Chapter 14 DALAWANG oras na mula noong umalis ang eroplanong lulan si Elaina. Hindi na niya nagawang ipahinga ang kanyang sarili, gawa na din ng mga maraming iniisip. Nariyan ng isipin niya kung paano, at bakit naaksidente si Terence, gayong alam nito na nasa europa ito para sa isang business meeting. Maraming gumugulo sa isipan niya at hindi niya magawang ikalma ang sarili. Mataman naman niya tinignan ang gwapong lalaking katabi niya. Napakahimbing ng tulog nito. Mas lalong pinagmasdan ni Aina ang mala-anghel na mukha ni Arthur. Sa isipan niya ay na-guilty siya dahil sa madalian nilang pag-alis sa rancho. Hindi din niya makalimutan ang unang gabing pinagsaluhan nila. Ang pakiramdam na buong buhay niyang babaunin. Nagmulat ng mata si Arthur "Bakit ganyan

