"Anong sinabi mo?" bulalas ni Prinsesa Roisa na natanggap na balita mula sa isang bampira na tauhan niya. "Isang babaylan na nakakilala sa isa sa tatlong kambal," anang ng babaeng utusan niya. Napangisi siya sa magandang balitang iyun mukhang makakamit na niya ang inaasam na makita ang isa sa mga kambal o mas makakabuti kung ang tatlo kambal ang matunton niya. "Sige,matyagan niyo ang babaylan na yun at gusto ko dalhin niyo siya sakin sa oras na makakuha kayo ng pagkakataon na makuha niyo siya,"aniya . "Opo,masusunod,mahal na prinsesa!" agad nitong talima. Malapit na. Malapit na magtagpo ang landas nilang apat. "Nasa silid mo na ang hapunan mo," anang ni Fellie. Lalo siya naexcite sa sinabi nito. Isang kawawang lalaki na naman ang magbubuwis ng buhay para sa sariwang dugo. "Salamat,

