Agad na nagpaalam muna siya pasamantala sa kambal niya pagkatapos p*****n siya ng tawag ni Sanastacia. Nag-aalala siya. May sakit ito at nahihimigan niya na mahina ito. Pinagamit sa kanya ni Aquill ang kotse nito. Wala naman na trapik kaya ginamit na niya. Agad na inihinto niya ang kotse sa tapat ng bahay ng kasintahan. Natigilan siya sandali ng mahagip ng mga mata niya papaalis na itim na kotse. Hindi na niya iyun pinagtuunan pa ng pansin dahil wala mas importante sa kanya ay ang makita na maayos ang kalagayan ng kasintahan. Nahihimbing na ito ng marating niya ang silid nito. Nakabaluktot ito habang patagilid na nakahiga. Sinapo niya ang nuo nito pero normal naman ang temperatura ng balat nito. Lalo pa ito namaluktot ng dumantay ang malamig niyang balat sa balat nito. Nangingiti na k

