MARI POV: Yeheeey. Unang araw na nang pasukan namin. Makikita ko na ang mahal ko. Kahit na sa isang linggon dalawang beses lang ata ito may pasok. Kasi nga napasukan na niya ang ibang subjects kaya yung mga major na lang sa architecture ang kailangang nitong matapos. Saan ka pa, graduate na nang business course tapos kumuha pa nang bagong course, Architecture. Ang galing talaga ng Honey niya. Paglabas nila nang bahay ni Sera ay may humintong sasakyan, nagliwanag ang mukha niya nang makilala ang kotse, dahil surpresa palang isasabay sila ng nobyo. Wala kasi itong pasabi sa kanya. Naku. Ang daming pakulo ng lalaking to. "Hon, good morning. Sayo rin, Sera." bati nito samin. Humalik ito sa noo ko at tumango naman ito sa bestfriend ko. Agad naman akong yumakap rito. "Good morning rin, Hon.

