Maagang nagising si Lexie, marahil ay dahil na rin sa excitement na first time niyang makakasama si Ram sa kanyang check-up. Kaya’t heto siya’t alas sais pa lang yata ay dalawang putahe ng almusal na ang naluto niya, hindi pa siya nakuntento at ang pag bi-bake ng kung anong cupcakes naman ang napagdiskitahan niya. “Ma’am? Ito pong mga naunang nagawa niyo saan ho ba ito ilalagay?” Tanong ng kasambahay na si Saska habang hawak ang isang tray ng bagong haing cupcakes mula sa oven. “Sa mesa lang.” Sagot niya, kamot batok na lamang naman na sumunod ito, hindi alam ni Lexie kung ilang batch na ng cupcakes ang naisalang niya. Kasalukuyan siyang nag hahalo ng batter nang may kung sinong bigla na lamang yumakap sa kanya mula sa likod. Alam niyang si Ram iyon kaya’t agad siyang dumampot ng is

