MARI POV: Back to reality na naman ang peg nila ni Sera, kailangan na naman mag double time para makahabol sa mga activities, projects at mga performance task nila. Naku, ngarag na naman ang beauty Niya nito. Lunes na lunes pa lang tambak na naman ang mga gagawin nila. Unang subject pa lang tatlong activities na ang dapat na gawin nila at bukas agad ang submission. Mukhang kailangan na talaga nilang bumili nang printer, dahil magastos ang magprint sa mga computer shop. "Best, ano kaya kung mamaya tumingin na tayo nang printer? Bumili na rin lang tayo kasi ang daming ipapaprint. Yung term paper pa natin. Ang hirap rin makipag siksikan at maghintay sa computer shop." ani niya sa kaibigan. "Mga nasa magkano kaya yun, Best? Para ma message ko si Mama at hihingi ako ng pera. Wala kasi yun ka

