Yes... siya ang dahilan kung bakit nakilala kopa yung impaktong nobyo ko este "EX" ko na pala. inimbita ako nitong landlady nato nasi "Stefanie" noong Bday nya bagay na pinagtataka ko nun dahil alam ko ayaw nya sakin kahit hindi ko naman sya inaano.. hindi naman sana ako pupunta dahil hindi maganda kutob ko sa pag imbita nya sakin. pinilit lang ako ni Lola miding yung matandang umampon sakin gusto nyang makisama ako sa mga kaedaran ko at mag enjoy habang bata pa.
ang kaso lang kung ganito ugali kagaya nitong babaeng nasa harapan ko ang mga magiging makakasama ko matyatyaga nalang ako mag alaga ng mga matatanda kahit moody payan.. minsan naisip ko narape ng maligno nanay nito at sya naging Bunga.. "sorry for my words" pero marami na talaga atraso sakin tong babaeng to e.. sya lang ang bukod TANGING ganyan sakin dahil mababait naman sakin mga nakakabatang kapatid nya pati yung Mama nya..
Nung naandon na ako sa malaking bahay nila dun na nag umpisa ang lahat binalakan pala nya akong pahiyain sa mga kaibigan nyang socialera..gusto nya akong pahiyain na wala ako pinag aralan na eto lang ako.. kaso hindi naman nangyari dahil yung lalaking pinapangarap nya sakin nag ka interes isa to sa mga bisita nya.
si Danilo na naging nobyo ko hindi na ako tinantanan nito kaya hindi maka bwelo si stefanie sakin kung paano ko pahihiyain dahil alam nyang sya ang mapapahiya kay Danilo kailangan nyang mag mukang mabait dito hindi ko makakalimutan yung muka ni stefanie nun kung paano mang gigil sakin noong mga panahon nayon.. well kung nag nasisi sya na sana hindi na nya ko inimbita nun aba'y mas lalo na ako sana hindi nalang talaga ako pumunta nun para hindi kona nakikilala yung lalaking yun..
"sa sabado pa sahod ko e sabado kana bumalik"
"hindi puwede! 1 week ka ng hindi nabayayad oh usapan natin bago mag due date sa rent bayad kana"..
ininiikutan pako ng mata bruhang to.. nak ng tokwa 1week lang naman yung iba nga Dyan inaabot ng tatlong buwan hindi nag babayad..
" wala panga akong pera pa ngayon anung gusto mong gawin ko.."
"umalis ka mag umpisa ka ng magbalot"
"ha?? at san naman ako titira"
"hindi kona problema yon!? babalik ako sa susunod na araw at dapat wla na mga gamit mo dahil my titira na dto.."
tiningnan nya ako mula ulo hangang paa bago umalis na nakangisi pa pinamumuka nya sakin na nkakaawa ako tingnan sa sitwasyon ko ngayon dahil tingin ko mukang alam na nya na wala na kami ni Danilo..
sinara ko ang pinto at naupo ako sa sofa inaalala ko kung anu na mangyayari sakin napahilot ako sa noo ko at napapikit ang dami nangyari pangit sakin nitong mga nag daang araw kasama ngayon..kagabi naisipan ko pumunta sa bundok dala ang luma kong scooter galing to sa anak ni lola miding nun namayapa na at sakin na nya pinapagamit laking tulong din sakin itong scooter nato kahit may kalumaan na umaandar padin yun nga lang minsan tumitirik sa kalagitnaan ng daan kaya katakot na tulak ang ginagawa ko..
may dala akong 4cans redhorse nun at mani nakahanap ako ng magandang pwesto hindi naman kataasan yung bundok na napuntahan ko pero maganda na dhil kita ang mga magagandang ilaw ng mga kabahayan.. nag umpisa nako mag bukas ng iinumin at agad ko itong nilagok mariin akong napapikit matapos ko tong inumin..
" ang sarap.. ang lamig lakas nga talaga ng tama mo"
baliw kong sabi sa lata na parang kinakausap to.. nag bukas uli ako ng pangalawang lata dahil mabilis naubus ang una at habang umiinum inaalala ko ulit si Danilo na mimiss ko na sya..
"kamusta na kaya sya siguro ang saya na nya sa europe buti pa sya? habang ako dito amp*** hirap hirap na kung paano tatangapin yung mga sinabi nya at yung mga nangyayari ngayon"
naluluha na ako habang iniisip ko yung masaklap na pag hihiwalay namin ni Danilo
" babe i'm sorry kahit ako hindi ko rin naman matnggap eh.."
" alin ang hindi mo matnggap dun danilo na engage kana? na nag propose ka hindi mo tanggap?"
sigaw ko kay danilo habang hinahampas ko sa kanya ang hawak kong magazine..
dito ko nalaman na engage na nga sya.. nakayuko lang ito at hindi iniinda ang pag hampas ko sa kanya sa magazine na nagka punitpunit na mas lalo pako naiinis dahil sinsabayan pa ako nito sa pag iyak..
" oh anu iniiyak iyak mo dyan! na parang ako pa ang may kasalanan dapat nga masaya ka e..kasi oh ikakasal ka na pambihira ka naman Danilo AKO ANG GIRLFRIEND MO PERO BAKIT SA IBA KA IKAKASAL!! anong problema mo sakin dahil ganito lang ba ako!!
"No! no.. Baby you are Special----
niyakap ako ni Danilo pinipilit ko itong tangalin ubus lakas itong tinulak sa pagkakayakap nya sakin.
tiningnan ko to ng masama nakayuko ito at dahan dahan nyang inaangat ang ulo nya at tumingin sya sakin na parang nakakaawa at nag salita ito ng may panginginig..
"Babe.... you are "The mafia's princess" reason why we can't get married nakalaan kana sa isang Mafia Lord---"
agad ko itong sinampal ako pa ngayon ang nakalaan sa iba buti pato alam nya ako hindi? nakatingin lang ako dito at sya walang imik lang na tinangap ang sampal ko na nakayuko
" mag hihiwalay na nga lang tayo gagaguhin mopa ako"
"but i telling the truth babe---"
"tama na! wag kana magsalita! "
kinuha ko ang cellphone sa bag ko at agad ko itong binigay sa kanya regalo nya kasi to sakin noong birthday ko tinanggal kodin ang hikaw na suot ko na galing din sa knya. nanlaki ang mga mata nya at nag mamakaawa na huwag ko isauli ang mga yon..
" babe pls don't do this to me babe!?.."
"Danilo hindi ko kailangan ng mga bagay na makakapag paalala pa sakin sayo." huminga ako ng malalim at saka uli nag salita
" oo nga pala best wishes nalang at congrats.."
agad ko itong tinalikuran at umalis na sa lugar nayun.. kinabukasan nun nabalitaan kona lang ikinasal na sya at after ng kasal sa europe ang honeymoon nila. hindi ko alam kung sino ang nanadyang ipaalam pa sakin ito e.. dahil ba isa ang pamilya nila na kilala?....