MARI POV: Naging maayos naman ang graduation nina Zev. Pagkatapos ng program ay nag picture taking, doon niya nakita ang Mommy nito. Mahahalata mo talaga ang pagka istrikta nito, hindi man lang niya nakitang ngumiti ito kahit kanino. Ang Daddy ni Zevander ay makikita mong palangiti, pero ang ina nito, naku nakakatakot talaga. Inanyayahan pa ang pamilya ni Zev sa isang salo-salo ng buong administration nang school nila. Agad na niyang niyaya ang kaibigan na umalis na sila para umuwi na. Nasa labas na sila ng Hall nang tawagin siya nang nobyo. Agad naman siyang ngumiti rito pero tumingin siya sa likod nito at baka kasama nito ang pamilya. Nahihiya talaga siyang makilala ang mga ito. "Nasa loob sila, kasama ang mga higher officers ng school." ani nito sa kanya. "Ah, baka kailangan ko roon.

