni minsan hindi pa siya pumalpak. "I believe in you Tami,baka may ibang sakit lang ang pasyente mo kaya siya namatay. "depensa ko sa kaniya. "I don't know barbie,kanina may pumuntang police dito sa bahay at nagreklamo nga ang fianceè ng pasyente ko.Bukas na bukas daw ay kailangang dumulog ako sa presinto.Maghaharap-harap daw kami ng complainant." she said like crying. Napatigagal naman ako ngunit kaagad din nakabawi. "We'll go then.Patunayan natin na wala ka'ng kasalanan. "malakas ang loob ko'ng sagot sa kanya."Don't be scared Tami, you are one of the most trusted and most awarded surgeon in Japan at maging dito sa Pilipinas,alam ko'ng hindi ikaw ang pumatay sa cliyente mo. "Bakit,may binigay na ba silang ebidensya na ikaw ang may kasalanan sa pagkamatay ng cliyente mo? "sabi ko. Umiling ito. "Wala pero, kinakabahan lang kase ako barbie, lalo na sa fianceè, niya.Parang gusto akong patayin kanina." Bumaling ako kay Rina, na ngayon ay hinahagod ang likod ni Tami. ' Wag po kayong mag-alala Tita, naniniwala po kami ni Miss sa inyo.Baka naman may ibang rason kung bakit na tsugi yong cliyente niyo. Pwede rin naman na nasubrahan sa kain ng fats kaya na highb-—" I give Rina, a stop look. Mabilis din naman itong nagtikom ng bibig. I know na gusto niya lang patawanin si tita, pero sa ganitong usapin ay mukhang mahirap mapatawa ang isa. "Wala siyang karapatang pagbintangan ka ng wala pa naman pala siyang ebidensiya." Sino ba ang taong iyon at ang lakas ng loob niyang mambintang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD