Chapter 51: Camping, 7th, 8th and 9th gift PAGLABAS namin ay ibinigay agad ni Astrid ang susi ng camper bus sa daddy niya. Binuksan na niya ang pinto, at inalalayan itong makasakay. Tumingin naman siya sa amin, at binati ang asawa ko. Napasulyap pa siya sa baba, hindi ko alam kung saang banda talaga siya nakatingin. Ang naramdaman ko lang ay humigpit ang braso ni Noah sa aking baywang. “Here.” Inabot niya kay Lee ang traveling bag namin ni Astrid. Walang imik na kinuha naman niya iyon. “Take care of my wife. Alam kong alam mo na ang plano naming dalawa. Our annulment is still in process, so Leighton is still my wife. Dala-dala pa rin niya ang pangalan ko.” “Don’t worry. I know my boundaries, and I won’t cross them. Sisiguraduhin ko na hindi na mauulit ang nangyari noon,” seryosong sa

