THE DRIVE was faster than usual—reckless, even. Wala siyang pakialam. Gusto niya lang makarating kay Allyson. Pagdating niya sa harap ng mansyon, hindi na siya nag-abalang kumatok. Kilala na siya ng mga tauhan doon kaya hinayaan siyang makapasok sa malawak na sala. Ngunit bago pa man niya matawag ang pangalan ng dalaga, napansin niya sa ibabaw nang lamesa ang isang dambuhalang basket ng mga stargazer at white roses at sa tabi nito, ang isang maliit na card. Ang mundo niya ay parang nag-slow motion. Slowly, he approached the table. Binasa niya ang card—hindi niya kailangan, kasi exposed naman iyon, nakabukas. Yours, Duke Suarez Ang galit na kanina ay directed sa ama niya ay biglang nag-shift. Ang selos, ang insecurity na itinago niya kanina ay biglang umabot sa surface. His father's w

