ARIANA
“Anong oras ka uuwi mamaya? Gagabihin ka ba? Mag-text ka ha. Ipagluluto kita ng paborito mong caldereta.”
Napangiti si Silas habang tinutulungan siya ng asawa niyang ibutones ang kanyang polo.
“I have a meeting with investors later, honey,” sagot niya. “I’ll call you if I’m coming home late. You can go ahead and sleep—don’t wait up for me, alright?”
Napabuntong-hininga si Ariana, pero tumango rin.
“Sige… pero hihintayin pa rin kita,” aniya, sabay pout ng bahagya.
Mabilis naman siyang hinalikan ni Silas.
It was his way of saying she had nothing to worry about.
Alam niyang nag-aalala ito tuwing gabi na siyang nakakauwi, lalo na kapag abala siya sa kumpanya.
“Alright… sisikapin kong umuwi ng maaga,” natatawa niyang sagot.
“Dapat lang,” balik nito.
His wife was beautiful—Ariana was gorgeous, yet simple. Hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Bata pa lang sila, mahal na niya ito. Ginawa niya ang lahat para mapasakanya ang dalaga, kahit pa tutol noon ang ama nito.
Her father was strict, especially when it came to her. May kapatid itong lalaki—si Delan—na matalik niyang kaibigan, kaya naging madali para sa kanya na makuha ang basbas ng ama nito.
“Sige na, umalis ka na. Baka kanina ka pa hinihintay ng mga investors mo,” ani Ariana, sabay tingkayad para halikan siya.
Ngunit hinila siya ni Silas at pinalalim ang halik. Napasinghap ito sa labi niya.
Agad din niya itong binitawan.
Kung hindi lang siya nagmamadali, baka kanina pa niya ito binuhat papunta sa kama.
“Alis na. Kanina ka pa halik nang halik diyan,” pagtataboy nito.
Napatawa siya.
Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, walang araw na hindi siya sabik dito. Parang palagi siyang uhaw sa bawat halik at haplos nito.
At kung darating ang araw na mawala ito… hindi niya alam kung kakayanin niya.
Pagdating nila sa baba, sinalubong siya ng isa sa kanyang tauhan.
“Boss, may tawag galing opisina. Naroon na raw po ang ilang investors. Kanina pa po kayo hinihintay. Naroon din ang mag-amang Villanueva.”
Tumango siya at sinenyasan itong lumabas muna.
Ayaw niyang marinig pa ni Ariana ang iba.
Ayaw niyang mag-alala ito—lalo na at buntis ito sa panganay nila.
“Kasama rin pala sa meeting si Deanna?”
Napatigil siya.
“Yeah,” maikli niyang sagot.
Naramdaman niya ang titig nito. At ang pag-aalala sa mga mata nito.
Kinabahan siya.
Niyakap niya ito at hinalikan sa noo.
“Don’t worry, wife. I’ll handle them.”
“Masama ba kung sabihin kong ayaw ko na naroon ang babaeng ‘yon?”
Kumalas siya at marahang pinisil ang kamay nito.
“No, of course not. I understand your reason. But trust me… I don’t care about her anymore. She’s part of my past—you’re my present. Whatever her game is, it doesn’t matter. You are my priority. Only you.”
Muli niya itong hinalikan.
Yes, alam niyang selos ito kay Deanna—ang ex niyang paulit-ulit siyang tinaksil noon.
At wala na siyang balak balikan iyon.
Ang dahilan kung bakit naroon ito ngayon? Business.
Pero alam na niya ang sagot—tatanggihan niya ang alok.
Hindi niya hahayaang maging dahilan iyon ng pag-aalala ng asawa niya.
“May tiwala ako sa’yo… pero sa kanya, wala,” mahina nitong sabi. “Paano kung akitin ka niya? Paano kung hindi mo siya maiwasan? Paano kung… maagaw ka niya sa akin?”
“Hey… stop it,” mahinahon niyang saway.
Napamura siya sa isip nang makita ang luha sa mga mata nito.
Hinawakan niya ang mukha nito at itiningala.
“Look at me… listen to me.”
“I will never be taken away from you. Not now, not ever. Uuwi ako sa’yo—sa inyo ng anak natin.”
Hinawakan niya ang tiyan nito—bahagya nang nakaumbok.
“Mahal kita. Walang papantay sa’yo. Kahit sino pa ang humarap sa’kin… walang magtatagumpay. You know me, wife. Sa’yo lang ako.”
Unti-unting ngumiti si Ariana.
At doon lang siya nakahinga nang maayos.
Muli niya itong hinalikan.
“I’ll be home early. Wait for me… hmm?”
“Talaga? Hihintayin kita.”
Tumango siya.
“I promise.”
________
Silas:
***
Pagdating ni Silas Gonzalez sa opisina, diretso siyang pumasok sa conference room.
Tahimik agad ang lahat nang makita siya.
“Good afternoon,” maikli niyang bati habang umuupo sa kanyang upuan.
Naroon ang mga investors.
At hindi niya inaasahan naroon din ang mag-amang Villanueva.
At si Deanna.
Saglit siyang natigilan, pero agad din siyang naging kalmado.
“I think we can start,” aniya.
Nagpatuloy ang meeting. Usapang negosyo, proposal, at partnership.
Maayos niyang pinangunahan ang usapan. Direkta. Walang paligoy-ligoy.
Pero paminsan-minsan…
Napapansin niyang nakatingin sa kanya si Deanna.
Parang may gustong ipahiwatig.
“Partnership needs trust,” sabi nito habang nakatingin sa kanya.
Hindi siya nagpatalo.
“Yes. And I don’t trust easily.”
Tumahimik ito.
Ngumiti lang.
Matapos ang meeting, isa-isang umalis ang mga investors.
Naiwan si Silas.
At si Deanna.
“Still the same,” sabi nito habang lumalapit sa kanya.
“Don’t start, Deanna,” malamig niyang sagot.
Huminto ito sa harap niya.
“Why? Hindi ba tayo pwedeng mag-usap?”
Hindi siya gumalaw.
Hindi rin siya ngumiti.
“Wala na tayong dapat pag-usapan.”
Saglit itong natahimik.
Pero ngumiti ulit.
“Galit ka pa rin sa akin.”
“Hindi na,” diretso niyang sagot. “Wala na akong pakialam.”
Mas lalo itong lumapit.
“Sigurado ka?”
Nanigas ang panga ni Silas.
Pero nanatili siyang kalmado.
“Tapos na tayo. Matagal na.”
Tumitig ito sa kanya.
Parang hinahanap kung nagsasabi siya ng totoo.
“And your wife?” tanong nito.
Napatingin siya rito.
Mas tumigas ang kanyang tingin.
“Don’t involve her.”
Ngumiti si Deanna.
“Interesting…”
Tumayo si Silas.
“Kung business ang pakay ninyo, send the proposal. I’ll review it.”
Tatalikod na sana siya nang magsalita ito.
“Hindi pa tapos ‘to, Silas.”
Hindi siya lumingon.
“Para sa’yo, hindi. Pero para sa’kin—tapos na. kaya tigilan mo na ako, Deanna."
At tuluyan siyang naglakad palabas ng silid.
Sa isip niya, iisa lang ang mahalaga.
Si Ariana.
At ang pamilya niya.
Sinundan ni Deanna si Silas hanggang sa opisina nito.
Hindi na ito kumatok.
Bigla na lang itong pumasok.
Nagulat si Silas.
Pero mas lalo siyang nabigla nang bigla siyang halikan nito sa labi.
Saglit siyang nanigas.
Pagkatapos—
Agad niya itong itinulak.
“Damn it!”
Malakas ang pagkakatulak niya kaya napaatras si Deanna at tumama sa sofa. Natumba ito.
Nandidiri siyang napahawak sa kanyang labi.
“What the hell is wrong with you?!”
Sa galit, nasampal niya ito.
Malakas.
“Get out.”
Pero hindi pa rin ito gumagalaw.
Kaya hinila niya ito at kinaladkad palabas ng opisina.
“Ilabas niyo siya,” utos niya sa kanyang mga tauhan.
Walang nagawa si Deanna kundi sumunod habang pilit pinipigilan ang sarili.
Pagkaalis nito, agad siyang pumasok sa banyo.
Nag-toothbrush siya.
Paulit-ulit.
Parang gusto niyang burahin ang bakas ng halik nito.
Ayaw niyang maamoy iyon ni Ariana.
Pagkatapos, naligo rin siya.
Kailangan niyang mawala ang kahit anong bakas ng babaeng iyon.
Hindi na siya nagtagal pa sa opisina.
Umuwi siya.
Pagdating niya sa bahay, nadatnan niyang tapos nang magluto si Ariana.
Pagkakita pa lang nito sa kanya—Ngumiti agad ito.
Kitang-kita ang saya.
Parang nawala ang lahat ng pagod niya sa isang tingin lang.
Lumapit siya rito at agad itong niyakap.
Mahigpit.
At hinalikan sa labi.
Malambing. Mainit. Totoo.
“Ang aga mo,” masayang sabi ni Ariana.
“Sabi ko sa’yo, uuwi ako agad,” sagot niya.
Matapos nilang kumain, pumasok sila sa kwarto.
Tahimik ang paligid.
Doon na siya nagsalita.
Kinuwento niya ang lahat.
Wala siyang itinago.
Tahimik lang si Ariana habang nakikinig.
Pero kita niya ang galit sa mga mata nito.
Hindi sa kanya.
Kundi kay Deanna.
“Ang kapal ng mukha niya,” gigil nitong sabi.
Hinawakan niya ang kamay nito.
“I told you… she doesn’t matter.”
Tumingin ito sa kanya.
Masakit. Pero may tiwala.
“Basta… lumayo ka sa kanya.”
“I will.”
Lumapit siya at hinawakan ang mukha nito.
“Sa’yo lang ako.”
Dahan-dahan niya itong hinalikan.
Mas mahinahon na ngayon.
Mas puno ng assurance.
______
Sa loob ng kotse, mariing napapikit si Deanna.
Ramdam pa rin niya ang hapdi ng pagkakasampal ni Silas.
Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi niya.
Pero imbes na umiyak ay ngumiti pa siya.
Isang malamig at mapanganib na ngiti.
“So… ganito na talaga, Silas?” bulong niya sa sarili."Hindi ka makuha sa santong dasalan, Idadaan nalang kita sa santong paspasan," napangiti siya.
Kinuha niya ang kanyang phone at may tinawagan.
“Hello,” malamig niyang sabi. "Simulan niyo na ang plano. Dapat malinis. ayoko ng palpak! siguraduhin niyo na makukuha niyo ang babaeng 'yon!" mariin niyang utos sa kausap niya.
That b***h needs to die!