"Sigurado ako may kinalaman dito si Prinsesa Roisa..hindi makakalabas ang mga bampira sa woman land kung hindi dahiL sa portal at siya lamang ang nakakaalam niyun," mariin na saad ni Stella. Muli sila nito nagkita sa opisina niya at pinag-usapan ang tungkol sa natuklasan niya. "Sigurado din ako hinahanap niya tayo..hindi siya papayag na hindi niya mapatay dahil banta tayo sa kanya at ayaw niyang malamang ng Reyna ang katrayduran niya," angil nito. Bakas sa mukha nito ang poot ng galit para sa prinsesa Roisa iyun. "Hindi ko alam kung saan ako magsisimula,Stella..alam mong priority ko lang ang mahanap ang dalawa kong kambal," saad niya. Matiim na tumingin sa kanya si Stella. "Wala kang gagawin. Ang gagawin mo lang ay kundi hanapin ang dalawa mong kambal,Aquilles,ako na bahala sa pagpu

