Chapter 30

901 Words

ANG BIYAHE mula San Vicente patungong Maynila ay parang isang mahabang paglalakbay palabas ng panaginip—o sa kaso ni Allyson, isang bangungot. Limang oras ng walang tigil na pagmamaneho, limang oras ng pakikibaka na hindi mag-isip tungkol sa lalaking iniwan niya sa mga bukiran ng timog. Alas-singko ng umaga nang magsimula siyang mag-maneho. Ang SUV ay puno ng mga gamit niya—dalawang maleta ng mga damit, ilang kahon ng mga personal na gamit, at ang kaniyang lalagyan ng laptop na punong-puno ng mga nakatambak na trabaho. Si Manang Mirna ay umiiyak habang tinutulungan siyang mag-impake. "Señorita, sigurado na po ba kayo?" tanong ng matanda, ang mga mata ay namumula. "Baka po naman pag-usapan niyo pa ni Señorito Dark—" "Wala nang pag-uusapan, Manang," putol ni Allyson, ang boses ay kontrola

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD