CHAPTER 1

1420 Words
Chapter 1: Her agony LEIGHTON’S POV PANAY ang inom ko sa alak na in-order ko sa bartender, panglimang shot ko na ’to. Pero hindi pa rin talaga ako nalalasing, wala pa ring epekto sa akin ang alak. Paulit-ulit kong nakikita ang eksenang pinag-awayan namin ng boyfriend kong si Leandro. My reason? I want to get married soon, and of course siya ang gusto kong mapapangasawa. Ilang beses na naming pinag-usapan ito, na nauuwi lang sa pag-aaway. Ayaw pa niyang magpakasal kami, dahil masyado pa raw maaga para gawin iyon. Matagal na kaming magkakilala ni Lee, tatlo kami ang magkakaibigan at si Markin ang isa. Nagawa kong i-reject noon ang feelings ni Mark, dahil ang kaibigan namin ang gusto ko at ganoon din naman ito sa akin. Pareho ang nararamdaman namin. Tatlong taon na kaming magkarelasyon at gusto ko na talagang mag-settle down. Walang problema ang pera sa amin, may kaya sa buhay ang pamilya ko ngunit hindi ako umaasa sa kanila. May sarili akong trabaho, isa akong real estate agent ng isang malaking kompanya. Na kasosyo ng firm ng pamilya ni Mark. Siya naman ay isang engineer at architect ang boyfriend ko. Alam kong matatawag akong demanding na girlfriend at sobrang nega kapag hindi ako agad natatawagan ni Lee. Lahat nang ginagawa niya ay dapat updated ako. Wala lang, ganoon ko lang kamahal ang aking nobyo at takot lang ako na maagaw siya ng iba. Lalo na, palagi siyang inirereto ng mommy niya sa ibang babae at isa iyon sa kinaiinisan ko. Unfortunately, I crossed the line. Kaya nagkaroon ng lamat ang relasyon namin ni Lee at nauwi sa... Ayokong isipin. “Mister, isa pa ngang gin diyan,” utos ko nang maubos ko na naman ang aking shot. “Hindi ka pa ba nalalasing, ma’am?” naiiling niyang tanong. Kilala na niya ako, dahil regular costumer nila ako. Binigyan niya rin naman ako at tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya. Akma ko nang iinumin ang in-order ko nang may mabilis na kamay ang umagaw no’n at napatingin na lamang ako sa lalaking kumuha ng gin ko. Siya na mismo ang umubos no’n saka pabagsak niyang inilapag sa counter ang wineglass. Hinablot niya ang braso ko pagkatapos niya ring maglapag ng libo-libuhing pera. “Aray, kuya!” Nagprotesta ako nang hinatak na niya ako palabas ng club house. Halos madapa na ako, dahil sa bilis niya. Nakasuot pa naman ako ng heels. Wala nga lang bumabangga sa katawan ko, hinahawi niya ang mga taong madadaanan namin. Nang tuluyan na kaming makalabas ay buong puwersa kong binawi ang aking kamay. Pinukulan ko nang masamang tingin ang nakatatanda kong kapatid na si Rexus. “Bakit ikaw ang pumunta rito? Bakit hindi ang boyfriend ko?” I asked him. “Sinong boyfriend mo ang tinutukoy mo, Leighton?” malamig na tanong niya sa akin. Salamat sa ilaw na nanggaling sa poste at nakikita ko pa rin nang malinaw ang guwapo niyang mukha. Mababasa ko roon ang galit at inis niya sa akin, kahit kapatid pa niya ako. Napangisi ako. “Nagka-amnesia ka na ba, kuya? Kilala mo naman kung sino ang boyfriend ko, e.” Bahagya pa akong natawa, na ikinailing niya. “Alam mong wala na kayo ni Leandro, Leighton,” walang emosyon na sabi niya at parang doon ko lang naalala ang nangyari. Kaya ako nagpapakalasing ngayon sa bar, at dahil nga iyon na wala na kaming relasyon ni Leandro. Hindi siya mismo ang tumapos, pero ako. Ako na pinagsisihan ko lang. “Hindi totoo ’yan, kuya. Cool off lang kami. Mahal ako ni Leondro, hindi no’n tatanggapin ang breakup namin. Isa pa, busy siya ngayon sa bago niyang project. Iisipin no’n na na-miss ko lang siya, kaya nagtatampo ako na madalang na lang kaming magkita,” pagdadahilan ko pa, ngunit alam ko mismo ang totoong nangyari. Napahawak na lamang ako sa aking dibdib. Nararamdaman ko na naman ang pagkirot nito. “Leighton, ang pagpapakasal ay hindi basta-basta. Hindi mo puwedeng i-demand iyon sa kaniya. Pinag-iisapan iyon at hindi minamadali. Matinding desisyon ang gagawin mo at kailangang may paninindigan ka.” “Kuya, kilala naman namin ang isa’t isa, nagmamahalan naman kami. Iyon na talaga ang kulang sa amin, ang pagpapakasal,” I reasoned out. Hinubad niya ang coat niya at ibinalot iyon sa aking katawan. “Stop hurting yourself, Leighton. Sinukuan ka ni Leandro, dahil sinaktan mo rin siya. You ended up with another man and stayed overnight with him at a hotel. Kahit ako magagalit sa iyo. Hindi ka na bata, alam mo sa sarili mo ang tama at mali.” Doon na ako natigilan at nawalan na nang imik. Totoong ginawa ko nga iyon, sa tindi ng galit ko sa kaniya. Pero sigurado naman ako na walang nangyari sa amin. “Galit lang ako, kuya. Galit lang ako kaya nagawa ko iyon nang hindi na ako nakakapag-isip pa ng tama.” Nag-init na ang aking mga mata at alam kong nagbabadya na ang mga luha. “Kasalanan ko! Kasalanan iyon, kuya!” Mabilis ay nag-burts out na ako at pinalo-palo ko ang ulo ko. “Leighton, alam kong napi-pressure ka lang kay mama.” Umiling ako, dahil kasalanan ko talaga ang lahat ng ito. “Ako lang, kuya. Ako lang ang may kasalanan nito,” giit ko at tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Naalala ko kung saan nagsimula ang lahat ng ito. Lahat naman talaga ng bagay ay may dahilan. “HAPPY birthday po, tita,” magalang na bati ko sa mommy ng boyfriend kong si Leandro. Ngayon ang ika-54th birthday ni Tita Laura, hindi ako invited sa totoo lang. Pero kapag may okasyon sa pamilya ni Lee ay palagi niya akong sinasama. Ngunit ngayon lang kami hindi magkasama na pumunta sa bahay ng mga magulang niya. Mahigit isang buwan na simula nang maging abala siya sa kaniyang trabaho. Isa kasi siyang architect, ang best friend naming si Markin ang katrabaho niya. Ngunit iba na rin ngayon. May tinanggap siyang project at hindi iyon basta-basta. May sakit sa puso si Tita Laura, pero kung titingnan mo ay parang ang lakas-lakas pa rin niya. Tatlong taon na kaming magkarelasyon ni Lee. Nagsimula kasi kami sa magkakaibigan lang, bago na-develop ang feelings namin sa isa’t isa. Naipakilala na niya ako sa parents niya sa mga panahon na hindi pa kami, pero ako ang unang gumawa ng paraan para makilala ako na bilang girlfriend ni Lee. Hindi naman nagalit ang aking nobyo. Mabait siya at maalalahanin, isa iyon sa pag-uugali niya na gustong-gusto ko. Matagal ko na ring sinisikap na makuha ang loob ng mommy niya, ngunit sadyang nahirapan ako. “Alam mo, hija? Hindi ka na sana nag-abala pa,” sabi niya nang buksan niya ang regalo ko para sa kan’ya. Isa iyong mamahalin na channel bag ang binili ko. Mahilig kasi si Tita Laura mangolekta ng handbag. Sa katunayan ay iyon ang palagi kong binibili para sa kaniya. “Birthday ninyo naman po, tita. Kaya ayos lang po,” aniko at ang lapad-lapad pa ng ngiti ko. Pero nabura lang iyon nang mapansin ko na hindi naman siya nagkaroon ng interes sa regalo ko. “Mahal ’to, Leighton. Alam ko kung magkano lang ang sinasahod mo bilang real estate agent. So, I suggest huwag mo na akong regaluhan ng ganito kamahal.” “Naku wala lang po iyon sa akin, tita,” sabi ko. “Bakit hindi mo kasama si Leondro? Ngayon lang kayo nagkahiwalay sa pagpunta rito, ah,” puna niya at alam kong hahanapan na naman niya ng butas ang relasyon namin ng anak niya. Palagi naman siyang ganito, e. “Busy po sa project niya si Lee, tita. Pero tumawag po siya kanina, nagpaalam na mali-late siya nang dating. Kaya pinauna na po niya ako,” pagdadahilan ko pa. Pero ang totoo niyan ay hindi tumawag sa akin si Leandro. Ako na lang ang nag-imbento para hindi iyon mapansin ni tita. “Okay lang ba ang relasyon ninyo, Leighton? Hindi naman siguro nagloko ang anak ko, ’no?” nakataas ang kilay na tanong niya. Todo tanggi ako sa bagay na iyon. Kung ano-ano pa ang sinabi niya at tumatango na lang din ako. Hanggang sa dumating ang inaanak niyang si Yanne. Masama ang loob ko, dahil alam kong mas gusto ni Tita Laura ang inaanak niya. Hindi na bago sa akin ang minsan ay pinagtutulakan niya ang kaniyang anak. Napabuntong-hiningang na lamang ako at naupo na lang ako sa isang sulok. Pasulyap-sulyap sa cell phone ko na hindi pa nagre-replay si Lee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD