NAMALAYAN na lamang ni Allyson ang malambot na dampi ng sikat ng araw na tumatagos sa mga kristal na dingding ng glass house. Ang liwanag ay hindi masakit sa mata; sa halip, ito ay tila isang mainit na yakap na gumigising sa kaniyang diwa mula sa pinakamahapdi ngunit pinakamasarap na panaginip ng kaniyang buhay. Bahagya siyang gumalaw at naramdaman ang bigat ng isang maskuladong braso na nakapulupot sa kaniyang beywang, hinihila siya pabalik sa isang dibdib na tila naging kaniyang kanlungan sa buong magdamag. Ang alaala ng kagabi ay bumalik—ang every touch, every kiss, every whispered word. Instead of feeling regret or shame, she felt... complete. "Good morning, Señorita," pabulong na bati ni Dark, ang boses ay paos pa dahil sa kagigising lang. Lalo niyang hinigpitan ang yakap kay Allys

