Maingat na nilandas ni Stella ang mahabang pasilyo ng palasyo na kung saan tinatahak niya ang patungo sa kinaroroonan ni Prinsesa Rebeka. Nananabik na siya makita itong muli. Suot ang itim na kapa ay maingat na kinubli niya ang sarili gaya ng kasuotan ng mga babaeng bantay ng palasyo at ng mga tagasilbi. Bitbit niya ang isang lalagyan na may pagkain para sa prinsesa. Agad na binuksan niya ang malapad at mataas na pintuan ng kwarto ng prinsesa. Nanuot sa kanyang ilong ang pamilyar na amoy niyun mula sa prinsesa. Nabalot ng kalungkutan at awa si Stella ng makita ang prinsesa. Napahigpit ang hawak niya sa lalagyan ng pagkain. Napakalaki ng pinagbago ng anyo ng prinsesa. Nangayayat ito at tila bang wala ito sa sarili habang nakatitig sa kawalan. Tahimik na nakaupo sa harapan ng maluwang na

