Chapter 2 - School

1340 Words
Nagmamadali siyang pumasok ngayong araw. Late na siyang nagising, dahil napuyat siya sa kanonood ng Korean movies kagabi. At ang masaklap pa ay nakalimutan niyang i-set ang alarm clock. Kailangan pa naman na makarating siya sa unang subject niya dahil may Quiz pala sila ngayon. Nakalimutan niya rin. Bata pa naman siya bakit kaya madalas na nakakalimutan niya ang mga importanteng bagay. Naku. Kailangan ko na atang uminom ng memo plus. Hahaha. Wala pa naman ang mama niya kanina dahil maagang umalis at may importanteng aasikasuhin raw, kaya ayun walang gumising sa kanya nang maaga. Ang papa naman niya ay busy rin sa poultry at piggery nila. Kailangan siya roon dahil marami raw na mga baboy ang maagang kukunin ng tracking para ibenta. Si bunso naman ayon plakda rin. Mukhang gumala na naman kagabi at late nang nakauwi. Hingal na hingal siya ng makapasok sa classroom nila. Dumiretso agad siya sa upuan niya at kinuha agad ang libro para sa subject niya ngayon. Business law pa naman. Sumasakit ang ulo niya sa subject na to kaya lang wala namang choice at hindi naman pwede na hindi niya pasukan dahil babagsak siya at baka umulit pa siya sa isang taon. Naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ng bestfriend niya. Nakangiti ito at mukhang natutuwa sa hitsura ko na hindi masyadong nakapag ayos dahil sa pagmamadali. "Hi Best, okay ka lang ba? Para kang hinabol ng kung sino, hindi ka man lang nakapag ayos." ani nito. Eto ang bestfriend ko. Kababata, ka barangay, ka roommate at itinuturing ko nang kapatid. Tadtaadadaadan. Meet my bestfriend, Seraphina Delgado, pretty, kind, soft spoken, and lovable. Matagal na kaming magkaibigan. Uhm, simula pa nung toddler sila ay magkaklase na sila. Kaya naman malimit silang masabihan na kambal. Dahil kung nasaan ang isa andun rin ang isa. During high school days, nasa isang school din naman sila. At ngayong college na sila sa "University of Koch" ay parehong school parin ang pinapasukan nila. Ang University na pinapasukan nila ay matatagpuan sa pinaka pusod ng bayan ng Caramoan. Pribadong paaralan ito na ang nagmamay ari ay ang Pamilyang Koch. Malayo sa isla nila ang sentro ng Caramoan kaya naman naisipan talaga nilang magkaibigan na kumuha ng boarding house para hindi na hassle sa pagbiyahe lalo na at halos thirty minutes ang biyahe mula sa kanila papunta sa bayan. Kahit ang boarding house na tinutuluyan nila ay magkasama rin sila ni Seraphina. Kapag Monday to Friday ay nasa boarding house sila na malapit lang din naman sa pinapasukang paaralan. Kapag Friday ng gabi ay umuuwi sila sa isla at bumabalik na lang kapag lunes na para sa pagpasok sa eskwela. "Nakabalik ka ba agad kahapon sa boarding house Sera?" tanong niya rito. "Oo, kahapon pa ko bumalik sa BH. Kaya hindi ako nagmadaling pumasok kasi alam ko naman na hindi ako malalate dahil malapit lang din naman ang tinutuluyan natin." Napanguso siya dahil ang fresh nitong tingnan habang siya ay mukhang nakipag sabunutan dahil hindi na nakapag ayos ng sarili kanina. Sa pagbiyahe palang niya ay pagod na talaga siya. Bakit naman kasi hindi pa siya agad bumalik kahapon. "Kasi naman si Mama. Nagluto ba naman ng paborito kong ulam na Kare-Kare kahapon. Kaya hindi ko maiwan iwan sa bahay at talagang nilantakan ko ang ulam namin. Tapos ayun tinamad na kong bumiyahe pabalik rito." ani niya rito. "Hala gusto ko rin yun Best. Nagdala ka ba para sakin?" malambing na sabi nito. Ngumisi siya rito at itinaas taas ang kilay. "Natural Best, nagdala ko dahil mamaya pag uwi natin yun ang uulamin nating dalawa. At marami rin akong dinalang mga prutas at nilutuan rin tayo ni Mama ng Lechon." "Hala, love talaga ko ni Tita. Sana maaga ang uwian natin ngayong tanghali. Buti na lang Best at nagsaing ako kanina. Initin na lang natin pag-uwi sa bahay. Para kumain agad tayo. The best pa naman ang mga luto ni Tita." "Oo, wait lang umayos ka na diyan sa upuan mo at kailangan ko pang magreview at ayokong mangulilat ang scores ko mamaya pagdating ni Sir Max." "Kaya mo yan Best." "Nag review ka na ba? Kasi parang relax na relax ka lang diyan." "Ehhhh nope. Wala man akong naintindihan sa lesson ni Sir. Hindi ko talaga forte ang subject natin ngayon. Haist." "Oh paano ka makakasagot niyan kung hindi ka magrereview?" maang na tanong niya rito. "Uhm, bahala ka na sakin. Hahaha. Tulungan mo na lang ako mamaya." "Hala siya. Paano kung mahuli tayo ni Sir mamaya. Mag review ka na nga diyan Sera. Tinatamad ka na naman eh. Dalian mo na at malapit nang dumating si Sir." pag aapura niya rito. "Kasi namaaaaaaaaaan. Sige na nga, basta mamaya pag hindi ko alam ang sagot ikaw na ang bahala sakin." pa cute na sabi nito sa kanya. "Bahala na mamaya. Basta magsimula ka na riyan." "Oo na po." Naging abala na silang dalawa sa pagbabasa ng notes nila tungkol sa Business Law. Natapos naman niya ang lahat na mareview. Nang balingan niya ang kaibigan ay nakita niyang papikit na ang mga mata nito. Naku talaga. Tinamaan ng magaling ang bestfriend niya. Tamad talaga ito sa matagal at mahabang lesson nila. 'Hoy babae, gising. Ano ka ba at patulog ka na ata." yamot na kinalabit niya si Seraphina. "Ayoko na Mari. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kakamemorize nito. Mamaya makakalimutan ko rin naman ang mga to. Wala rin naman akong maisasagot sa Quiz." "Umayos ka diyan. Kaya mo yan." pagpapalakas ng loob niya rito. "Buti ka pa at matalas ang memorya mo sa mga ganito. Eh ako, hindi talaga." patuloy na pagrereklamo nito sa kanya. Ang mga kaklase rin nila ay parehong mga problemado sa inaaral ng mga ito. Lahat ay pinipilit na ipasok sa utak ang binabasa. Maya maya lang ay dumating na si Sir Max. Mukhang tuwang-tuwa ito na makita sila na abala sa pagrereview at hindi na magkamayaw sa mga upuan nila. "Okay, I will give you 15 minutes to review our lesson. And afterwards, we will start our Quiz. No more buts, class. Goodluck." Lahat sila ay bumalik na sa pagrereview. Marami naman na siyang nasaulo kaya naman nakahinga siya ng maluwag dahil alam niya sa sarili na malabo siyang bumagsak ngayon. Ewan ko lang sa bestfriend ko na katabi ko. Parang tumunganga nalang talaga ito. "Oyyy, babaeng lutang. Okay ka na ba? Naka review ka na?"alog niya rito. "Bahala na Best. Hindi talaga pumapasok sa utak ko ang mga lessons ni Sir. Better luck next year na lang." "Baliw ka. Ayusin mo ang buhay mo. Masasabunutan ka ni Tita Chiara pag bumagsak ka rito." "Oo na, aayusin ko ang Quiz rito. Baka." pangungulit pa rin nito sa kanya. "Bahala ka na nga." Nang bumalik na si Sir Max nila ay sinimulan na nito ang Quiz. Mukhang na mental block rin siya. Ang ibang nireview niya ay talagang inaalala niya kung ano yun. Naku naman. Nadamay pa siya sa kaibigan na mamalasin ata. Huminga muna siya ng malalim, pumikit, at pilit na inaayos ang sarili para makatapos siya at makasagot ng tama. Siya ang nauna sa klase na natapos. Abala rin sa ginagawa niya si Sir Max kaya naman nagkunwari na lang siyang sumasagot para makasilip ang bestfriend niya sa sagot sa papel niya. Hindi naman siya makakatiis na pabayaan ang kaibigan. Nang tapos na ang oras na binigay sa kanila, finish or unfinished kailangan nang ipasa ang mga papel nila sa unahang lamesa kung nasaan ang Propesor nila. Nang balingan ang kaibigan ay agad itong ngumiti sa kanya. "Thank Best sa pagtulong." "Walang anuman. Sa susunod mag review ka, ha? Baka hindi na tayo swertehin at mahuli tayo pareho." "Oo na po, tulungan mo na lang ako sa subject na to." "Sige, walang problema. May sunod pa tayong mga subjects. Inaantok na ko Best. Napuyat ako kagabi." "Sana hindi na muna pumasok ang sunod nating subject para makaidlip ka." "Hmmm" Ang sunod nilang subject ay System Analysis and Design. Okay siya sa subject na related sa mga technology. Walang nang magiging problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD