ONE

549 Words
"Mahal na mahal ko kayo aking mga anak!" lumuluhang saad ng isang babae. Hindi niya masilayan ang tunay na itsura nito dahil malabo iyun. Ngunit ramdam niya ang pagmamahal at lungkot sa maganda nitong boses. Isang napakalambing na boses. "Mahal na mahal kita,Aquilles.." Napamulat ng mga mata si Aquilles mula sa panaginip na iyun. Maraming beses na yun paulit-ulit na dumadalaw sa kanyang pagtulog. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Sumulyap sya sa digital clock na nasa side table ng king-sized bed niya. Pasado ala una pa lamang ng madaling araw. Bumangon siya para kumuha ng maiinom. Bilang isang bampira na namumuhay sa mundo ng mga tao nasanay na siya gumalaw at kumilos na parang isang tao na din. Iba man siya kumpara sa mga ito hindi niya ginagamit ang ibang katauhan niya kasi ayaw niya na katakutan siya. Napadpad siya sa mundo ng tao dahil sa isang pangyayari na tangi lamang si Stella ang nakakaalam ng lahat at ito na rin ang tinuturing niyang ina. May isang bagay siya gusto gawin. Iyun ay ang mahanap ang dalawa niyang kambal na sin Aquill at Aquer. Ayon kay Stella,nandito din sa mundo ng mga tao ang dalawa niya kambal. Nagkahiwa-hiwalay sila dahil kinakailangan gawin ni Stella upang iligtas sila at siya nga ay tangi naiwan kay Stella. Ang alalay ng kanyang ina na isa pa lang Prinsesa sa totoo nilang mundo. Ayaw muna niyang isipin kung ano ba taLaga ang nangyari dahil wala siya ibang iniisip kundi matagpuan ang dalawa at sa oras na magtagpo-tagpo sila saka nila aalamin ang lahat ng magkakasama. "Good morning,Boss!" pagbati sa kanya ng kanyang agent na si Elson. Nagtatrabaho siya bilang isang Agent sa sarili din niyang agency. "Maaga ka ngayon?" sita niya rito. "Well,kailangan boss eh!" anito. Hinarap niya ito pagkaraan niya isa-isahin ang mga folder na nasa ibabaw ng desk niya. "Bakit?" "Eh boss may gusto sana akong irekomenda eh,klasmeyt ko siya ng college gusto ko sana siya ipasok dito.." Nanatili wala siyang reaksyon. Napakamot ito sa batok. "Eh boss,magaling yun! Sa katunayan niyang lagi siya leader noong college namin..pangalawa lang ako sa kanya sa lahat!" may pagmamalaki nitong saad. Humalukipkip siya. "Bakit mo naman siya gusto ipasok dito? Kung magaling siya may mas magandang agency pa siya na pwedeng pasukan kaysa dito?" aniya. Ngumisi ito. "Eh boss! Dito lang kasi sa agency niyo na walang discrimination at hindi mahina ang tingin pagdating sa babaeng agent!" Nangunot ang noo niya. "So,babae pala siya?"duda niya rito dahil gusto talaga nito ipasok ang kaibigan nito. "Boss,mali iniisip niyo ah! Hindi ko siya gusto,takot ako dun noon pa hindi ko papatulan ang amazonang iyun! Nagkataon lang na nagkita kami siguro dahiL kahit papaano may pinagsamahan kami noong college kami kaya gusto siya matulungan sa maliit na bagay gaya nito na ipasok siya rito.." mahabang paliwanag nito sa kanya. He sighed. "Sige. Ibigay mo sakin ang resume at ang records niya.." aniya. "Ah,boss..nandyan na sa desk mo!" nakangisi nitong saad na ito pa mismo ang naghalungkat sa mga folders na natabunan ng iba pang folder. "Pinaghandaan mo talaga ha," aniya. Nginisihan siya nito. "You're the best talaga boss!" Napailing na lang siya. Limitado lang ang kabutihan niya pero alam niyang mahina ang mga tao at gusto niya na maging patas siya sa mga ito. Pisikal at mentalidad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD