ETHAN Bigla na lang nag backfire sa akin 'yung ginawa ko. I dug my own grave. Mas mahirap pa 'to kaysa noong tinatago ko ang second identity ko sa tatay ko. In two weeks madaming puwedeng mangyari. Isang pag kakamali ko lang, puwedeng walang kasalang magaganap, puwedeng dalawang linggo lang itagal ng pagiging kasal namin ni Amber at puwede rin na hindi naman mangyari 'yung dalawang na una. “Nalingat lang ako may kasalan nang magaganap.” Napatingin ako kay Justin. “No, mali pala ako. May kasalan nang naganap.” “It was the original plan naman talaga. Nalingat ka man o hindi ganito pa din ang ending.” “Pasalamat ka nung nalingat ako, may napagtanto ako.” Tinignan ko siyang maigi. “I love Ysabelle, but not the way I think it is. Siguro kasi I like her na inakala ko na love na.” “You're sa

