Wala nang nakatira sa bahay na pinagtirhan ng mag-asawang smith. Ito ang pangatlong pagkakataon na natunton nila ang tirahan ng nakakuha sa kambal nilang si Aquer. Nasa tapat sila ng abandonandong bahay. Lumipad pa sila mula sa pilipinas para puntahan ang lugar na ito sa North America. "Wala na naman tayo naabutan..pakiramdam ko pinagtataguan tayo ni Kambal.." si Aquill. Bumuga siya ng hangin. "Mahahanap din natin siya," aniya sabay tapik sa balikat nito. "Kung hindi lang dahil sa pagiging positibo mong mag-isip mawawalan na ko ng pag-asa na mahahanap pa natin si Aquer.." matapat nitong saad. "Ang pagkakabuo ng pamilya natin ang nakasalalay dito kaya hindi tayo dapat sumuko,kambal natin siya nararamdaman natin pareho na makikita natin siya," aniya sa positibong pag-iisip. Ngumiti ito

