Shy (POV) Pagkagising ko ay agad akong nag damit, kinapa ko ang noo ng pasyente ko na tulog pa. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala na siyang lagnat. Tama nga ang sinabi ni Lolo mas mabilis daw gumaling ang mga lagnat kung ipakain ang dahilan ng pag kakaroon niya ng lagnat. Aalis na sana ako sa kama nang hinila ako ni Tanders pahiga ulit. "Kailangan ko nang umalis, baka katokin ako ni Lolo sa kwarto ko." Sambit ko na bumangon sa kama at naka upo na. "Madulas ang sanga ng punong mangga, umulan ng malakas kagabi at parang umaambon pa. Baka mahulog ka, wala na akong magandang nurse." Napasalubong ng kilay ko na tumingin sa kanya. "Niloloko mo ba ako?" "No may diwata, ikaw ang pinakamagandang babae na nakatabi ko sa kama. Kahit magulo ang buhok mo at may tuyong laway ka pa sa gilid ng la

