Malakas ang bugso ng ulan na bigla na lamang bumagsak bago pa man sila umalis para ihatid ang dalaga. Lihim sya natutuwa na umulan dahil ang ibig lamang sabihin niyun makakasama niya pa ng matagal ang dalaga. "Biglaan naman ata ang ulan.." usal nito habang nakatanaw sa labas ng sliding door patungo sa Hardin niya. Nakita niya na bahagya ito giniginaw. Agad na hinubad niya ang suot niyang jacket at ipinatong sa balikat nito na kinaigtad ito. "Giniginaw ka," usal niya sa gilid ng ulo nito. "Ahm,nakalimutan kong dalhin ang jacket ko," anito. "Mabuti kung ganun nandito naman ang jacket ko,"anas niya. Ibinaba niya ang kanyang mukha at ibinaon sa leeg nito. Nanigas ang dalaga sa ginawa niya pero hindi ito pumiglas. Pinangahasan niya ipulupot ang kanyang mga braso sa harapan nito. Napaaw

