- UNANG HALIK -
KUMALAT sa buong campus 'yung ginawa kong pagyakap kay Eisen sa gitna ng crowd. Lalo pa akong inaasar at pinapasaringan ni Lara the papaya. Pero hindi ko nalang sila inintindi pa. Kaya lang sila Mommy at Daddy ay kinukulit ako about sa pictures na hawak nila. Paano ba naman may mga pictures sila noong niyakap ko si Eisen. Pati 'yung holding hands thingy while walking papuntang restroom.
"Oy! Sam, where are you?" pumitik sa hangin si Claire kaya napatingin ako sa kanya.
"Oh, why?" sagot ko.
"Kanina pa kami nagtatanong dito. Tulaley ka naman." reklamo naman ni Rhea.
"Sam, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Marie Ann.
"Yeah, I'm okay. Ano nga ulit tanong ninyo?" tanong ko sa kanila dahil lumipad papuntang jupiter ang aking isip at kambal diwa.
"Anong real score sa inyong dalawa?" in chorus na tanong nilang tatlo sabay turo sa katabi ko, si Eisen.
Kailangan bang sabay-sabay silang magsalita? Teka lang, real score? Ano 'yun? Game na may score?
Wala kaming Professor ngayon kaya naman nandito na naman sila at nanggugulo s***h nangungulit na naman sa akin. Dahil sa napalakas 'yung sinabi nila ay napatingin tuloy sa amin 'yung mga nasa kabilang upuan.
Kailangan magkakasabay silang magsalita? And take note, pasigaw pa! Naku naman, oh!
"Grabe, kailangan in chorus?" I glare to them then I crossed my arms.
"Waaah! Ang taray ng lola ninyo." malakas na sabi ni Rhea.
"Hahaha." tawa naman ng dalawa.
"Ano na?" inip na inip na sabi ni Claire.
"Saan ba?" patay malisya kong tanong.
Daig ko pa ang nasa 'Lie detector test' pati ng nasa husgado kung makatanong ang tatlong ito.
"Real score nga sa inyo ni EJ." halatang hindi na kaya pang magpasensiya pa at hindi na makapaghintay sa sagot ko.
"One." matipid kong sagot.
"One?" patanong na sabi ni Rhea.
"As in one score?" tanong din ni Claire.
"One o on na kayo?" tanong naman ni Marie Ann na parang naninigurado pa.
"One lang score, as in walang score. Hindi ako referee or judge para magbigay ng score." sagot ko na seryoso talaga.
"Ngak!" react ni Rhea.
"Wew." napangiwi naman si Marie Ann.
"Hahaha. Tatawa na ba kami? Joke ba 'yon?" sarkastikong tanong ni Claire.
Biglang dumating 'yung Professor namin, kaya nagsibalikan na sila sa mga upuan nila.
Save by the Professor. Mabuti naman hindi na nila ako makukulit pa. Haaaay.
Akala ko hindi na nila ako kukulitin pero nagkakamali pala ako.
Tama talaga 'yung kasabihang 'Maraming namamatay sa maling akala.' Araw-araw talaga kinukulit nila ako na umamin kung may relasyon ba kami? Kung nililigawan na ba ako? Kung crush ko daw ba? o kung crush ba ako ni Eisen? S'yempre wala akong maisagot sa kanila, kasi kahit friends lang. Wala.
"Anong o-orderin ninyo?" tanong ni Rhea habang papunta kaming Cafeteria.
"Ako? pasta." sagot ni Marie Ann.
"Diet ako ngayon. Sandwich lang." sagot naman ni Claire.
Now it's my turn, ano kaya? Hmmm.
"Ako, kahit ano." sagot ko na nakangiti pa.
"Mayroon bang kahit ano sa cafeteria?" pilosopong tanong ni Rhea.
"Oo mayroon." paninindigan ko na mayroon talagang ganoon.
"Weh?" natatawa pang react ni Clare.
"Ano naman 'yun, aber?" kunot noo na tanong Rhea.
"Kahit ano, basta pagkain. S'yempre dapat 'yung luto. Ayokong kumain ng hilaw, no!" nangingiting sabi ko sa kanila.
Hindi mawari ang mga itsura ng mga kaibigan ko sa sagot kong 'yon. Kung matatawa ba sila o maaasar sa akin. Tapos bigla na lang silang naglakad ng mabilis.
May mali ba sa sinabi ko? Wala naman, ah! hmmm.
Napansin ko na tumawa sila.
Nasa harap na kami at umo-order ng pagkain. Takam na takam na talaga ako sa mga pagkain na pinagsisiyestahan ng aking dalawang mata.
Kwek kwek! Mayroong kwek kwek! Gustong-gusto ko ito kahit ayaw akong pakainin niyan nila Mommy at Daddy. Kasi raw ma-cholesterol tapos baka hindi daw malinis ang pagkakagawa at pagkakaluto. Pero dahil nasa school ako, tiyak na malinis ang pagkakagawa ng kwek kwek. At isa pa, isang beses ko pa lang ito natitikman. Noong kasama ko pa si Kuya Shin sa court. Foodtrip ako noon. Hehe.
"Ano ba! Stupid jologs." sigaw ng isang tao.
Napatingin kami ng mga kaibigan ko sa pinanggalingan ng sigaw na 'yon. Napa-rolled eyes nalang ako nang makilala ko kung sino 'yung taong agaw atensyon ngayon.
Psh! whatever! Mapaos ka sana.
"So-sorry, hindi ko sinasadya." sabi ng isang tao.
Siguro siya 'yung sinisigawan non. Anong pakialam ko naman. hmp!
"Di ba si EJ 'yun?" dinig ko ang sinabi ni Marie Ann kaya napatingin ulit ako doon.
Actually hindi ko nakita kung may kaaway ba o ano, dahil 2 seconds ko lang siya tiningnan.
"Yup, siya nga!" magkasabay na sagot nila Rhea at Claire.
Huh? hu-wait parang....parang si... ano nga, oh ow! Eisen!
Nanlaki ang mga mata ko nang makita at makilala ko na si Eisen nga talaga 'yon.
"Hahahahaha."
"Stupid!"
"Loser!"
"Nerd jologs!"
"Promdi!"
Para na akong tubig sa isang takure na malapit ng kumulo. Dahil pinagkakaisahan at inaapi na naman nila si Eisen.
"Wait girls, may gagawin lang ako. Eisen need my help." paalam ko sa kanilang tatlo at naglakad na ako palapit kay Eisen.
"Kung wala kang magawa sa buhay mo magbigti ka na! Loser!" sabi ng taong gumagawa ng eksena dito.
"Hahahaha!"
"Loser! Pangit mo kasi. Hahaha!"
"Walang papatol sa katulad mong promdi!"
"Hahahaha kawawang nerd jologs!"
Parang hindi na ako tubig sa takure, nag-evolve na yata ako into magma na malapit ng sumabog na parang bulkan!
Aba! aba! ang sasama naman ng mga taong ito, ah! Tama bang apihin at pagsabihan ng ganoon si Eisen? Sumosobra naman yata sila. Nag-sorry na nga si Eisen tapos gaganunin pa nila. Argch! Galit ako sa mga taong nang-aapi ng kapwa at isa pa ayokong nakakakitang may tinatapakan na tao. Lalo na kung ganito ang mga galawan. Geez!
Nakita kong bubuhusan ng softdrinks na purong yelo si Eisen. Tamang-tama nandoon na ako kaya tinabig ko ito para hindi matapunan si Eisen.
"s**t! ano ba!" angal niya na mala megaphone sa lakas ng boses.
"Opss! Akala ko may puno ng papaya dito na kailangan ng madiligan ngayon." mapang-asar na sabi ko.
"What!" she said.
"Look! May dalawang bunga na agad ang puno ng papaya. See, kailangan lang madiligan." mapang-asar na sabi ko pa sabay tingin sa blouse niya na basang-basa na. Kaya naman bakat na bakat na.
Napatakip ng katawan si Lara the papaya. Sabay disappear este sabay takbo palabas ng cafeteria.
"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Eisen.
"Ah, eh, oo." sabi niya.
"Flat!"
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang dalawang julalay s***h alipores ni Lara the papaya.
"Describing yourself?" nagulat ako ng lumabas ang katagang 'yon sa bibig ko. Tulad ng ginawa ni Lara the papaya ay umalis din 'yung dalawa.
Kung maka-flat naman 'yung mga babaeng 'yon, naku! Kung alam lang nila.
"Miss, bakit mo ba pinag-aaksayan ng panahon ang walang kuwenta na lalaking 'yan? Nandito naman ako, guwapo na mayaman pa." mahangin na sabi ni Raven na bigla nalang um-appear sa harap ko.
"So.." hindi ko siya tiningnan dahil nakatingin na ako kay Eisen.
"Master snob ka rin. Wala ka rin pala, eh." kantiyaw ng kasama niya.
"Haha. Pareho nung Cav ba 'yon? Deadma ang kaguwapuhan. Hahaha." sabi naman nung isa.
"Shut up!" sigaw ni Raven kaya hindi na nagsalita 'yung dalawa.
"Hayaan mo na 'yan Eisen, papalinis nalang natin 'yan." sabi ko kay Eisen habang pinipigilan siyang huwag ng galawin 'yung mga nagkalat na pagkain.
Hindi ko alam kung sa kanya ba 'yon o kay Lara the papaya 'yon.
"Talagang sinusubukan mo ako, ha!" bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.
Si Raven ang dakilang Casanova, ang taong biglang humawak ng braso ko.
"Oh, really? Hindi kita binigyan ng kahit anong pagsusulit para subukan ka! Kung puwede, bitawan mo ako. Nakikita mo namang may kasama ako." mariin kong sabi habang nakatitig sa kanya ng matalim.
"Bakit? Siya ba? Eh, loser na jologs naman 'yan!" binitawan niya ang braso ko at tinulak ng malakas si Eisen na napaupo sa sahig sa lakas ng pagkakatulak ni Raven.
"Bakit mo ginawa 'yun, ha? Anong karapatan mong itulak siya ng ganoon? Wala naman siyang ginagawang masama sayo, ha? Ha!" nanggigilaiting sabi ko.
Marami ng nakapaligid sa amin kaya may free scene 'yung mga etchosero at tsimosang nakapaligid sa amin. Nakita ko 'yung mga friends kong naguguluhan at parang hindi nagsisink-in sa kanila 'yung mga nangyayari. Si Cav napansin kong nakatingin sa akin or baka guni-guni ko lang.
Assuming ko naman.
"Dapat lang 'yan sa kanya! Akala mo kung sinong guwapo. Psh!" sabi ni Raven nang tapunan ng tingin si Eisen. "Bakit mo ba siya pinagtatanggol? Ano mo ba siya?" malakas na tanong ni Raven.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang kuwelyo niya at inilapit ang mukha ko sa kanya.
"The next time you do that again. I'll kick you!" pagbabanta ko then I look to his lips. Then inilapit ko pa ang mukha ko. Parang na istatwa siya o na bato dahil sa ginawa ko.
I can feel his breath.
Unti-unti akong lumapit pa sa kanya at malapit ko na siyang mahalikan. Pero tumigil ako sa paglapit sa kanya tapos binatawan ko na ang kuwelyo niya.
"Makarinig pa ako ng hindi magandang salita laban sa Boyfriend ko, humanda ka talaga!" hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon.
Oops.. What did I say? Boyfriend ko? But who? Wala naman akong Boyfriend. Whattasyete!
"Boyfriend?!" malakas na sabi ni Raven habang pulang-pula ang mukha at ang magkabilang tainga.
'Yung mga nasa paligid parang nakakita ng multo dahil nanlaki talaga ang mga mata nila.
"Yeah! Girlfriend ako ni Eisen. So stop bullying my Boyfriend." sabi ko sabay lapit kay Eisen.
Buti nandito pa siya akala ko umalis na.
Hindi makapaniwala sa nangyayari si Eisen.
"Hahahahaha! Akala mo ba maloloko mo ako, ha? Boyfriend mo? Hahaha, isang malaking imposible!" mariin na sabi ni Raven.
No choice, kailangan kong gawin 'yon para maniwala siya.
Humarap ako kay Eisen at tiningnan siya sa mata.
"Sorry Eisen, sana mapatawad mo ako." mahinang sabi ko at alam kong narinig niya 'yon.
Humarap ako kay Raven. "See the proof." matipid kong sabi at humarap muli ako kay Eisen.
Hinawakan ko siya sa mukha gamit ang magkabilang kamay ko. Matangkad kasi siya sa akin. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Then I close my eyes. The next thing I know is.. My lips and his lips met.
My first kiss is gone. Wala na, wala na waaah!