Chapter 2:
Elaina's Point of View
"Marsy, shurabells na ba jikawchi na mag gorabels sa party na itechiwawa wi? Naku, pang mayaman ito, baka ma-OP ka!" giit ni Norie habang tinitignan ang invitation para sa event.
"Oo naman, Norie. Kung hindi ako pupunta dun magagalit si Terence sa akin. Alam mo naman yun, super possessive." Sabi 'ko habang inaayos ang kolorete sa mukha 'ko.
"Mapipigilan pa ba kita? E sobrang mahal mo naman ang kumag na 'yun." at nag-flip hair pa ang bakla "Hay naku lang ha Aina! Dati pa sinabi 'ko sayo na parang pinaglalaruan ka lang nung Terence na 'yun!" at inirapan niya ako. "Huwag mo siyang sagutin, baka sa huli ikaw pa ang magsisi!" at umupo siya sa tabi 'ko
"Hindi naman siguro. Mahal ako nun, swear! Atsaka wala pa naman siya pinapakita na masama sa akin ee." giit 'ko at nag-panata pose pa ako.
Muli niya ako sinimangutan "Basta ako, hindi ako tiwala sa lalaki na 'yun. Kilala 'ko ang mga lalaki Aina. Lahat sila, isa lang ang kailangan" at itinuro niya ang maselang bahagi 'ko.
"OMG, ano ka ba naman Norie, tsansing ka ah!" sabay talikod 'ko sa kanya.
"Kapal lang ha 'te? Hindi tsansing 'yun, warning pwede pa. Sinasabi 'ko lang ang totoo, ngayon nasa iyo na kung isusuko mo yan. Basta ito lang ang payo 'ko sayo. Pag yang virginity mo nawala, hindi mo na maibabalik pa yan. So choose wisely te! Piliin mo ang lalaking sigurado kang aalayan mo niyan. Baka ikaw pa ang magsisi sa bandang huli." Payo niya sa akin.
Matapos nun ay iniwan na niya ako. Haay! Ang baklitang 'yun kung ano-anu ang pinagsasabi! Kakalerki siya! Pero, may tama naman siya ee. Kailangan din ng ibayong pag-iingat.
By the way, ako pala si Elaina Ramirez, pero my friends used to call me Aina. Waitress sa bar ni Norie, ang gay-bestfriend 'ko.
Ewan 'ko ba, kay gwapong nilalang nag-bakla pa! kung lalaki lang siya, for sure papatulan 'ko yan!
Kanina nga nung itinuro niya ang mga maseselang parte 'ko, nakita 'ko siya na namula ang pisngi. Natatawa ako sa ideyang, baka may pag-asa pang maging lalaki ang baklita na 'yun.
Ulila na pala ako. Ako na lang sa pamilya 'ko ang nabubuhay. Well, isang masaklap na pangyayari ang naganap way back noong siyam na taong gulang pa lang ako.
Nasunugan kami ng bahay, at ang buong pamilya 'ko ay na-trap sa loob.
Nasa eskwelahan ako noong mga panahong iyon.
Ang masaklap lang, kaarawan 'ko noong araw na 'yun, at balak pala ako sorpresahin ng mga magulang 'ko sa bahay.
Ngunit sa kasamaang palad, dahil lang sa sorpresang inihanda nila, ay siyang nagging mitsa ng panganib sa kanila.
Nadatnan 'ko na lang na ibinababa na ang kanilang mga bangkay.
Hanggang ngayon hindi 'ko pa rin matangap ang mga naganap, ang sakit lang.
Kaya every birthday 'ko parang isang pag-alala din sa delubyo na naranasan 'ko. Kaya every birthday 'ko, iyak lang ako maghapon.
Noong nailibing sila, sabay din nawala ang mga yaman nila papa.
Oo, I used to live like a princess. May negosyo kami at lahat 'yun nalugi noong namatay si papa.
Tapos, lahat ng dapat sana ay pamana na matitira sa akin ay kinamkam pa noong business partner niya noon!
Dahil sa bata pa ako at walang alam sa mga bagay patungkol sa negosyo, kaya napilitan akong umalis sa bahay namin at lumuwas ng maynila.
Magsimula noon, hindi 'ko na binalikan ang bahay na 'yun, pero alam 'ko yun na lang ang tanging natira sa mga pa-aari namin.
Nung nasa maynila na ako, si Norie na ang kasama 'ko.
Nakapag-aral pa ako ng vocational dito sa tulong niya. He's been so nice to me kaya na-inlove din ako sa kanya dati. Pero nawala yun noong umamin siyang bakla siya.
Magsimula nun ay kami na lang dalawa ang nagtuturingan na pamilya.
Nakapagtayo siya ng RestoBar sa isang lote na binili niya. Bunga ng pagsisipag niya ang nagging pundasyon niya kaya nakakaluwag siya.
Umalis na ako sa bar at tumungo na sa sinabing lugar ni Terence.
Isang party na para sa mga sosyalin.
Noong una hindi 'ko gusto na sumama sa kanya dahil alam 'ko naman hindi ako nababagay sa lugar na 'yon. Ngunit talagang mapilit siya, at pag hindi ako pumunta ay ibig sabihin daw ay hindi 'ko siya mahal.
Yep, kami na ni Terence. Sinagot 'ko siya last month pa.
Hindi ito alam ni Norie, dahil ayaw 'ko pa na malaman niya ang tungkol sa aming dalawa, dahil panigurado na tatalakan ako nun.
Sabi kasi ni Norie mukha daw hindi magpagkakatiwalaan si Terence, kaya kahit may angking kagwapuhan ito ay hindi siya naakit or gumaan ang loob.
Ako, wala naman nakikita na masama sa kanya, sa katunayan nga niyan ay hatid sundo ako niyan noong nag-aaral pa kami, at palagi ako binibigyan ng regalo. Dahil dun, lalong nahulog ang damdamin 'ko sa kanya.
Medyo natagalan ang panliligaw niya sa akin dahil takot ako, takot na muling masaktan. Takot magtiwala ulit sa mga lalaki. Minsan na kasi akong nagmahal at nasaktan, at ang masakit ang nangyari sa akin na 'yun.
Way back on my highschool days, meron akong naging crush sa mga ka-batch mates 'ko.
It's really crazy that I was being inlove at a younger age.
I was 14 then when I met Art, my first love.
We bacame close noong nag-move siya ng section sa section 'ko.
At first, talagang na-inlove ako ng todo sa kanya dahil sobrang cool niya at siyempre gwapo. Mabait din siya di tulad ng ibang mga kalalakihan sa school.
Kumbaga, sa kanya 'ko nakita ang ideal man na hinahanap 'ko. May checklist ako ng mga katangian ng isang perfect boyfriend.
Agad ako nakipag-close sa kanya, kahit na ilang beses niya nakikita ang clumsy side 'ko. Yep, super clumsy ako lalo na kapag nakikita 'ko siya. Shet lang, feeling 'ko anytime malalaglag ang panty 'ko!
***
Nilakad 'ko na lang ang venue tutal malapit lang naman, mga 15 mins walk e nandito na.
Habang naglalakad ako, nag-ring ang phone 'ko.
Hassle!
Sino naman ba ito. Baka si Norie ulit at sasabihan nanaman ako. Haay.
Kahit madilim, kinalikot 'ko pa din ang bag 'ko. Medyo madilim sa parte na nilalakad 'ko kaya hindi 'ko din maiwasan ang matakot dahil hindi naman ako nadadako dito.
Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa may mabundol akong isang lalaki. Hindi 'ko na namalayan ang nilalakaran 'ko dahil sa paghahalungkat 'ko sa gamit 'ko.
"Sorry, nasaktan ka ba?" Agad kong tanong dun sa lalaki.
"Yes I'm fine" giit niya.
Mula sa malapit ay may paparating na isang sasakyan at naliwanagan kami ng ilaw. Hindi ako makapaniwala sa nakita 'ko. Is this man that I've stumbled is the same man I met few years ago?
"Arthur?" Biglang sabi 'ko.
Tila nagulat siya sa sinabi 'ko. The light stands still kaya alam 'ko malinaw ang nakikita 'ko. Siya nga 'to!
"Who are you? Bakit mo ako kilala?" Giit niya. Bahid pa rin ang pagtataka sa kanyang mukha. At hindi na din niya ako matandaan.
"Ako si Elaina." Untag 'ko.
Pilit niya inaalala kung may nakikila ba siyang Elaina sa buhay niya. Hanggang sa tila ay naliwanagan na siya. Gumuhit sa mga labi niya ang tuwa.
"Elaina Ramirez?" Sorpresang tanong niya. "Yes, I am." Muli 'kong tugon.
The next thing I knew is that, he hugged me. Ewan, but it really feels good being within his warm body.
"You don't know how I really missed you!" Muli niyang tugon.
"Same with me!" Basag ang boses 'kong pagkasabi nun. Tears fell down my cheeks because of the happiness I'm feeling. I missed him so much.
Arthur's Point of View
"Elaina Ramirez?" tanong 'ko sa babaeng nakabangga sa akin. "Yes I am!" at sumabog ang galak sa puso 'ko! Bigla 'ko siyang nayakap dahil sa sobrang miss 'ko siya.
"You don't know how I really missed you!" I said huskily. "Same with me!" She said in reply. We hugged each other just like we are magnets that longing for attractions with each other.
***
"Saan ka nagtratrabaho? You changed a lot! Hindi kita agad nakilala. You looked... stunning." sabi ko sa kanya. Pumasok muna kami dito sa isang restaurant na malapit sa event place.
"Ah yun ba? Oo lalo akong nag-mukhang matured sa ayos 'ko ngayon." giit niya habang nakatingin sa akin.
We still have the same attraction we felt before.
Para kaming magnet na hindi mapaghiwalay. Kahit na bagong kita pa lang kami ay walang awkward feeling because we used to be close dati.
"How was life? Ano ng balita sa'yo? The last time we saw each other was when..." napatigil siya.
"Was when I leaved you, after highschool?" I said in a low tone. Nabigla siya sa nasabi 'ko. Totoo naman, iniwan ko siya nang wala man lang paalam.
Biglang nagkaroon ng awkward atmosphere after that, walang gustong umimik at basagin ang katahimikan.
I was so sure she is mad at me. I want to say sorry to her but my alter ego tells me that it wasn't my fault kung bakit ko siya iniwan.
I can't stand this silence anymore. As i was about to break the silence she looked at me teary eyed.
"Bakit, Art? I will listen why." I know what she was pertaining for.
I'm composing what will I say, but I can't.
Fear of saying her the truth about the real reason why I leaved her.
She still looks at me, waiting for what explanation I will confess to her.
"Because... I'm Jealous."
* to be continued