THREE

645 Words
Pagpasok pa lamang niya sa opisina ni Aqullies Halpert,ang may-ari ng Triple A Security Agency ay agad na nakaramdam siya ng kaba at ng kakaibang pakiramdam. Nakakaligalig yun. Sa klase ng trabaho na pinapasok niya likas ng malakas ang pakiramdam niya sa lahat ng bahay lalo na kung nasa panganib siya. Pero hindi panganib ang nararamdaman niya ngayon. Isang pakiramdam na hindi niya mapangalanan. Walang daw ito secretary. Hands on daw ito sa lahat ng bagay ayon sa kay Elson. Inilibot niya ang mga mata sa buong paligid. Malinis,maluwag at maaliwalas. Natuon ang mga mata niya sa floor to ceiling wall glass kung saan tanaw ang buong siyudad. "Ms.Aliciano?" Agad siya napapihit sa nagsalitang iyun. Nalingunan niya ang isang lalaki na nakatayo sa may pintuan. Madilim ang aura nito. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Matangkad ang lalaki. Itim na itim ang makapal nitong buhok na maayos ang pagkakagupit. Maputi na maputla ang balat nito. Maganda ang tindig nito tila kayang itumba ang sinuman ang humarang sa dinadaanan nito. Ang nakakuha ng atensyon niya ang madilim at kasingkulay ng gabi ang mga mata nito. Nakakatakot ..Nakakaintimidate ..at nakakamangha. Agad siya natauhan sa bigla niya pagkatulala rito. Tumikhim siya at taas-noo na humarap rito. "Goodmorning,Sir!" pagbati niya rito. Matiim na tumitig sa kanya ang kulay gabi nitong mga mata. Lalo lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Hindi ito ang oras para kabahan siya sa isang ito. Marami na siyang pinagdaanan na mas delikado kaysa sa nakakaintimidate nitong mga mata. Humakbang ito papalapit sa kanya. Sa bawat hakbang nito kahit sino mapapaatras para lamang hindi mapalapit dito. Masyado itong mapanganib! Hindi niya alam kung nalalamigan lang siya sa Aircon o talagang pinanlalamigan na siya dahil sa kaba na ito mismo ang dahilan. Pero pinilit niya maging matatag. Hindi siya aatras. Hindi siya madali matalo ng kahit sino kahit pa ang nakakaligalig na pakiramdam niya na kanina pa niya pilit na binabalewala. Ano bang meron sa lalaking ito at ganun kalakas ang presensya nito? Bukod sa napakagwapo nito nangingibabaw sa anyo nito na hindi ito basta-basta tao lang. May kakaiba rito. Kung anuman iyun hindi siya enteresado na malaman yun. Huminto ito sa harapan niya ilang hakbang ang layo sa kanya. Nilahad nito ang kamay sa harapan niya at sumulyap siya roon. Sa palagay niya kapag nakipagkamay siya rito may mangyayari masama sa kanya. Pero hindi siya duwag kaya niya itong kalabanin. Ano ba pinag-iisip mo,Sanastacia? Boss yan ni Elson ..mabait nga sabi? bigla alingawngaw ng isip niya. Saka siya natauhan sa sinabi iyun ng antribida niyang isip. Inabot niya ang nakalahad pa rin nitong kamay. Lihim siya napasinghap ng maramdaman ang malamig nitong balat. Ang lamig naman ata ng balat nito? Nilalamig din ba ito gaya niya? Heck,what am i thinking now? "It's nice to meet you,Ms.Aleciano.." usal nito. Pati ang boses nito nakakabahala. Lalaking-lalaki ang tono at malalim nakakapangilabot sa pakiramdam. "Same here,Mr.Halpert," kalmante niyang saad. Pasimple niyang binawi ang kamay niya rito. Malamig talaga ang kamay nito. "Please,be seated," alok nito bago ito nagtungo sa likod ng desk nito. Tila Hari itong umupo sa swivel chair nito. "Well,nirekomenda ka sakin ni Elson..at pinagmamalaki  niya ang mga achievements mo noong kolehiyo kayo," simula nito habang mataman na nakatingin sa kanya. Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib bago niya ito sinagot. "Hindi ko alam na sinabi niya ang mga iyun sa inyo,Mr.Halpert..sabi niya malapit kayo sa isa't-isa pero sana matanggap niyo ako if ever na hindi lang dahil kaibigan ako ni Elson..I want to be fair like other na gusto din makapagtrabaho dito,"seryoso niyang saad ng wala ng kyeme-kyeme pa. Lalo tumiim ang mga mata nito sa kanya. Bigla huminto ata ng ilang segundo ang pagtibok ng puso niya ng umangat ang isang sulok ng bibig nito. He grinned like a devil. "You hired,Ms.Aleciano.." usal nito na kinamaang na lang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD