Hunyo 16. Anibersaryo ng pagkamatay ni Mamita. Nagising si Allyson sa ganap na alas-sais ng umaga, mabigat ang pakiramdam pero buo ang loob. Today was about Mamita. Only Mamita. Ang mga tanong tungkol kay Dark, ang anonymous text, ang imbestigasyon—lahat ay pwedeng maghintay. Ang araw na ito ay para sa kaniyang lola. Maingat siyang nagbihis—isang simpleng puting bestida, ang paboritong kulay ni Mamita. Isinuot din niya ang mga perlas na hikaw na pagmamay-ari nito. Hinayaan niyang nakalugay ang kaniyang buhok, ang paraang laging gusto ng kaniyang lola. "Napakaganda ninyo," sabi ni Manang Mirna nang bumaba siya, nangingilid na ang mga luha sa mga mata nito. "Kamukha ninyo ang mama ninyo ngayon." "She looked like Mamita," sagot ni Allyson nang mahina. "So I'll take that as a complimen

