Chapter 36 Isang tunog ng telepono ang gumising kay Aina. Pareho silang pagod ni Arthur sa maraming preparasyon para sa kasal nila na gaganapin mga isang buwan pa mula ngayon. Abala sila sa pag-aayos ng mga papeles na kailangan sa kasalan. Pati ang mga supplier sa gaganaping kasal ay talagang ginagawang engrande. Nag-unat pa siya ng kaunti at sinulyapan ang relo sa may tabi ng kama. Alas otso na pala ng umaga, at masarap pa rin ang tulog nitong si Arthur. Tumayo siya at sinagot niya ang teleponong nag-iingay. "Hello" pambungad niya sa linya. "Ah, kayo po ba si Miss Aina Ramirez?" boses ng babae ang nasa kabilang linya. "Eto nga si Aina. Sino nga po sila?" "Ah, ako po ang event manager sa kasal niyo, at gusto ko po sana na ibalita sa inyo na nakuha na namin ang best desiner para sa

