"P-parang awa niyo na mahal na prinsesa! Hindi na mauulit!"pagmamakaawa ng matandang manghuhula. Agad niya itong sinundan pagkaalis nito ng palasyo. "Masyado kang maraming nasasabi! Nagawa mo pa kaming gambalain dahil lang diyan sa walang kwentang pangitain mo!" galit at mapanganib niyang turan rito. Nakaluhod ang pobreng manghuhula sa harapan niya. Nagmamakaawa para sa buhay nito. "Hindi kailanman mangyayari ang pangitain yang nakita mo,tanda! Hindi ako papayag na mangyari yun kahit kailan!" Aniya sabay kumpas niya sa hawak na patalim. Gawa iyun sa silver at tinarak niya iyun sa tapat ng puso nito. "Mas mainam kung mananatili tahimik ka lang habam-buhay," nakangisi niyang saad. "Hindi na nakabalik ang mga inutusan kong puntahan ang lugar na pinag-iwanan sa isang kambal?!" bulalas ni

