MARI POV: Naging maayos na ang mga sumunod na araw niya. Lagi man silang nagkakasalubong ni Zevander sa hallway o kaya naman sa canteen ay nasanay na lang siya. Minsan tumitingin ito sa kanya o kaya naman parang wala lang itong nakita. Ganon ang naging routine nila sa mga araw na nagdaan. Biyernes na ngayon. Pero tamad na tamad na talaga siya. Gusto na niyang matapos ang araw para makauwi na muna siya sa kanila. Doon kasi marerecharge niya ang sarili. Kain at tulog lang ang gagawin niya. Siya lang ang mag isang pumunta sa canteen dahil si Sera ay nasa library pa at may hihiraming libro. Carbonara at sandwich na lang ang naisipan niyang kainin. Habang kumakain ay naramdaman niyang may umupo sa harap niya. Agad naman siyang napatingin at nanlaki ang mga mata niya ng makita na si Zevander a

