"Ayaw ko talaga pumapatol sa mga babae," naiiling na saad ng kakambal niyang si Aquill. Alerto ito habang pinakikiramdaman nila dalawa ang magiging kilos ng tatlong babaeng bampira. Madilim na ang paligid. "Paano nila tayo nasundan?"usal niya. " Mukhang isang batalyon na ang alipores na pinakalat ng tiyahin natin sakim,"tiimbagang na tugon ng kakambal niya. "Bakit hindi na lang kayo sumama samin?" pukaw sa kanila ng isang babaeng bampira. "Well,babe..sorry,kung sa ibang pagkakataon at hindi ka bampira sasama ako sayo," pagkapilyo uyam ng kakambal niya na kinailing niya. "Bakit hindi na lang kayo sumugod..lady's first para matapos na 'to!" hamon nito sa tatlong bampira. Umangil ang mga ito ng sabay-sabay. Sabay-sabay din nagsisugod ang mga ito. Dalawang bampira babae ang sumugod s

