I DON'T HAVE A DIRTY MIND, I JUST HAVE A SEXY IMAGINATION.
“Aba, mukhang tagumpay ang plano mo ah? Anong ganap?”
Tanong agad kay Lexie ng pinsang si Claire na halatang bagong gising, humi-hikab pa kasi ito habang papalapit sa kinaroroonan ng kusina marahil upang kumuha ng tubig na maiinom.
Napa irap naman dito si Lexie saka agad na napa tingin sa orasan na naka sabit sa isang sulok ng pader sa salas.
The clock relayed the time 9:15 am and by then Lexie thought that there is something off.
Hindi ugali ng kanyang pinsan na magising ng ganito ka late.
Lexie was about to ask whatever is going on with Claire and immediately stopped when a man who seemed to be around 40’s walked out of her cousin’s room, he was wearing nothing but a towel draped on the lower part of his body and what she have seen had left Lexie in state of shock.
Mukhang hindi siya napansin ng lalaki dahil agad pa itong napa ngiti nang makita si Claire, ang pinsan niya naman ay nakuha pang itaas ang hawak na baso ng tubig na para bang inaalok nitong uminom ang estrangherong lalaki.
“Good morning babe.”
Malambing na bati ni Claire sa lalaki, agad naman itong lumapit sa kanyang pinsan saka mabilis na hinalikan si Claire sa labi.
Naging dahilan naman ang halikang iyon ng pag ngiwi ni Lexie.
“Uhhh hello? May tao dito baka lang naman gusto niyong pansinin rin ako or better yet you guys get a room at doon kayo mag PDA.”
Hindi na naka tiis at may katarayang sabi na ni Lexie, nakuha niya pang itaas ng matindi ang kilay para ipakita sa dalawang higad na nasa harap niya na hindi siya natutuwa sa kanyang nakikita.
Nag tagumpay naman ang kanyang pag singit dahil agad niya ring nakuha ang atensyon ng mga ito.
Sabay pa halos napa tingin sa kanya ang pinsan at ang lalaking bisita nito, wala namang pag dadalawang isip na inirapan ni Lexie ang dalawa na siya namang ikinatawa ni Claire.
“Bitter much?”
May halong pang aasar sa tinig na sabi sa kanya ni Claire dahilan ng lalo niyang pagka bwisit.
“No, telling you people to get a room for your gross PDA doesn’t make me bitter. And who is this guy again?”
Masungit at may kaartehang sagot naman ni Lexie sabay itinuro ang lalaking tahimik lamang habang naka tingin sa kanya.
“Oh, sorry. Oo nga pala, Lexie this is Andrew, my boyfriend, Babe meet my cousin Lexie.”
Kinikilig-kilig pang pakilala ni Claire sa kanila ng lalaki,
“Boyfriend? Aba eh parang kailan lang iyong Jake na mukhang adik ang boyfriend mo ah?”
Wala sa sariling bulalas ni Lexie.
“Grabe ka naman sa adik, hindi naman adik si Jake, by the way Jake is Andrew’s little brother.”
Naka ngusong sabi ni Claire, ang impormasyon naman na iyon ang naging dahilan ng lalong pagka lito ni Lexie.
“Hindi ko sinabing adik iyon, sabi ko lang mukhang adik.”
Lexie said, still confused.
“Huy ano ka ba, kapatid niya nga iyon, shhh…”
Mahina ang boses na sabi sa kanya ni Claire saka itinuro ang lalaking naka pulupot pa rin ang mga bisig sa beywang ng pinsan.
“Oo nga kapatid, so? Eh sa mukha naman talagang adik iyong kapatid niya, I mean no offense, Andrei.”
“Andrew.”
Sabay pang pag tatama sa kanya ng pinsan at ng lalaki.
“Yeah, whatever still no offense.”
Kibit-balikat na sabi ni Lexie.
“None taken.”
Naka ngisi namang sabi ng lalaki na siya namang ikina ngiwi nanaman ni Lexie.
“Paano mo nga ulit naging boyfriend ‘to?”
Kunot na kunot ang noong tanong niya nanaman sa pinsan, nakuha niya pang muling ituro ang lalaki.
“I realized I liked him more than his lil’ bro, and he likes me too, right babe?”
Sabi ni Claire saka umaktong tila isang bulateng binudburan ng asin dahil sa kilig, Lexie instantly looked away after Claire kissed him torridly on the lips.
“Ahccckkk, for Christ’s sake Claire, enough with the kissing.”
Naka ngiwing saway ni Lexie sa pinsan, sabay pang nag tawanan ito at si Andrew.
“She a kid?”
Natatawang tanong ni Andrew sa pinsan tapos ay siya naman ang itinuro nito.
“Kid? Mukha ba akong bata? Ayos ayosin mo tanong mo And-”
“Yeah babe, Lexie is only 16, pag pasensyahan mo na, broken hearted kasi iyan kaya ganyan kasungit. Tapos iyong lalaking crush niya ngayon, hindi siya gusto.”
Tonong pang aasar na sabi ni Claire, hindi pa nakuntento ang pinsan at nakuha pa siya nitong ngisihan na siya namang labis na ikina inis ni Lexie.
“Sixteen? She’s pretty tall for her age ha?”
Hindi makapaniwalang sabi ni Andrew habang mataman siyang pinagmamasdan, inirapan naman ito agad ni Lexie.
“At may katarayan din ang pinsan mo, not good for her age,”
Dagdag pa ni Andrew dahilan para lalong mangunot ang noo ni Lexie.
“Well what can I say? Ganon yata talaga ang mga ‘teen agers’ when they are dealing with heart aches, kaka break lang kasi nila ng boyfriend niya eh.”
May halong lungkot na sabi ni Claire, sinamahan pa ng nag aalalang tingin.
Hindi naman makuhang sumingit ni Lexie dahil sa tuwinang tatangkain niyang mag salita ay uunahan siya ng pinsan.
Agad na nanlaki ang mga mata ni Lexie nang makitang kumilos si Andrew at naka ngiti pang nag lakad palapit sa sofang inuupuan niya.
Mabilis pa siyang umurong sa kabilang dulo ng sofa sa pag babakasakaling maka layo sa lalaki ngunit huli na, kulang na lamang ay mapa mura sa inis si Lexie nang tuluyan itong maka lapit, agad niya pa itong sinamaan ng tingin na tila hindi naman nito inintindi, sa halip ay lalo pang lumawak ang ngiti sa mga labi nito.
“Aww that is okay baby girl, heartaches are just part of growing up.”
Malambing na sabi nito na tila talaga isang bata ang kausap at hindi isang bente sinko anyos na dalaga.
“So are you gonna tell me that I will get used to heartbreaks?”
Pilosopong tanong niya, narinig nya pa ang mahinang tawa ng pinsan dahilan para lalong mag init ang ulo ni Lexie.
“No, but it’s still part of growing up.”
Sagot pa ni Andrew saka umaktong hahawakan ang kanyang ulo na mabilis namang iniwasan ni Lexie.
“Sige subukan mong hawakan ako, pipilayan kita.”
Masama ang tinging banta ni Lexie sa lalaki na agad namang napa atras.
Sunod niyang narinig ay ang malakas na tawa ng pinsang si Claire, may nalalaman pa itong pag hawak sa tiyan na para bang isang magandang comedy show ang ganap nila ng lalaking ito.
“Sige tawa, masamid ka sana.”
Inis na sabi ni Lexie sa pinsan saka ito sinamaan ng tingin.
Hindi pa man nag tatagal ay halos mamula na ito dahil hindi na maka hinga dahil sa sobrang pag ubo, naging dahilan naman iyon ng labis na pag aalala ni Andrew, halos pa takbo pa itong lumapit kay Claire habang si Lexie naman ang tumawa ng mas malakas.
“Akalain mo nga naman, digital pala ang karma pag dating sa iyo ano?”
Nang aasar na sabi ni Lexie saka muling tinawanan ang pinsan, sinamaan naman siya nito ng tingin.
“Y-you are a m-med student, help m-me.”
Umuubo pa rin na pakiusap ng pinsan, walang gana namang itinuro lamang ni Lexie ang baso ng tubig na hawak nito.
Muli pa sana siyang mag sasalita para mas lalo pang asarin ang pinsan ngunit agad din siyang natigil dahil sa sunod sunod na pag katok sa pinto.
Kapwa pa sila natigilan ni Claire at nag tinginan, isang kibit balikat pa ang isinagot dito ni Lexie para iparating na hindi niya rin alam kung sino iyon.
“Kapag ang hudas na si Rafael nanaman ito promise mag wawala na talaga ako.”
Inis sa sabi pa ni Lexie.
At dahil tila hindi pa rin okay ang kanyang bwisit na pinsan, siya na ang kumilos para pag buksan ang hindi imbitadong panauhin.
“Hello.”
Naka ngiting bati ng isang taong kaninang madaling araw lamang ay hindi niya makuhang tingnan ng deretso sa mata.
“R-Ram? What are you d-doing here?”
Tarantang tanong ni Lexie kasabay ng pagka pahiya nang makitang mabilis na kumunot ang noo Ram nang makita ang suot niyang isang manipis na kulay itim na sando, isang sobrang ikling shorts na kita na marahil ang kalahati ng kanyang pang upo, idagdag pang wala siyang suot na bra.
“I just drop by to give you these, naiwan mo sa bahay kanina.”
Kunot na kunot ang noong sabi ni Ram saka inabot sa kanya ang kanyang wallet.
Hindi pa ito nakuntento at pilit na sinilip ang loob ng kabahayan, wala sa sarili namang nilakihan pa ni Lexie ang pag kakabukas ng pinto dahilan para lalong mangunot ang noo ni Ram.
Agad na umasim ang mukha ni Ram nang makita nito si Andrew, nanlaki rin ang mga mata ni Lexie nang hindi niya na mahagilap ang pinsang si Claire.
“Err.. p-pasok ka muna, R-Ram.”
Nauutal na sabi ni Lexie saka marahan itong hinila papasok na hindi naman nito pinansin.
Ram’s eyes were dark, like a fire, his eyes were burning with anger while his glare was fixed on Andrew who’s still wearing nothing but a small towel around his waist.
Mariing napa pikit si Lexie matapos ma-realize kung ano ang posibleng iniisip ni Ram Jordan.
“Ram, it’s not what you think.”
Wala sa sariling sabi ni Lexie.
“Hah, you are really not what I think.”
Makahulugang sabi ni Ram saka siya tinapunan ng masamang tingin bago siya nito tinalikuran.
Ilang sandali pang napa tanga si Lexie dahil sa naging reaksyon ni Ram bago niya nakuhang kumilos para habulin ito.
“Hooyyy, teka nga sandali…”
Tawag dito ni Lexie saka lalong binilisan ang lakad ngunit kahit anong bilis ng kanyang pag hakbang ay hindi niya pa rin ito makuhang maabutan kaya naman tumakbo na lamang siya.
“Go back there kid, your man is waiting for you, you should be chasing him not me.”
Walang ganang sabi ni Ram dahilan para mapa irap naman si Lexie.
“I said it’s not what you think, will you just stop for a sec and listen to me?”
Hinihingal nang sabi ni Lexie, tuloy pa rin kasi siya sa pag takbo, naka labas na sila’t lahat sa building ng kanyang condo unit ay hindi pa rin siya pinapansin ni Ram dahilan para lalo lamang mainis si Lexie.
Dahil sa talagang napapagod na siya, idagdag pang naiinis na rin siya sa pag papahabol ni Ram ay ubod ng lakas niya na lamang ibinato ang isinauli nitong purse na puro barya yata ang laman dahil sa bigat.
“Sabing sandali lang eh!”
Inis na sigaw ni Lexie kasabay ng pag tama ng kanyang purse sa likod ng ulo nito, rinig niya pa ang tunog ng mga baryang nasa loob niyon ngunit wala siyang pakealam ang mahalaga ay tumigil sa pag lalakad si Ram.
“Ang arte mo ha, will you just let me explain masyado kang nag papadala sa maling akala eh.”
Sabi pa ni Lexie saka napakagat labi na lang matapos siyang tapunan ng masamang tingin nito.
Bukod kasi sa seryosong-seryoso ang mukha ni Ram ay kunot na kunot rin ang noo nito habang matamang naka titig sa kanya.
“Sorry na nabato kita, ikaw kasi eh.”
Kagat labing sabi ni Lexie, hindi niya makuhang tumingin ng deretso sa mga mata nito kaya pinili niya na lamang damputin ang kanyan purse.
Aba kahit barya lang yata ang laman niyon pwede pa rin iyong pakinabangan.
“It’s not enough for you to walk around in front of a man almost half naked at nakuha mo pa talagang lumabas na ganyan ang suot mo?”
Bakas ang sobrang inis sa mukha na sabi ni Ram, labis namang nag palito kay Lexie ang naging reaksyon nito dahilan para pag taasan niya ito ng kilay, hindi pa siya nakuntento at nakuha niya pa itong pa maywangan.
“Aba kung hindi ka ba naman ubod ng arte at nag pa habol-habol ka pa dito, eh di sana naroon ako sa loob, mag hubad man ako doon walang problema.”
Inis na katwiran ni Lexie na tila lalo lamang nag painit ng ulo ni Ram.
“That is not the point, nobody asked you to follow me here, the point is you are wearing almost nothing, look at all those men, halos lumuwa na ang mga mata nila sa pag titig sa katawan mo. Don’t tell me this what you want?”
Seryosong sabi pa ni Ram habang masama ang tinging ipinupukol sa kanya.
“Well, I loved the attention but I didn’t say I like them to see me almost naked, mamatay sila sa kakatingin.”
Kibit balikat na sabi ni Lexie.
“Teka nga, bakit ba galit ka?”
“I am not mad.”
Tipid na sagot ni Ram.
“You are too, kung hindi ka galit bakit halos mag dikit na yang makakapal na kilay mo?”
Tanong pa ni Lexie na may halong pang aasar.
Wala namang naging sagot si Ram, sa halip ay lumapit na lamang ito sa sasakyan nito saka padabog na binuksan ang pinto niyon.
“Lalayasan mo talaga ako?”
Hindi maka paniwalang tanong nanaman ni Lexie, nakuha pa siyang irapan ng lalaki bago sumagot.
“You really are a kid, Lexie.”
Naiiling at inis pa rin na sabi ni Ram.
“I am not.”
“Well then stop acting like one.”
Ram snapped at her as he started moving closer to where she was standing.
“Get in the car, I’d rather fight with you at my own house than here with all these men looking at you like you are some kind of a prey. There, you can walk around naked for as long as you want for all I care.”